Wednesday, April 28, 2010

Boys Over Loren

Papalapit nang papalapit ang araw ng halalan at ako'y todo na sa pananabik na makabotong muli. Pangatlong beses ko na itong boboto simula nung nag-register ako sa Comelec.

Bongga din sa dami ang paninira ng mga kandidato sa kanilang mga kalaban sa inaasam na posisyon. Anyways, antayin na lang natin ang May 10, 2010 nang magkaalaman.

Here's a funny pic I got from my email... Enjoy!

Monday, April 26, 2010

Sarah G. for Noynoy???


Si Sarah Geronimo na taga suporta nina Manny Villar at Loren Legarda, naka-L sign at Yellow shirt??? May pagka-colour blind ako pero ang layo kaya ng Yellow sa Orange. Hhhmmmm... Paki-explain nga Sarah G. at Viva Entertainment.

Cheezy Escudero


Hate ko si Chiz Escudero. Takot lang siyang maging Vice President si Mar Roxas dahil pag nagkataon, malakas na kakumpitensiya niya ito sa 2016 Presidential elections. Kaya NoyBi siya.

Behlat Chiz!

Jay Sonza


Kung hindi tatakbo si Mar Roxas bilang Vice President, iboboto ko ng bongga si Jay Sonza. Ang galing niya sa Harapan ng ABS-CBN. Hindi na niya kailangan pang manira nang ibang tao para makuha ang boto ng tao unlike Loren Legarda.

Chub Chaser


Love ko ang gay indie film na ito. Maganda at malinaw ang mensahe na "Love yourself before anybody else". Bagay na bagay para sa mga bonggang bading na inuuna ang love life bago ang sarili.

Crush ko din kasi yung lead actors dito na sina Joseff Young at Jeff Luna. Di ko nga lang alam kung straight talaga sa personal si Joseff but who cares. Todo siya sa kasarapan. Yum!

Shake, Rattle & Roll

Bumili ako ng "Shake, Rattle & Roll" series sa Quiapo. Part 1 to 3. Reminiscing the old times. Mas bongga kasi ang istorya ng mga lumang "Shake..." kesa yung mga bago.

Una kong pinanood yung Part 3. Sobrang nakakatakot at nakakatuwa yung "Nanay" episode starring Manilyn Reynes, Joey de Leon at Ai Ai Delas Alas. Dito sumikat yung Undin. Naaalala ko nun, takot ako sa episode na ito kasi bukod sa nakakatakot yung itsura nung Undin, natutunaw pa yung taong sinusukuhan niya.

First time kong mapanood yung unang part ng "Shake..." Hindi pala siya under Regal Films kundi Athena Productions. Hindi rin siya wholesome masyado kaya siguro hindi siya pinalabas before sa TV. Ang favorite episode ko dito ay yung "Pridyider". Todo sa landi si Janice na pati ref eh naakit niya. Freaky din kasi may mga human parts sa loob nung ref.

Next in line is "Shake, Rattle & Roll Part 2".

Dear John


Bongga ang movie na "Dear John". Ang galing nang pagkaka-gawa at todo sa akting sina Amanda Seyfried at Channing Tatum. Hindi boring at maganda ang editing at cinematography. Medyo di ko lang type yung ending kasi hindi man lang inexplain kung paano sila nagkabalikan. Parang minadali. Basahin ko na nga lang yung book and lets see kung mas maganda.

Wednesday, April 21, 2010

Nakaraan


Bong Bong Marcos for Senator? History repeats itself ba pag nanalo siya? Pleeeaaassseee....

Tuesday, April 20, 2010

Aksyon


Bakit dumadami ang mga baril at armas sa Pilipinas??? Hindi kaya dahil puro action stars ang nasa senado??? Pakisagot nga Leon Guerrero and Panday???

Sonia Roco for Senator


Panahon na para magkaroon nang isang guro sa senado. I'll vote for Sonia Roco. Education first!

Riza Honti-VIRUS


"Magandang Laban" ang tag line ni Riza Hontiveros sa kanyang campaign posters. Anong ibig sabihin nun? Magandang laban para sa sambayanan o dahil may hitsura siya?

Kala mo di namin alam ang ibig mong sabihin ah... Wala na bang ibang maisip ang staff mo. Paano pa kaya kung nasa senado ka? Tsk!

STOP THE SPREAD OF RIZA HONTI-VIRUS!!!

Monday, April 19, 2010

City of stars talaga!


Bakit todo sa pagkaka-sunud sunod ang mga artistang gustong maging pulitiko sa QC. Sina Ara Mina, Ogie Diaz, Arnell Ignacio, Glenda Garcia, at si Aling Aiko. Naloloka na atashi! Baka magising na lang ako isang araw na puro artista na ang nakatira dito at itinapon na kami sa liblib na lugar.

Bakit?


Bakit gustong tumakbong senador ng mga dating congressman? Ang alam ko, pareho lang nang gawain ang Congress at Senate ah. Di kaya dahil mas bongga at todo sa laki ang pork barrel ng senado kumpara sa kongreso??? Pakisagot nga Congressman Remulla at Congresswoman Hontiveros... Hhmmm...

Sunday, April 4, 2010

R.I.P

Depression and sadness conquers me. I don't like this day and I hope it will never happen again. I just found out this morning that termites attacked one of collections. They tortured my precious video and music collection. Huhuhuhu :'(

I'm their latest victim.

I CURSE THEM TO DIE NOW! I wanna burn every part of their species. It is such a horrible day for me. I worked hard for that collection of mine. I counted years just to have them and for less than a month, those termites slay them. I wanna cry and get mad, roll on the floor and hurt myself but nothing will change. It will never be the same again. They're already dead. Nothing can compare to the heartache that I felt when I saw my collections burning together with those lovely and cute parasites.

My collection. Waaahhhh... Those old Darna Movies by Ate Vi, the 4 albums of Nina, my favorite album of Mandy Moore, the very rare Spice Album of Spice Girls and my first ever movie video of my forever crush Josh Hartnett. All of them died today.

R.I.P :'(