Thursday, January 27, 2011

Ingat

Sa tuwing papasok ako ng trabaho sa Makati, araw-araw kong nadadaanan ang EDSA-Buendia. At nitong Martes lang, limang buhay ang nawala sa lugar na 'to dahil sa pagsabog ng bomba sa loob ng bus. Todo-todong nakakaloka at nakakapraning ang ganitong trahedya. Hindi mo pwedeng hindi isipin na maari ka rin maging biktima. Dahil tulad natin, simpleng pasahero lang sila na ang nais ay makarating sa kanilang pupuntahan.

Nawa'y hindi na maulit ang ganitong pangyayari. Kaya naman maging alerto tayo sa lahat ng pagkakataon. Magmasid ng bonggang-bongga sa loob at labas ng ating sinasakyan. Busisiin ng mabuti ang mga upuan at ilalim nito. Kesehodang puro basura, maigi nang kalkalin. Mag-alcohol na lang after. Kung may nakitang kahina-hinala, kunin ang atensyon ng kundoktor o driver. Mabuti na ang nag-iingat kesa magkapira-piraso ang byuti natin. Siyempre, wag kakalimutan ang magdasal kay Father Above para sa proteksyon at gabay para sa isang safe na paglalakbay.

No comments:

Post a Comment