Thursday, September 6, 2012

Salawahan

Bentang benta ngayon ang mga istoryang may kinalaman sa escabetche, mapa-TV man o pelikula. Matagal na silang andiyan subalit todong kuminang ang kanilang bituin dahil sa Koreanovelang Temptation of a Wife at ang blockbuster hit na No Other Woman. Sa tuwina, laging makapal ang fes nila. Sila na ang nang-agaw ng asawa, sila pa ang matapang at demanding sa oras. Hindi naiba diyan ang klasikong pelikula ni Danny Zialcita, ang Nagalit ang Buwan sa Haba ng Gabi.

Image from Video48
Asawa ni Stella (Diaz) si Dimitri (Garcia) na isang beki. 'Di niya ma-take ang kaberdehan ni ateng kaya split sila. Nagtampisaw siya sa karagatan at nakilala si Miguel (Fernando) na asawa ni Delsa (Guillen). Dahil sa kalungkutan, nagpatianod siya sa tukso at pinatikim kay Miguel ang bulaklak sa gitna ng gubat. Naghiwalay sila nang hindi man lamang nagkapalitan ng pangalan.

"Alam mo ba kung ano ang pinakamasakit na maaring mangyari sa isang babae?
Is to be married to another woman. Bakla ka ano?"
Nagkita silang muli at nag-date. Dito nalaman ni Stella na may asawa si lalake. Galit-galitan sa umpisa pero umamo din sa kondisyong hihiwalayan nito ang asawa at sila'y magsasama.

"Iwanan mo ang asawa mo. Kung ako, ako lang. Ayoko ng may kasosyo."
Martir na asawa, 'yan si Delsa. Kung 'di ba naman eh pumayag ang loka basta't dalawang buwan lang magsasama ang mga ito at babalik din sa kanya. Tumulong pa siya sa pag-eempake ng damit. KALOKA!

"Pwede bang makausap ang asawa mo na asawa ko na asawa ng bayan?"
True to his words, bumalik si Miguel sa kanyang pamilya after two months pero 'di pa pala tapos ang exta-curricular activity niya hanggang sa siya ay magkasakit at ma-ospital. Dito na nag-krus ang landas ng dalawang babae sa buhay niya. Tuluyan na siyang ipinaubaya ni Delsa kay Stella.

Kahit ilang beses na pinakiusapan, ayaw nang makipagbalikan ni Stella kay Dimitri. Nagpuyos sa galit si ateng at binantaang papatayin si Miguel. Well, tinotoo niya ang banta. 'Yan ang napapala ng salawahan.

"Ahahaha! Don't make me laugh Dimitri.
Baka may dumaan na daga diyan, bigla kang maglambitin sa puno."
Hindi ko maiwasang 'di maikumpara ang pelikulang ito sa No Other Woman. 'Di dahil pareho sila ng tema kundi dahil sa dami ng qoutable lines. Ang ganda ng pagkakasulat na mas lalo pang pinaganda nang bitawan ng mga bida.

"Nako, 'wag siyang magkamaling tumingin sa akin ng malapot.
Hindi pa siya nagsasalita kakapit ako na parang tuko, sipsip ang dugo."
Senswal at kaakit-akit bilang kabit si Gloria Diaz at kaawa-awa naman ang pagiging mapagbigay ni Laurice Guillen. Nakaka-inlove ang pitch ng boses ni Dindo Fernando at winerva si Eddie Garcia bilang kalahi natin. At kahit tatlong eksena lang lumabas ang karakter ni Odette Khan, paniguradong tatatak sa inyo ang mga bonggang linya niya.

Rating: 5/5 stars.

4 comments:

  1. sana gumawa pa ulit ng pelikula si dir. danny zialcita..mabilis ang pacing ng mga movie nya at nakaka aliw ang dialogue..sabi nga ni mark gil dapat intelligent actor ka kapag dir. mu si danny zialcita kase ang dialogue may intro.. refrain.. at anu anu pa..si martin nievera nga daw naka take 20 at ang dialogue lang eh god damn it..he's also the director of p.s. i love you kung wala sya cguro hndi sisikat ng masyado si sharon cuneta

    ReplyDelete
  2. Dindo Fernando, Laurice Guillien, and Janice de Belen = Flordeluna.

    ReplyDelete
  3. Si Eddie Garcia po ang nag direk ng PS i love u, Dear Heart po na unang movie ni ate shawie ang kay Danny Zialcita at Too Love Again with Miguel Rodriguez, (R.I.P.)


    Tidyong

    ReplyDelete
  4. correction po pala dear hear pala ang movie na dinirek nya with ate shawie sorry po.

    ReplyDelete