Tuesday, August 31, 2010

Putol

Krimen ang pumatay sa tao dahil tanging Diyos lamang ang may likha ng ating buhay. Pwede bang i-apply ito sa pagputol ng mga puno?

Naloka watashi ng todo sa nabalitaan ko kagabi sa Bandila. Mahigit-kumulang limang daang puno ang pinutol sa isang probinsiya (Nueva Vizcaya yata) dahil hadlang 'daw' sa irigasyon. Haller!?! Kailan pa naging hadlang ang mga puno? Eh sila nga itong tumutulong sa pagkakaroon ng tubig sa mga sapa at ilog. Kung di ba naman tinamaan ng lintik ang mga namumuno sa probinsiyang 'yan oh!
Ang tao, kayang bumuo ng buhay sa loob ng siyam na buwan samantalang taon ang bibilangin bago maituring na puno ang isang halaman. Hindi man nakapagsasalita ang mga puno, buhay din ito na tulad natin. Pinakikinabangan mula sa hanging ating nilalanghap hanggang sa pagkain ng kanilang mga bunga. Nakakalungkot lang talaga na sadyang malupit ang ibang tao sa mga bagay na walang kalaban-laban.

Pangalagaan natin ang ating kalikasan lalo na ang mga puno. Kung hindi ay mapuputol din ang itatagal ng buhay natin dito sa mundo.

No comments:

Post a Comment