Pagpasok na pagpasok pa lang ng September 1, pinatugtog ko na agad sina
Mariah Carey at
Jose Mari Chan. Feeling ko nasa SM ako kahit nasa loob ng opisina. Iba ang joy na hatid ng BER months. Pinoy lang sa buong mundo ang nagdidiwang ng kapaskuhan for 4 months. Minsan, nae-extend pa hanggang Enero. Likas na masayahin talaga tayo. 'Yun nga lang, akala ko eh tuluy-tuloy na ang masayang atmosphere, hindi pala dahil lahat ay todong nagulantang sa balitang pagsabog ng bomba sa Davao. Sa kasamaang palad, may mga namatay at madami ang nasugatan. Ipagdasal natin na sana'y matigil na ang mga ganitong eksena. Ang daming inosenteng nadadamay. Ang sakit sa puso,
JUICE KO 'DAY!
Sasali ulit ako sa pa-promo ng
Nuffnang at
Huawei bilang last week na nilang mamimigay ng ketay. Adventure ang tema this time. Choose lang daw akez ng isang pica at mag-explain kung paano ba nito nabago ang pananaw ko sa adventure. Browse ako sa
My Pictures folder. Medyo nahirapan ako mamili dahil 'pag sinabing adventure, unang pumapasok sa isip ko eh mga byahe sa probinsiya, pag-akyat ng bundok o 'di kaya, bungee jumping. Hindi naman akez madalas gumanon. Well, I think adventure can be anywhere at sa kaka-open ng sandamukal na folder, eto ang maswerteng pikachu...
Bakit
LRT? Kasi eto ang madalas kong sakyan 'pag hindi ko knowsline kung saan pupunta. May mga moments kasi na bet kong lumarga pero wit decided kung saan gagala. 'Pag naisip ko bumayla ng murang libro at CDs, sa
Doroteo Jose ang baba ko dahil konting rampa lang at
Recto na. Kapag magsisimba, pwedeng bumaba sa
Sta. Cruz o
Baclaran. Karamihan sa landmarks ng kalungsuran tulad ng
Intramuros, National Museum, Luneta, Mall of Asia, Manila Zoo, Malate, Supreme Court, PGH, at
La Salle ay madadaanan nito. Eto ang magandang sakyan kung gusto ng adventure pero 'di alam kung saan pupunta. Murayta na, convenient pa!
Aside from that, nakakapagmuni-muni ako sa buhay habang umaandar ang tren. Nakakapulot ako ng ideas sa pagtingin sa bintana at pagsipat sa mga pasahero. Siyempre, chunky check din ng cutie pies. 'Pag may Melarazzi moment, dapat lang na may maaasahang ketay na pwedeng gumetching ng high-quality pictures.
Oh paano mga ateng, kita na lang tayo sa LRT. ♥