Wednesday, September 7, 2011

Dalawang ganap

Dalawang mahahalagang ganap ang todong handog sa atin ngayong buwan ng mga mabubuting tao sa likod The Love Yourself Project.

Mauuna ang libreng HIV counseling at testing na magaganap sa Linggo, Setyembre 11 sa Playroom located in West Avenue, QC. Ito ay mula alas-dies ng umaga hanggang ala-singko ng hapon. Confidential lahat kaya walang dapat ipangamba. 

Sa September 24 naman ang part 2 ng TLYP photoshoot. Sa mga naka-miss noong isang buwan, this is your chance na mafecturan ni Sir Ian Felix Alquiros. Donate ka lang ng one thawsan peysosesoses at bukod sa litrato na may kasamang pagpapaganda ay magkakaroon ka pa ng bonggang Love Yourself t-shirt. Lahat ng malilikom dito ay gagamitin para sa panustos ng libreng counseling at tulong para sa mga taong apektado ng HIV/AIDS. 

12 noon hanggang 10 PM ang litratuhan sa #88 Panay Avenue, QC.

Click here to register for the photoshoot.

4 comments:

LanchiE said...

Wan kyaw for a shirt, stylist and a photo?!

Why not?!

I think it's time we give back to the community we have always talked about.

Anonymous said...

how to register sa photoshoot?

Melanie said...

Para sa photoshoot, you can register here:

http://theloveyourselfproject.blogspot.com/p/open-shoot-registration.html

Anonymous said...

sana dito rin sa camanava magkaron ng ganyan free of charge., yun pangalawa hindi namin kaya., yun una lang..dami rin kaya dito na bakla at shila...malayo kasi samin ang west ave...pasahe nga lang wla at kakain ka rin dyan ano...sana dito sa camanava magkaron din para madaling puntahan...kaya lan aq nakakapag internet dahil ang kapatid ko mayron pero isa lang aq mahirap na bakla...sa lipunan..

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...