Simula sa Miyerkules, ika-2 ng Pebrero ay otso pesos na ang iaabot natin kay manong drayber kung hindi lalagpas ng apat na kilometro ang pupuntahan natin. Kung medyo malayo-layo naman ang patutunguhan, dagdagan natin ng P1.25 kada kilometro.
Inaprubahan na kasi ng LTFRB ang pisong umento sa pasahe dahil ngumangawa na ang mga jeepney drivers sa Pilipinas. Sunud-sunod naman kasi ang pagtaas ng gasolina na halos linggo-linggo ay pumapalo sa piso. At kung bababa naman, pabenchi-benchingko lang. Ang sakit para sa mga pumapasada araw-araw. Dobleng sakit naman sa mga mamamayang biyahero.
Huwag daw tayong mabahala dahil provisional increase lang daw ito ayon kay Atty. Manuel Iway, LTFRB Director. Meaning, kapag bumaba daw(?) ang presyo ng gasolina, maaaring bumalik sa P7 pesos ang pasahe.
Talaga lang ha?!?
Dito nanggaling ang balita: Inquirer at ABS-CBN

magkano lang ang increase ng gasoline maybe 5 pesos per lter, ilang piso kada pasahero ang madadagdag sa kita nila? parang unfair...... maygan...
ReplyDeleteHindi man lang dumaan sa 7.50. Otso na agad :(
ReplyDeleteKurak kayo mga 'teh! Another adjustment ito for daily budget... ☹
ReplyDelete