Monday, February 27, 2017

Maibsan

Hello, mga ateng! Nalulungkot ako sa nangyayari sa social media. Ang daming bully. Gone were the days na fun lang ang comments section. Kahit anong unfollow at filter ang gawin mo sa newsfeed, makakabasa at makakabasa ka talaga ng nega. Sakit sa heart! Well, might as well ibahin natin ang takbo at dito na lang tayo sa kaharian natin. Let's start to spread love, love, love! Kaka-miss din ang kaartehan ni Kris huh!

Simula noong Enero, target ko na makabasa ng libro kada buwan. Last year kasi ang konti ng nabasa ko. So far, limang libro na ang natatapos ko - Bewitching by Alex Flinn, Happy Endings by Luis Katigbak, at Blush: Crush Curse, Crush Clash & Dreaming of You ni Rose Tan. Iba ang feeling kapag alam mong ilang page na lang at tapos mo na basahin. Malungkot na masaya. Mixed feeling parang Dingdong mixed nuts lang. CHOS!

Photo from Stan Yee's Twitter account
Nag-transpo strike pala ang karamihan ng jeepney drivers ngayon dahil balak i-phaseout ang mga matatandang jeep upang maibsan ang problema sa trapiko. Nakalulungkot kasi feeling ko, hindi lang naman sila ang problema kundi ang patuloy na pagdami ng tao sa Maynila, ang sentralisasyon ng negosyo dito at ang pagdami ng pribadong sasakyan sa daan. Hindi na rin kasi malaparan ang national highways dahil sagad na rin ang mga establishments na nakatayo sa gilid nito. Konting tiyaga at pasensya lang mga ateng, makakasakay din kayo.

In relation to that, na-hot seat ang Uber PH dahil sa tweet nila. Supposedly, may free rides sana ang users nila pero na-offend ang ilan dahil napaka-insensitive daw ng platform. I don't see any problem with that. Kahit hindi sila mag-offer ng free ride, users still have the option to use the app. Ano 'to, walang uwian?

LSS ako sa kantang Wow ni Kylie Minogue. Ayan, ginagaya ko ang steps niya diyan sa video. The song was her second single from her X album na 10 years ago pa na-release. Grabe! Sampung taon na pala ang lumipas. Ambilis! Nabasa ko sa FB: "When people say 10 years ago, I think of the 90s". Relate much KALOKA!

Bumalik na din pala ako sa pagja-jogging sa UP Diliman. Noong una eh sa umaga ako tumatakbo pero sinubukan ko ang night jogging at infairness, mas nagustuhan ko. Mas konti ang tao at medyo malamig sa gabi. Well, hindi na ngayon. Nagsisimula na kasing magparamdam si summer eh. Balik-alindog program akiz sapagkat ang sisikip na ng pantalon. Laging naiipit ang chanda romero huhuhu!

Ang daming political issues na nakaka-stress! As much as I want to voice out my opinion, mas gusto kong pagtuunan nang pansin ang ibang isyu na hindi trending. 'Yung mga pampa-good vibes at light sa pakiramdam. 'Di bale mga ateng, basta maayos lang ang monitor ng PC kez, share ulit ako ng komiks strip at scanned male magazines.

Magandang gabi!