Sunday, September 5, 2010
Pasensya na
Go ako kanina sa Robinson's Galleria to watch the indie film of Papa Marco Morales na Pagnanasa. Hindi ko kinaya ang pelikulang ito. Kaya naman pala walang press releases at publicity, walang magandang dahilan para todong i-promote ito. Pasensya na sa cast and people behind this film sa mga sasabihin ko pero Juice Meeh, saan niyo napulot ang scriptwriter nito? Bukod sa basurang istorya, grabe din ang editing at cinematography. Kung saan-saan nagpa-pan ang camera. Nahilo tuloy ako. Pati akting ng mga artista, malala pa sa salitang malala. Hindi man lang yata nag-undergo sa acting workshop ang mga ta-ar-tits lalo na si ateh Sofia Lee. Mas kapansin-pansin pa yung bonggang pahinog niyang tagihawat sa baba kesa sa akting niya. Buti pa si Tiyang Dexter Doria, give na give sa dramahan.
Final Words: Incest is a very sensitive topic and if you're going to create a movie out of it, make sure that the story is sensible.
Kylie's Way
The music video of Kylie's second single from her new album is already out. I like the original concept and it's simply AMAZING. I'm such a BIG fan and I wish she'll have a concert here soon. I only got ♥ ♥ ♥ for Kylie!Click here to experience Get Outta My Way.
Saturday, September 4, 2010
Pagnanasa
I just got an email informing the fans of Marco Morales na palabas na sa kasalukuyan ang kanyang newest indie film na pinamagatang Pagnanasa. Kasama niya dito sina Charles Delgado at si... si... si... Sofia Lee? Sino siya mga ateehh?I was trying to search the movie poster in Google pero witchy cola. Zero press releases at walang synopsis. Kaloka! Parang wala man lang publicity ang pelikulang itetch. Sana man lang nai-promote bago ang na-release. Tungkol saan kaya ang pelikulang ito?
Anyways, kung pinagnanasaan niyo pa rin si Marco (katulad ko), sugod na sa mga sinehang ito:
- Robinson's Galleria Cinema 8
- Ever Grand Central Cinema 4
- Ever Gotesco Ortigas Cinema 4
- Market Place Cinema 4
Thursday, September 2, 2010
Langit
Hindi na talaga mapigil sa kasikatan ang Bagong Pantasya ng 'Sangkabaklaan na si Richard Pangilinan. Ngayon, meron na siyang bonggang Facebook fan page. Sugod na mga ateh, log-in na sa inyong Facebook account at todong i-like ang kanyang fan page. Consider this as our heaven of love and fantasy for him. Share your thoughts and pictures na rin.
Click mo dito. Dali!
Click mo dito. Dali!
Wednesday, September 1, 2010
Cosmo Men 2010 is here!
The September ish of Cosmopolitan is out now and Sam Milby is the cover of Cosmo Men. I wonder if they can surpass 2009's batch of gorgeous men. Depressing nga lang because I'll not be able to attend the Cosmo Bash this year. Wala akong passes na napanalunan unlike last year. Kaya nananawagan ako sa inyo mga shupatemba. Kung meron kayong extra passes to this wild event, debbie gibson niyo naman sa akin. Isipin niyo na lang, charity work sa isang baklang kaawa-awa.
Pleeeeassse... ☹
Pleeeeassse... ☹
Malapit na
Tuwing darating ang unang araw ng Setyembre, 'di pwedeng hindi natin maisip agad ang nalalapit na Kapaskuhan. Sadya kasing masayahin tayong mga Pilipino kaya we look forward to one of the happiest holidays in the calendar. Nag-uumpisa na magbenta ang ilan sa ating mga kababayan ng mga parol at Christmas decors sa daan. Dahil maaga ang selebrasyon, mauuna na akong mangangaroling sa inyo:
♫♪ Sino si Santa Claus ang tanong sa akin
Ng aking bunso na naglalambing
Bakit Pasko lamang namin kapiling
At nagmamahal sa amin?
Pakinggan mo bunso nang malaman mo
Si Santa Claus ay laging naririto
Minamasdan lamang ang ugali niyo
Pagka't mahal niya kayo
Sa tuwing Pasko lamang kung siya'y makita
At aguinaldo ang dala niya sa tuwina
Alam mo na bunso, alam lahat halos
Kung bakit may Santa Claus
Pakinggan mo bunso nang malaman mo
Si Santa Claus ay laging naririto
Minamasdan lamang ang ugali niyo
Pagka't mahal niya kayo ♪♫
♫♪ Sino si Santa Claus ang tanong sa akinNg aking bunso na naglalambing
Bakit Pasko lamang namin kapiling
At nagmamahal sa amin?
Pakinggan mo bunso nang malaman mo
Si Santa Claus ay laging naririto
Minamasdan lamang ang ugali niyo
Pagka't mahal niya kayo
Sa tuwing Pasko lamang kung siya'y makita
At aguinaldo ang dala niya sa tuwina
Alam mo na bunso, alam lahat halos
Kung bakit may Santa Claus
Pakinggan mo bunso nang malaman mo
Si Santa Claus ay laging naririto
Minamasdan lamang ang ugali niyo
Pagka't mahal niya kayo ♪♫
Tuesday, August 31, 2010
Putol
Krimen ang pumatay sa tao dahil tanging Diyos lamang ang may likha ng ating buhay. Pwede bang i-apply ito sa pagputol ng mga puno?
Naloka watashi ng todo sa nabalitaan ko kagabi sa Bandila. Mahigit-kumulang limang daang puno ang pinutol sa isang probinsiya (Nueva Vizcaya yata) dahil hadlang 'daw' sa irigasyon. Haller!?! Kailan pa naging hadlang ang mga puno? Eh sila nga itong tumutulong sa pagkakaroon ng tubig sa mga sapa at ilog. Kung di ba naman tinamaan ng lintik ang mga namumuno sa probinsiyang 'yan oh!
Ang tao, kayang bumuo ng buhay sa loob ng siyam na buwan samantalang taon ang bibilangin bago maituring na puno ang isang halaman. Hindi man nakapagsasalita ang mga puno, buhay din ito na tulad natin. Pinakikinabangan mula sa hanging ating nilalanghap hanggang sa pagkain ng kanilang mga bunga. Nakakalungkot lang talaga na sadyang malupit ang ibang tao sa mga bagay na walang kalaban-laban.
Pangalagaan natin ang ating kalikasan lalo na ang mga puno. Kung hindi ay mapuputol din ang itatagal ng buhay natin dito sa mundo.
Naloka watashi ng todo sa nabalitaan ko kagabi sa Bandila. Mahigit-kumulang limang daang puno ang pinutol sa isang probinsiya (Nueva Vizcaya yata) dahil hadlang 'daw' sa irigasyon. Haller!?! Kailan pa naging hadlang ang mga puno? Eh sila nga itong tumutulong sa pagkakaroon ng tubig sa mga sapa at ilog. Kung di ba naman tinamaan ng lintik ang mga namumuno sa probinsiyang 'yan oh!
Ang tao, kayang bumuo ng buhay sa loob ng siyam na buwan samantalang taon ang bibilangin bago maituring na puno ang isang halaman. Hindi man nakapagsasalita ang mga puno, buhay din ito na tulad natin. Pinakikinabangan mula sa hanging ating nilalanghap hanggang sa pagkain ng kanilang mga bunga. Nakakalungkot lang talaga na sadyang malupit ang ibang tao sa mga bagay na walang kalaban-laban. Pangalagaan natin ang ating kalikasan lalo na ang mga puno. Kung hindi ay mapuputol din ang itatagal ng buhay natin dito sa mundo.
Subscribe to:
Posts (Atom)

