Thursday, September 15, 2016

The Guy in the Rain

Image from School of Fine Hearts
Pauwi ako galing opisina. Pasado alas-dose ng hatinggabi. Sa harap ako ng jeep nakasakay papuntang Welcome. Walang tao. Ako pa lang. Dinig ang boses ng barker nanghahalina ng pasahero.

"Bayad po." 

Sinuklian ng siete ang bente pesos ko. Sinuot ko ang headset at nakinig kay Regine Velasquez. May tumabi sa akin. Umandar. May pumapara maya't maya. Medyo napuno. Nag-antay ng saglit sa EDSA. Tinahak ang kahabaan ng Kamuning. Bumaba ang katabi ko sa Timog. Muling umandar. May pumara. Tumabi sa akin. Cute. Moreno. White t-shirt ang suot. Naramdaman ko ang pakiskisan ng mga braso namin. Ang tigas ng masels.

Una siyang bumaba sa overpass malapit sa Fisher Mall. Ako, lumagpas ng konti. Nag-antay ng jeep. May dumating. Pinara ko. Nakita ko, sakay din siya sa harapan. Mag-isa. Pinili kong umupo sa likuran.

"Bayad po."

Natutulog siya. Pagod yata. Hindi ko mapigilan na tingnan ang kanyang likuran. Tiningnan ko ang side mirror. May itsura siya. Binagtas namin ang Roosevelt Avenue. Walang trapik. Umaambon. Basa ang daan. Nagsibabaan ang karamihan sa EDSA. Lumipat ako sa pinakadulo. Sana hindi na mag-antay pa ng pasahero ang driver. Hindi nga. Tuluy-tuloy ang byahe.

"Para po", sabay bukas ng payong.

Bumaba din siya. Naunang maglakad. Huminto sa harap ng isang gate. Hinilot ang noo. Tiningnan siya habang naglalakad. Binagalan ko. Pinakiramdaman. Nasa gilid ko na siya.

"Hello. May sakit ka ba?"

"Wala. Lasing lang."

"Halika dito, share tayo sa payong ko. Baka maambunan ka."

"Ang bait mo naman."

Patlang.

"Anong pangalan mo?"

"Lester."

"Ako pala si Mel."

"Ano trabaho mo?"

"Waiter."

"Ah, kaya ka pala lasing."

Napangiti siya.

"Saan ka nakatira?"

"Diyan sa sitio."

Malapit na.

"Gusto mo ihatid kita?"

"Huwag na."

Nakarating kami sa kanto kung saan siya kakanan.

"Sige, Lester. Nice meeting you."

"Salamat."

Tuloy lang ako sa paglalakad. Naisip ko, sana inaya ko siya. Mag-hotel. Uminom. Andun na ang pagkakataon. Pero hindi ako ganun. Ayaw ko mag-take advantage ng isang sitwasyon. Tsaka ang dami ko palang babayaran.

'Di bale, baka makita ko siya ulit na hindi na lasing.

Wakas.

5 comments:

  1. lasing sya at base sa convo nyo game sya. sayang. kairita ka pa-virgin ka pa ate! kahit himas lang o handjob. i hate you!

    ReplyDelete
  2. Kalantod u Ms. M, kakaaliw.

    Tids.

    ReplyDelete
  3. Ang ganda ng screenplay ! PAK !winner !

    ReplyDelete
  4. Best screenplay teh...sayang andun na sana..heheh

    ReplyDelete
  5. Ganda mo Teh! Isa Kang puta sa pagiging demure pero lumululon naman. Pek genern😀

    ReplyDelete