Wednesday, August 21, 2013

'Sanglibo (part 2)

Kinabukasan eh bumalik ako agad for the result. I'm the type of person na kung may problema, harapin agad. 'Wag nang patagalin. Wit ko nagets ang medical terms sa impression ng x-ray result kaya balik ako kay doc for the interpretation. Sinabi niya na umulit ang sakit ko noong 2007. Pero nagtaka siya kasi nagamot na ako noon. Just to make sure, pinapa-undergo niya ako ng different lab tests. Gow lang basta may health card. Susulat na sana siya sa papel nang bigla siyang napatingin sa akin. May pag-aalinlangan pero nag-follow up question siya.

"I hope you don't mind sa itatanong ko."

"Gow lang doc. Ano ba 'yun?"

"Your sexual activities."

NAKAKALOKA! Since matagal ko na siyang doctor at kumportable ako sa kanya eh ikinwento ko na ang lahat. Walang kiyeme. Dedma sa earth tutal propesyonal ang kaharap ko. Medyo disente nga lang pagkaka-kwento ko. Hindi ako sanay. CHAROT!

"Ipapa-HIV test kita."

Nawindang akez sa sinabi niya. Nakabawi naman atashi agad. Alam ko naman na para sa ikagagaling ko 'yun kaya pumayag akez. Ano nga ba naman ng silbi ng irereseta niyang gamot kung hindi dito magre-react ang sexylicious body kez? But still, it gives me a different feeling. I can't explain it pero iba sa pakiramdam. Para sa isang tulad ko na sumusuporta sa adbokasiya ng Love Yourself Project, it shouldn't be this hard ngunit iba pala kapag andun ka na sa sitwasyon. Instead of doing it sa mismong ospital, I opted to do it sa ibang lugar.

Itutuloy...

5 comments:

  1. Good luck sa results mo ate melanie...

    POsitive lang teh...ah..

    Positive attitude ha..hindi positive results sa test.

    =)

    ReplyDelete
  2. OMG Bb. Melanie! Bitin akels, pag pray kita! Nakakaloka.

    -KP

    ReplyDelete
  3. highly anticipated ang next revelation mo teh he he .... sana naman negative , eto lang ang negative na gusto natin he he he ...

    ReplyDelete
  4. Naku teh alam ko ang feeling. Shokot din akez everytime nagpapatest ako. Kaya maa gusto ko yung rapid testing alam mo kaagad ang resulta paglipas ng isang oras. The agony of waiting is the worst kapag yung regular blood test ang ginawa kakaloka yun. I wish na nega ang balita sayo. Nega results.

    ReplyDelete
  5. Teh! Di mo naman shinare sa blog mo na may pagdilig pala na nagaganap sa hardin mo!

    ReplyDelete