La Aunor classic movie marathon continues with...
Balikbayan si Adora (Aunor) at long-time jowa niya si Dindo (De Leon) na naungusan ni Ver (Fernando) sa promotion. Stress ang lolo mo at hindi alam ang gagawin para siya naman ang mapromote. Enter sa eksena si Renata (Koronel) o Renee para mas shala sa tenga, ang unica hija ng may-ari ng kumpanyang pinagtatrababuhan ng dalawa. Ded na ded sa kanya si Ver pero si Dindo ang type niya. Sinilaw niya sa pera't bonggang promotion, nagdrowing pa na tesbun siya kaya napasakamay niya ito.
Hhhmmm... 'di ko masyadong bet ang Beloved at wala 'yang kinalaman sa mga artistang nagsipagganap. Marami kasing "huh?!" moments at may kahinaan ang istorya kumpara sa ibang klasikong napanood ko.
Lahat yata ng magandang pwedeng sabihin sa akting ni Ate Guy ay nasabi ko na. Wa na me maidadagdag pa. Peyborit part ko ang confrontation scene nila ni Christopher De Leon sa komedor sabay breakdown. Panalo! Ewan ko pero parang dubbed ang boses ni Hilda Koronel. Ang awkward niya mag-Ingles eh. Pangalawang beses ko pa lang makapanood ng pelikula na kasama si Dindo Fernando (una 'yung Nagalit Ang Buwan) at napaka-effective niya sa kanyang karakter. Nakaka-inlove ang diction niya. Sabi nga nung isang direktor na napagtanungan ko, para daw siyang si John Lloyd Cruz nung kapanahunan niya.
Rating: 3/5 stars.
Oh di ba, teh...diyan nakapagmura si Ate Guy ng, "bolshet!" Galing!
ReplyDeleteDiyan din totoong sinampal ni Ate Guy si Manay Insiang at umiyak daw ang lola sa sakit! HAHAHAHA
Nora should wear her hair like that. It suits her better than the short cut.
ReplyDeletei saw this movie yesterday sa NewsTV.
ReplyDelete