Thursday, April 12, 2012

Pwesto 1.0

Para sa mga CD collector na tulad ko, iba ang feeling kapag nadaragdagan ang aming koleksyon. Pinaghalong excitement at saya kapag bubuksan na namin ang CD at isasalang sa player. Pa ul-ul na patutugtugin ang mga kanta hanggang sa magsawa.

Nagsimula akong mangolekta ng music albums noong ako'y Grade 6. Cassette tape ng 911 ang una sa koleksyon ko. Simula noon, nagtuloy-tuloy na ako sa pag-iipon nito. Mid 2000's nang mawala ang cassette tapes sa pamilihan. Puro CD's na ang natira. Buti na lang at graduate na ako noon at may trabaho kaya nasustentohan ko naman ang hilig ko.

Ang album ng isang foreign artist ay nagre-range from 350 - 500 peysosesoses depende kung Standard or Deluxe edition ito. Minsan, mas mahal pa diyan. Mas abot-kaya naman ang OPM albums na 150 - 350 peysos lang. Depende sa dami ng kanta at bongga ng case.

Kapag rare or out of stock na ang isang CD, maaari kaming tumakbo sa Amazon.co.uk at bumili nito. Buti na lang at hindi nagkakalayo ang presyo nito sa presyo sa merkado. Minsan, mas mura pa nga. Todong mag-aantay ka nga lang ng 3-4 weeks para sa shipping.

Sa pagliliwaliw ko sa Quiapo area, isang pwesto sa Cartimar Recto ang natuklasan ko. Isang pwesto na maaaring ituring na langit ng mga tulad ko, original CDs sa mas murang halaga.

Napakalawak ng selection ng pwesto na 'to from Rock, Pop, Jazz, Latin, OPM, Frank Sinatra to Lady Gaga meron sila.

Tingnan mo si kuya, hindi magkamayaw sa pagpili.

At kung vintage ang bet mo, madami silang vinyl records sa murang halaga.

May mga concert DVDs din sila. May kahalong movies 'yan ni Ate Shawie. Fan yata ng Megastar ang may ari. CHOS!

May mga second hand books din sila worth 150 - 200 lang.

Kaya sa mga nangongolekta diyan at mas pinipili pa rin ang bumili ng physical copy kesa mag-download sa Internet, punta na kayo dito. I'm sure mag e-enjoy kayo!

27 comments:

  1. sabi ni mike samahan mo daw siya diyan. pangarap din niya makapunta ng cartimar sa recto

    ReplyDelete
  2. paano pumunta ng cartimar from recto lrt station? thanks.

    ReplyDelete
  3. Ang Recto ay iba sa Quiapo. Ang Cartimar nasa Pasay! Palaka!!

    ReplyDelete
  4. -Teh Froglita, bet ko 'yan! Doon ang aming first ever date :)

    -Teh Anonymous April 12, 2012 8:21 PM, lakad ka lang papuntang Isetann. Tahakin mo 'yung daan papuntang Mendiola. Nasa tabi ng Sogo Hotel ang Cartimar sa Recto.

    -Teh Echosera Ka!, may Cartimar din sa Recto hindi lang sa Pasay.

    ReplyDelete
  5. lam mo mare,date yan ang collections ko at pte na rin ang VHS at VCD.Kaso nung kinompute ko lhat ng nagastos ko umabot na siya ng 97k...kaya huminto ako bgla akong nanghinyang..sna pla alahas na lang o lupa sa palawan o kung saan man ang binili ko.Kase ang sandamakmak ko VHS at tapes eh nkatengga nlng s kwarto ko s pinas at pandisplay ni inang..Sana dumating ang time na ginto na ang halaga ng VHS....haaay.
    -Tagamasid Pampurok-

    ReplyDelete
  6. bb. melanie,
    te, idol na kita..ikaw na! as in ikaw na, the best ka..hahaha
    i so like your posts..it's very helpful & at the same time may aliw factor..
    keep it coming coz i keep on reading! XOXO

    ReplyDelete
  7. anonymous april 12 9:36pm,feelingera ka vakla eh wala k nman pla alam,plibhasa laking gubat ka kya hndi mo alam na may cartimar sa recto! 48yrs na vakla ang cartimar sa recto kya wagkang feelingerang brainy ka.

    ReplyDelete
  8. Hi Bb. Melanie. You never fail to amuse me kaya fan na fan ako ng blog mo. So entertaining at very informative . Just like u i do collect cd's sandamakmak na nga I started cguro early 90's pa. And this post really helps a lot considering pamahal na ng pamahal ang presyo ng audio cd's na orig. at andame ko pang gustong bilhin. Thanks thanks . BTW, I did had a chance to meet you before sa premiere ng BOLA sa UP Film Center , Don't know if you still remember ako yung friend ni MGG who approached you while your talking to Chris. Anyways regards and keep it up, LUV your blog.
    xoxo R

    ReplyDelete
  9. Thanks po sa post niyo. Siguradong pupuntahan ko po ito. Saan po ito banda? Ano po name ng store? Sana may Christina Aguilera cds sila para makumpleto ko na collection ko.

    ReplyDelete
  10. -Teh -Tagamasid Pampurok-, hayaan mo at kapag antique nang maituturing ang VHS, for sure tataas ang value niyan. Matagal pa nga lang 'yon.

    -Teh boss.mack, salamat sa pag-appreciate :)

    -Teh R, yes I remember you! Hindi nga lang tayo nakapagchikahan kasi mahiyain ako sa personal eh. Hihihi...

    -Teh Anonymous April 15, 2012 12:30 AM, walang name at stall number 'yung pwesto eh. Basta nasa right side lang sa 1st floor. May na-sight akong Christina Aguilera at Bionic album doon.

    ReplyDelete
  11. teh mura ba tlga? bket nkta ko price s pic mo ay nsa 400-450 pesos? prang presyong mall nrin yta?

    ReplyDelete
  12. -Teh Anonymous April 17, 2012 10:50 PM, 650 ang mall price ng Madonna MDNA deluxe edition sa mall. Around 150 to 250 ang price ng ibang CDs. Mas maganda kung pupuntahan mo para macheck mo personally.

    ReplyDelete
  13. since naghanap ka ng mga christina aguilera cd marami akong christina cd na di available sa pinas ang iba pero sa amerika at europe mo lang mabibili..i am a huge fan of christina aguilera.i have everything for her cds , posters, collectors item dvd lahat original yan walang pirared galing germany.kung gusto mo na nang mag perfume meron din akong mga christina aguilera perfumes na for sale na di available sa pinas sa europe lang at amerika...lahat to made in germany di sa pina... email mo lang ako yung fan na fan kay christina baga may cd ka na wala sa collection mo...you can email me at ronchea@yahoo.com ......email me there please...

    ReplyDelete
  14. Meron po bang Katy Perry? Salamat Bb. Melanie. :)) -Katycat_Rafy

    ReplyDelete
  15. dear ate melanie

    i was passively looking for ateng Beyoncé's album "4" online (wala akong time magmall at mahal sa mall and kung meron man online mejo fail kc lagi nang sold, ung iba abroad pa galing) since i'm a big fan. Then it just happened na naisipan kong magvisit sa iyong blog and it just some sort of coincidence na pinost mo ung entry na "Lotus" which is about ateng Xtina's (abandoned) album and i clicked it kase mejo interesting talaga for me na topics ang mga pop girls na ito. When i found out na you bought her album sa recto (with a hindsight na baka mura lang ang bentahan), i was a bit thrilled. Then i hovered onto the comments to ask kung saan ito and i saw na may nagtanong na and good Lord buti at sinagot mo and you just brought me there!

    So the day has come na icheck kung meron ito sa Cartimar. Mejo muntik ko pa hindi mahanap ang pwesto ni tay dahil nasa looban pa ito at ang nakadisplay ang mga books at nasa loob ang mga discs. And then mabait at warm naman si tay Greg (tama ba? yan ata ung narinig kong tawag sa kanya) at pumasok ako. Mejo kabado ako na baka wala, kase tlagang napakadiverse ng kanyang panindang mga cd (may mga rock, opm, jazz, mga banda, me metal pa ata)! Buti na lang nakita ko ang mga album nila ateng Adele, Britney, Madonna at kuya JT, JB at marami pang iba kaya mejo naassured naman ako na meron.

    Then mula sa paghalungkay sa mga plaka ay biglang kumabog ang aking dibdib when i saw her cd!! Honestly di ko talaga alam kung bibilhin ko ito kase mejo nahihiya akong tanungin ang price (me sticker kase na Php 510.. haha). Then kunware hanap hanap pa rin ako ng ibang cd's (isa pang album nya.. B'Day, well actually wala hehe) kahit ung 4 lang naman talaga ang bibilhin. Tapos kinamusta na ko ni tay nang bigla nyang mabanggit na ako daw ang unang customer nya at ibibigay nya daw sa kin ng mababa ano man ang mabaylamos ko! haha

    Aun na nga, me mga dumating na na ibang customer pero buti na lang true to words si tay dahil ginibsung nya lang sa kin ang cd ng Php 200! Tuwang tuwa naman ako dahil sa mga pangyayari. Nang paalis ko sa Cartimar eh naisipan ko muna pumasok dun sa isang mini-mall (ung mall na madadaanan papunta ng Mendiola, forgot the name) at nakita ko sa bungad na may cd sale at YEESSS!! on sale ang B'Day (on sale din ang isa pa nyang album na I Am... Sasha Fierce sa price na 200, kaso meron na ko nito) kaya wala nang pagdadalawang isip pa at baylamos na ito!

    Pasensya ateng at pang-MMK ata itong shinare ko pero gusto lang kitang pasalamatan at ang blog mo dahil magagawa ko na ang Beyoncé album koleksyon ko teh!

    Salamat gurl!

    ReplyDelete
  16. sabi ng isang kakilala ko nakabili daw sya ng crossroards vcd, stripped ni christina aguilera at lotus jan din sa quipo dito kaya ito nabili daw nya yung crossroad ng 35 pati stripprd japan edition daw ung lotus 200 meron bang ganun jan sa pinutahan mo ang mura talaga nun if meron.. text mo ko 09328916103 pero binookmark ko rin tong blog mo nakakatuwa eh 3 oras akong nag se search ayaw kasing sabihin ng kakakilala ko kung san meron murang album cd sa quiapo THANK GOD at nakita ko blog mo.

    ReplyDelete
  17. Hello,

    Ngayon ko lang nakita itong post. Meron pa kaya nitong pwesto dun? Balak ko sana pumunta dun dahil mahilig rin ako mangulekta ng mga CD. Hindi pa ako nakakapunta ng Cartimar kaya naninigurado muna ako.

    Salamat.

    ReplyDelete
  18. Nandiyan pa ang puwesto ni Kuya Greg, lalong dumami ang mga brand new, used CDs & used vinyl album niya. Nakabili na ako ng Xscape album ni Michael Jackson for the price of 200 pati yun new album ni Shakira for the price of 250.

    ReplyDelete
  19. Ang mabait na si Mang Greg ang may-ari ng second hand Books and Cds shop na hinahanap mo. Last time na nakapunta ako dun 2012 pa, hopefully makapunta ako uli. Daming CD's e for cheaper price! Haha... Eto yung pic nya at shop, credit sa isang blogger across the internet http://1.bp.blogspot.com/-uWY2Af2qAno/UERXNYTMHNI/AAAAAAAADKQ/hXfME-PgpK8/s640/bookstore+cartimar.JPG :D

    ReplyDelete
  20. sa mga cassette tapes po ba may mga alam po kayo na pwede ko pa po mabillhan ng second hand? I just saw your blog kaya nag comment na din po ako.please text me up 09204944353 please guys thanks my name is nj thanks

    ReplyDelete
  21. Marami din Cassette tapes si Mang Greg sa Cartimar Recto...I think he sells it at 40-50 pesos each. Check it out!

    ReplyDelete
  22. Ms. Melanie, Ask lang po gusto ko sanang pumunta sa store na yan? kaso sa date of your post is year 2012 pa. tingin mo active pa kaya yang store nya sa ngayon? gusto ko kasi pumunta. Please advise.

    ReplyDelete
  23. Mr. Pogi, andun pa 'yung store ni Mang Greg. Go and explore!

    ReplyDelete
  24. Very well said BB. Melanie, Mang Greg's store is still alive & kicking & he is putting more items on sale. Just came from his store this afternoon. Dami pa rin tao namimili.

    ReplyDelete
  25. Meron po kayo Janno Gibbs na CD?

    ReplyDelete
  26. Meron din po kayo cassette tapes and movies ni Janno Gibbs

    ReplyDelete
  27. Much better pasyal na lang kayo sa pwesto ni Mang Greg to check out kung meron siya Janno Gibbs CD, hindi naman hard-to-find item yan kaya malaking chance na available yan kay Mang Greg.

    ReplyDelete