Friday, June 10, 2011

Paborito

Muling sasabak sa isang masarap na kumpetisyon ang paborito nating si Richard Pangilinan. Isa siya sa dalawampu't apat na ohms na nagnanais maiuwi ang titulo bilang Sexiest Man in the City

Nasa ikalawang taon na ang nasabing patimpalak at ayon sa press release eh bonggang 100 kiaw pukekels ang premyo. YAMAN! Sana manalo si Richard para may pang-date na kami. CHAROT!

Click here to see the 24 official candidates.

*Photos courtesy of Ian Felix Alquiros.

Thursday, June 9, 2011

Kalma

Natapos din (sa wakas) ang dalawang araw na training ko sa aking mga boss imported from the US of A. Siyempre, nagpakitang gilas na naman ang dila ko na minana ko pa kay Miss International 1979. Sinangkapan ko na lang ng nag-uumapaw na confidence at conviction para hindi mahalata ang sablay. PAK!

Dahil naging super active ang neurons ko sa dami ng bagong impormasyon, nangangailangan ito ng pampakalma. Pero paano sila kakalma kung eto ang nakita ko?

Jesse Cortes


SURRRAAAPPP!!! ☺

*Photos courtesy of Naj Maranga Photography

Monday, June 6, 2011

Magnanakaw sa MRT

Unang araw ng school year, unang araw ng linggo at naglipana ang masasamang loob. Nakasabay ko pa ang mga lintek! SH!T TALAGA! 

Mga pasado alas-dos ng hapon kanina ng sumakay ako ng MRT papuntang trabaho. Puno ang tren as usual. Nang pababa na ako ng Buendia station, aba't ayaw magsilabasan ng mga pasahero malapit sa pintuan para makaraan kami.

"EXCUSE ME!" narinig kong sinabi nung isang batang pasahero. Lalaki. Mga 15-18 lang ang edad. Nakipagsiksikan siya para makalabas. Siniksik siya ng tatlo hanggang apat na lalaki. Iyong isa na medyo matanda na at may kaliitan ang taas eh kitang kita ko na pinisil ang bulsa ng shorts na suot niya. Ang bilis ng pangyayari! Nakuha agad nung lalaki 'yung laman ng bulsa.

Nung nakalabas na kami ng tren, titig na titig yung bata sa mga sumiksik sa kanya. Tinitigan ko rin sila. Hindi ako umalis sa kinatatayuan ko. Tumingin ako sa paligid ko. Naghahanap ng mahihingan ng tulong pero bakit parang blanko ang istasyon nung mga oras na 'yun. Inantay ko pang makaalis ang tren. Na-shock ako sa nasaksihan ko. Tiningnan ko 'yung bata na kinakapa 'yung bulsa niya. Kinalabit ko siya.

"Nanakawan ka ba ng cellphone?"

"Opo" sabi niya.

Naawa ako sa kanya. Sobra akong nalulungkot. Ni hindi ko man lang siya natulungan. May nagawa sana ako kung hindi ako nablanko. Nageskandalo't sumigaw sana ako. Nahuli sana ang mga kawatan. Nabawasan sana ang mga gumagalang kriminal.

Sunday, June 5, 2011

Kung estudyante pa rin ako, siguro...

My high school classmates during our Physics class
  • Handa na ang basahan sa bag ko para magamit pamunas ng maalikabok na upuan at bintana.
  • May dala akong pamaypay para hindi tagaktak ang pawis ko sa init ng classroom at sa dami naming magkaka-klase.
  • Malaking scotch tape ang pinabili ko para pagdikit-dikitin ang mga pilas na pahina ng librong ipahihiram sa amin.
  • Magbabaon ako ng dyaryo para maupuan. Baka kasi sa hagdanan kami mag-klase dahil kulang sa classrooms.

At higit sa lahat...
  • Hindi ako makatulog sa sobrang excitement ko sa unang araw ng klase.

Umaapaw

Ginampanan ni Nora Aunor noong 1978 ang isang karakter na hindi lahat ng artista ay kayang gampanan. Siya si Nelia sa pelikulang Atsay na idinirek ni Eddie Garcia

"Landi ka! Puta! Walanghiyang ito! Tahi-tahimik ka diyan 'yun pala ang kiri kiri mo! Hayop! Pangit pangit mo, ang itim itim mo, ang kiri kiri mo. Walanghiya ka!"
Isang anak na nais magtrabaho para makatulong sa pamilya ang tipikal na papel ni Ate Guy sa pelikula. Lumuwas ng Maynila para mamasukan pero nagkanda-letse letse ang buhay dahil sa mga amo na asal hayop. Ilang beses nakatakas hanggang sa matagpuan ang sariling kaligayahan.

Bella Flores
Angie Ferro
Armida Siguion-Reyna
Ginawang ekstra-ordinaryo ng mga artista ang tipikal na istorya ng Atsay. Lahat ay mahusay sa bawat eksena. May narealize din ako habang pinanonood ang pelikula. Mas magagaling pala ang kontrabida noon kesa ngayon. Sisiw ang kasamaan nina Gary at Clara sa todong kalupitan nina Bella Flores, Angie Ferro at Armida Siguion-Reyna. Kilay pa lang nila, masisindak ka na. 'Sing talas ng punyal ang pananalitang kanilang binitawan at parang walang bukas kung makasabunot, makasampal, makatadyak at makapanakit. Para tuloy akong nanood ng horror movie. ANG LUPET!

Perfekta sa role na inosente at api-apihan ang Superstar. Effortless at flawless ang kanyang performance. Affected ako sa tuwing nakikita ko siyang inaalila o 'di kaya pinapakain ng tirang ulam. Maihahalintulad ko dito ang kanyang akting sa Himala. Kokonti ang linya pero umaapaw sa dami ng emosyon. Ekspresyon ng mga mata at kilos ng katawan ang kanyang ginamit upang ipadama sa mga manonood ang hirap at pagtitiis ng isang atsay. 

Thursday, June 2, 2011

Pasabog

Where on Earth:

...is BB Gandanghari?

Habang pauwi watashi noong 'sang araw galing trabaho, palabas sa bus na sinakyan ko ang Mistah ni koya Robin Padilla. Lahat ng shupatemba niya ay kasama sa pelikulang ito kabilang na si Rustom Padilla. Machu-machuhan ang aura ni ateh Rustom at walang bahid kabaklaan. Perfek magtago ng kamison si ateng!

Rustom Padilla inside PBB house
Nawala siya sa mundo ng showbiz at nang bumalik, parang biktima ng gutom sa kapayatan. Pumasok siya sa bahay ni kuya bilang celebrity housemate at duon na namukadkad ang kanyang bulaklak. Paglabas niya, nagkaroon siya ng mga movies portraying gay roles (Zsazsa Zaturnnah & Happy Hearts).

Umalis siya ng bansa at natsismis na nagpa-sex change. Bitbit niya ang isang pasabog na statement nang siya magreturn of the comeback ulit. Rustom Padilla is dead. NAKAKALOKA! Siya na daw si BB Gandanghari. PAK na PAK!

Pero nasaan na siya ngayon?

Wednesday, June 1, 2011

Hari

Hunyo na! Panahon na para magtago si haring araw sa likod ng ulap upang magbigay daan sa pagrereyna ni ulan. Dapat laging handa ang ating payong para naman hindi mabasa ang byuti. Sayang kung malulusaw ng ulan ang bonggang liquid eyeliner at red lepstek natin.

Sa pagtatapos ng summer season, sandamakmak na male bikini pageant ang naganap. Sa lahat ng 'yon, tatlo ang naghari sa aking tag-araw...

Mikee Dela Cruz
Manila's Man of the Year winner

David Sommerauer
Cebu Tropical Hunk 1st runner-up
Mr. EcoTourism Mossimo Bikini Summit (Cebu) 2nd runner-up

Jesse Cortes
Mr. EcoTourism Mossimo Bikini Summit (Cebu) candidate
Mr. Lapu-Lapu candidate