Wednesday, June 21, 2017

Rainbow

Kita niyo na ba ang bagong offering ng Victoria Court sa ating lahi? Ang Rainbow card na magegetching ng free kapag nag-check-in sa selected properties nila. This has the same perks and privileges na nasa Black and Pink cards. Aawww, so sweet dahil heto't may nadagdag pang isang lugar sa Kamaynilaan na yayakap sa ating pagkatao. Safe, accepting at garantisadong walang discrimination. Ang sabi nga sa official hashtag nila... #EveryonesWelcomeHere. I looove it! Meron na ako niyan and I can't wait to use it. Teka, hanap muna ako jowa. CHOS!

Bukas ay mapapanood na natin sa TLC at FB live ang The Kings, the reality show starring Joey Mead King and her wife, Angie King. I know some of us have questions in our mind lalo na noong nagladad si Angie. Very private ang couple na itey but they are going to share pieces of their lives to educate us. Very timely for the Pride Month. 

The show's gonna start at 9 PM kaya sabay-sabay nating panoorin 'yan. Support Angie and Joey and at the same time, let's be informed. Here's a teaser of the show:

Tuesday, June 20, 2017

Nakabalandra

Kumustasa, mga ateng? Na-miss ko kayo nang bonggang bongga! Heto ako, subsob sa trabaho. Very quick lang na kwento, never kong na-imagine sa tanang buhay ko noong estudyante ako na ang magiging trabaho ko eh humarap sa numero at gumawa ng pie chart, graphs at analysis. Mahina ako sa Math at nunca kong pinagtuunan ng pansin ang Excel. But life is really surprising, heto ako't 'yan ang hinaharap everyday by Ariana Grande and I'm not complaining. Challenging pero kinekeri. Ganyan lang dapat sa buhay, de vaahhh?

Nalelerki ako sa patutsadahan nina Erwin Tulfo, Ed Lingao, mga ka-DDS at Kultong Dilawan sa FB. Kanya-kanyang kampo, ayaw magpatalo. Parang Katy Perry at Taylor Swift lang. Nakaka-stress basahin ang comments section. Minsan, na-type ko na 'yung sasabihin ko pero iisipin ko muna kung dapat ko bang i-comment. May makakaintindi ba sa punto ko o babarahin lang ako't pagbibintangang miyembro ng kulto? Kumbaga Juday vs. Claudine lang, hindi kasali si Jolina o 'di kaya, Nora vs. Vilma, etsapwera si Hilda. Hindi ba pwedeng pro-Pinoy at walang kinikilingang partido?

Sakay ako ng jeep pajuwelay noong Linggo. Huminto kami malapit sa pedestrian lane bilang naka-red light nang bigla na lang sumulpot sa harapan namin itong batang babae. Tantiya ko eh wala pang apat na taon ang edad, may bitbit na sampaguita at inaalok sa mga sasakyan. JUICE KO 'DAY! Hindi kineri ng puso ko ang eksena. Malapit lang siya sa aksidente. Ambibilis pa naman ng mga sasakyan ditey at daanan pa ng truck.

Hindi maalis ang mga mata ko sa kanya. Malaki lang siya ng konti sa gulong pero heto't kumakayod na. Nasaan ang magulang ng batang ire? Saktong may dumaan na truck sa likod niya. Baka mahagip dahil halos out of sight na siya ng ganung klaseng sasakyan. 'Di napigilang mag-komento ni manong driver. Ayun at nagturo pa ng ibang bata na nasa gitna ng kalsada, may bitbit ding sampaguita.

Nagdaan ang administrasyon ni Arroyo at PNoy and we now have Du30 at lagi kong tinatanong sa sarili ko, nakikita ba ng tao nila ang ganitong problema? Maliwanag na child labor at labag sa batas pero nakabalandra sa daan. Todong nakadudurog ng puso.

Habang busy sa bangayan ang iba, heto si nene... abala sa pagbebenta.