In na in sa Pinas ang Political Dynasty. Kapag tapos na ang termino ni pudra, si mudra naman ang bonggang tatakbo. Ang mga junakis, magsisimula sa mababang posisyon. Kapag retired na ang mga magulang, sila naman ang papalit. Siyempre join din si tito at tita pati na sina pinsan. Ginawang family tree ang lingkod bayan. Uso 'yan sa senado... AMININ!
Isa pang trend ang pag-shift ng career sa gobyerno. Tatakbong mayor matapos ang termino sa kongreso at pagkatapos ng tatlong taon, tatakbo uling congressman. Tatlong termino ulit tapos babalik sa pagkamayor at uulit pa. Hindi ko knowsline ang tawag diyan kaya mag-imbento watashi... Political Recyling. Keri ba?
Matatapos pa kaya ang ganyang kalakaran sa gobyerno o baka thunderrific na ako eh iisang apelyido pa rin ang nasa posisyon? Wala namang masama kung gumagawa ng tama pero hindi mo maiiwasang 'di magtaka kung bakit kapit-tuko ang ilan at parang ayaw pakawalan ang kinauupuan.
Blood is thicker than water
ReplyDeletethat's probably why our government is dumber than a squirrel fixing a light-bulb.
they want to keep power and (stolen)money within the family generation after generation. what shit system we have.
ReplyDelete