Wednesday, November 11, 2015

Patutsada

Bukod sa pageants, sunud-sunod din ang labas ng magagandang kanta ngayong 4th quarter ng 2015. I'm sure, tulad ko eh updated na ang playlist niyo. Heto ang ilan sa dapat idagdag sa listahan natin...

Nagbabalik agad ang Mariah Carey of this generation. This is the first single from her upcoming 3rd album na next year pa ang labas. 'Di ko nagustuhan noong una kasi parang katunog ng Problem single niya. May lalaking nagsasalita din sa chorus. Eventually, sa kakakinig ay nagustuhan ko na rin. Tulad niya, dapat todo pokus din tayo sa paghahanap ng ohms. PAK!

Ang pinaka-inaabangang pagbabalik ng reyna ng pighati ay naganap na at talaga namang pasabog si Adele. Kinabog niya ang record ni Taylor Swift for the most viewed music video in 24 hours sa Vevo. 27.7 million lang naman ang record niya. Mahigit isang milyon kada oras ang nanood noong October 23. BONGGA! Pahihirapan na naman niya tayong kantahin sa videoke 'to. Ang taas eh!

Napanood ko 'tong si Justin Bieber sa Ellen at tadtad na pala siya ng tattoo. Ang layo na dun sa Baby, Baby, Baby Oh My niyang itsura. Kumalat din ang paparazzi nude photos niya. Infairness, daks si baby huh! Na-miss kaya ni Selena Gomez ang nutring niya? CHAR! Anyways, kakaaliw 'tong song niya. Kakaiba ang beat na talagang mapapasayaw ka.

Comeback din ng isa pang Queen of Pop na si Janet Jackson. This time ay kasama niya si Missy Elliot for BURNITUP! Feels like late 90's to 00's ang tunog. Kakamiss 'yung rap ni Missy. Walang wala sa mga female rappers ngayon. Waiting pa sa official music video nito, but hopefully, magkaroon na. Busy lang siguro si madir sa world tour.

Aminin man o hindi, obvious from the lyrics hanggang sa melody ng Perfect na ito ang sagot ni Harry Styles sa mga patutsada songs sa kanya ni Taylor Swift (lagi na lang nating nababanggit ang babaitang 'yan). Katunog pa nga ng Style. Perfect si ateng eh. Maganda, talented, matangkad, balingkinitan, at habulin ng masasarap like Calvin Harris! SIYA NA TALAGA! 

4 comments:

Senyor Iskwater said...

bet ko ang hello at focus!!! good read!

La Carmela said...

..Nasa playlist ko na Teh Melanie ang Focus ni Ariana Grande, Hello ni Teh Adele at Burnitup! ni Janet Jackson, i hope na may official video na tong Burnitup!...

AnonymousBeki said...

Ang harot ng tunog ng Focus. Bagay sa'tin.

Melanie said...

-Senyor Iskwater, salamuch! Hope to see you soon :)

-Teh La Carmela, last month pa na-release 'yung song. Inaabangan ko ang pasavogue dance ni Janet at rap ni Missy.

-Teh AnonymousBeki, NAMAN PALAMAN!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...