Thursday, January 13, 2011

"Balikbayan Package"

Sawang sawa na aketch sa pagiging mahirap salazar! Ayaw ko nang mag-init ng tubig sa takure gamit ang Super Kalan. Hindi ko na masikmura ang tinapay na isinasawsaw sa Kopiko Brown para lang ito'y magkalasa. Kaya naman nagpunta ako sa Starbucks para malaman ko kung bagay akong maging sushal. CHAROT!!!

Nagkita kami ni Ateh Paul last night dahil may igi-givesung siya sa aking "balikbayan package". Dapat last year pa ito pero busy kami sa pagpapayaman. Kahapon lang kami nagkaroon ng free time. Nauna ako sa meeting place since walking distance lang naman yung kapihan. Actually, medyo malayo-layo yung nilakad ko. Ayaw ko lang gumastos ng kinse sa traysi at siete sa jeep. Ganyan ako kayaman! Di vaaahhh?!?

ang camera-shy na si Ateh Paul with her mamahaling kape

Waiting galore muna akekels ng mahigit-kumulang vente minutos bago dumating ang CEO slash president slash sole stakeholder ng Stall 57 sa Dapitan Arcade. Dala na niya ang "package". Nagpalinga-linga ako sa paligid at baka may nakasunod sa kanya. Hindi pwedeng malaman ng mga kinauukulan ang aming usapan. ECHOS!!!

Eto yung "balikbayan package":

Isang malaking pasasalamat ang nais kong ipahatid sa mahal kong kaibigan. Kung hindi dahil sa iyo, wala ako ngayon sa kinalalagyan ko. CHOS!

Sobrang dami ng "chocolates" at "de lata" na ibinigay niya. Dun pa lang sa kapihan, gusto ko na itong "tikman". Kaya lang, isinaalang-alang ko ang kapakanan ng ibang customers kapag nakita nilang binubulatlat ko ang "laman" ng package. Baka maibuga nila ang kapeng nilalagok nila. Nag-antay na lang akong maka-juwelay.


Gusto niyong malaman kung ano yung "chocolates" at "de lata"?

"Matitikman" niyo din...

7 comments:

  1. hahaha, penge Miss M, madami b?

    tidyong

    ReplyDelete
  2. anetch itey...lab na lab ko ang blog mo...sana daily may entry ka eh....winnur.

    ReplyDelete
  3. wats inside madam?

    ReplyDelete
  4. -Teh tidyong, BONGGA sa dami! Debbie Gibson kita once na nagkita tayo.

    -Teh Anonymous January 13, 2011 7:17 PM, maraming salamat! Sana makaya kong mag-post araw-araw :)

    -Teh Anonymous January 13, 2011 7:42 PM, malalaman niyo din ang "laman" ng package sa mga susunod na araw.

    ReplyDelete
  5. atcheng mag sing yaman pala tayo, pero ako 3 in 1 nescafe ang brand ko at safeguard na 3 in 1 pack ang gamit ko...parang may naaaninag akong m2m dvd sa loob ng package mo.....tama?........maygan

    ReplyDelete
  6. ahaha @ "laman"

    peram :)

    KC

    ReplyDelete
  7. nakakaaliw ka ateng...kurak ang sabi ng nag comment na sana araw araw me entry ka...malamang ikaw na ang pumalit sa blog ni wanda ilusyunada na tinangay na ng ondoy sa marikina...

    ReplyDelete