Thursday, January 6, 2011

Mga bote ng shampoo at si Melodina

Parte ng aking pagiging trudis liit ang pangongolekta ng kung anu-anong bagay. Ang kauna-unahan kong koleksyon ay shampoo bottles. Isang timba nito ang naipon ko. Pinakapeyborit ko ang bote ng Sunsilk kasi may picture ng babae.

Sumunod na kinolekta ko ay komiks. Dito ako mas natutong magbasa. Sandamakmak sana ang naitabi ko nito kung hindi sinunog ng mudrakels ko. Nag-away kasi kami ng ate ko kasi ayaw ko magpahiram dahil baka magusot (ang damot lang di vaaahhh). Pero kahit naabo ang mga ito, hindi pa rin ako tumigil sa pangongolekta nito. This time, mga peste naman ang naka-away ko. Nakalagay lang kasi ang mga ito sa karton ng rice cooker. One time pag-check ko, butas na ang karton at may mga ngatngat na ng "mababait" ang koleksyon ko. Buti na lang at naagapan ko. Ngayon nasa safe storage na ang mga ito.

 
Likha ng batikang manunulat sa komiks na si Pablo S. Gomez (RIP) si Machete na malapit nang ipalabas sa Kapuso network starring Aljur Abrenica. I bet madami sa 'ting lahi ang mag-aabang sa estatwang magiging tao na tanging bahag lang ang suot. SARAP!

Pero alam niyo bang may female version si Machete? Ating kilalanin si Melodina.

Pinoy Klasiks blg. 1859
Sa panulat ni Pablo S. Gomez (RIP) at dibuho ni Clem Rivera, unang lumabas ang karakter ni Melodina sa pahina ng Pinoy Klasiks komiks noong Hulyo 7, 1996.

Narito ang unang labas ng serye (click to enlarge):


At matapos ang siyamnapung labas, nagwakas ang nobela sa nasabing komiks noong Hunyo 29, 1997. Si Joe Hilario na ang huling gumuhit sa serye.

3 comments:

  1. hindi ba pygmalion ang drama ni melodina?

    ReplyDelete
  2. May similarities sa Pygmalion pero sa komiks, Melodina turned into a monster na na-obsess kay Gandong.

    ReplyDelete
  3. wow! dito ko lang nalaman ito! good job bb melanie!

    ReplyDelete