Thursday, January 13, 2011

Pareho

Sa dinami-dami ng lumang pelikula ni Ate Guy na napanood ko, Bona ang tumatak sa isipan ko. Yun eh bago ko napanood ang Bakit Bughaw Ang Langit?

Like na like ko ang role niya dito bilang si Babette na kinakatulong ng kanyang pamilya. Pinatigil sa pag-aaral para mapagtapos ang kanyang nakatatanda at nakagagandang kapatid. Ambisyosa ang kanyang nanay (Anita Linda) na dating artista na witit namang sumikat. Hikahos naman sa pag i-intrega ng pera ang kanyang tatay (Mario Escudero).

Dahil sa walang pambayad ng renta sa dati nilang inuupahan, lumipat sila ng matitirahan. Dito nakilala ni Babette si Bobby (Dennis Roldan) na naging abnormal (pasensya na sa term) dahil sa isang aksidente. Inalagaan niya ito kapalit ng mga kinuhang bestida ng nanay niya sa ina nito. Habang tumatagal ang kanyang pag-aalaga dito, unti-unti itong napapamahal sa kanya.

Todong nagandahan ako sa pelikulang ito na sumasalamin sa pamumuhay ng isang pamilya. Swak na swak ang lokasyon, ang panahon, ang pananamit ng mga karakter at pati na rin ang mga kapitbahay. Lahat ng eksena ay mahalaga para sa kabuuan ng pelikula. Bet na bet ko ang sagutan portion ni Babette at ng nanay niya. Ang haba nung script pero nadeliver ng bongga at tuloy-tuloy ni Ate Guy. Kapag nagsasalita naman ng kanyang linya si Anita Linda, hindi ko maiwasang magalit sa sobra niyang pagkamaldita.

Pagkatapos ng pelikula, pinag-isipan ko nung una kung sino ang mas gusto ko between Bona and Babette. Pero pareho kasi silang nagampanan ng mahusay ni Nora Aunor kaya wa-i akong pipiliin sa kanila.

10 comments:

  1. Tama ka diyan, Miss M. In fact, isa ito sa mga underrated films ni Ate guy. Hindi masyadong nabigyan ng pansin, pero super ganda at makatotohanan talaga ang mga pangyayari, magaling lahat ng nagsiganap, at isa pa...si Lino Brocka pa ang director. Nagiging Noranian ka na rin, Miss M. and I am not surprised at all kasi naman, minus the personal life of the original superstar, dapat lang siyang hangaan talaga dahil magaling siya talaga. For me, she is a genius.

    ReplyDelete
  2. Oh, I'm sorry. it's Mario Ohara pala, not Lino Brocka. Anyway, magaling din si Ohara. Siya din ang nag-direct ng "Condemned" ni Ate guy. Palagay ko, pag napanood mo ang "Condemned", magugustuhan mo rin Miss M. Unfortunately, wala akong kopya nito para ibigay sa iyo. Bayaan mo, maghahanap tayo.

    ReplyDelete
  3. Ngayon ko lang na-realize na mas bonggang aktres si Ate Guy kesa kay Ate Vi. Noon kase mas like ko si Ate Vi kesa kay Ate Guy, kase feeling ko nuon mas bongga ang aktingan kapag nag-e-hysterical, maingay at may confrontation, pero ngayon sa dinamidami nang pelikula napanuod ko que local, international, commercial, art film, world cinema, film noir, animation o bold man, ngayon ko lang na-realize na ang pagiging dekalebreng aktor pala'y nasa charisma sa eksena, at sa execution ng artista sa karakter. Kaya nung napanuod ko ang Bona dun talaga nag-aparisyon sa akin ang diyosang superstar na nag-nganagalang Nora Aunor. ☺

    PS isa pa rin naman sa faves ko si Ate Vi. Yun lang, mas matinding aktres talaga si Ate Guy. Yun na!

    ReplyDelete
  4. hindi ko pa to napanood... for me ang top 3 movies ni nora: (1) himala, (2) 3 taong walang diyos, at (3) minsay may gamugamo... and of course, until now, wala p din pumapantay sa husay nya sa himala.

    ReplyDelete
  5. Correct kayong lahat!

    ReplyDelete
  6. Top 3 ko: Ina ka ng Anak mo, Tatlong Taong walang Diyo, at Himala.

    ReplyDelete
  7. Another underrated movie ni Ate Guy ay ang "Kastilyong Buhangin." Hindi ako masyadong sigurado pero palagay ko si Mario O'Hara din ang nagdirek...Ito rin yata ang pinakamagandang akting ni Lito Lapid...Nakakadala talaga ng eksena ang ating Superstar... Kahit tanungin ninyo si Jonee Gamboa.

    ReplyDelete
  8. Bb. Melanie, Ask ko lang kung willing kang ma-interview mo si Ms. Nora Aunor, para sa blog mo. I think she's coming home this second week of May 2011.

    Will keep you posted. Love much. Mwaahh!

    ReplyDelete
  9. -Teh Anonymous May 1, 2011 6:58 AM, napakalaking karangalan para sa akin kung maiinterview ko man ang isang Nora Aunor.

    ReplyDelete
  10. i remeber vividly napanood ko ito sa ali mall. di ito masyado kumita dahil kasabay nito ang Mga Basang Sisiw ng child superstars noon......

    ReplyDelete