Friday, September 21, 2012

Panakot

Ninanamnam ko ng husto ang kaluluto lang na Republic Act No. 10175 o mas kilala bilang Cybercrime Prevention Act of 2012. Madami kasi ang nagsasabing ito ang sisikil sa ating freedom of expression pagdating sa paggamit ng social media. Ayon sa interview ng isang atorni sa ANC, kapag ikaw ay may nasabi o nasulat na wit like ng isang tao (pulitiko man o pribadong tao) at feeling niya ay nadungisan mo ang malinis niyang reputasyon, pwedeng kang sampahan ng kasong libelo. Hanggang 17 years daw ang kulong diyan. Tuwang-tuwa siguro ang mga pulpulitiko at maaari nila itong gawing panakot sa mga naninira sa kanila. AMP! Pero 'wag natin masyadong negahin ang CPA dahil may bonggang portion ang batas na 'yan tulad ng pagpaparusa sa mga utaw behind computer-related fraud and identity theft at ang nakakasulasok na child pornography. So keri pa rin.

Alamin ang RA No. 10175 dito>>

Ang 'di ko kineri eh ang pagtutok ng baril ni pudra sa kamag-aral ng junakis na nangyari pa mismo sa campus ng Colegio San Agustin in Dasmariñas Village, MAKATI CITEEEH!. Ay! Pangarap ko magkaroon ng balur sa village na 'yan. Ang siste, ito daw si junakis eh todong binubully si kamag-aral. Napuno ang salop kaya nasapak siya. Nakarating kay pudra ang isyu kaya kasama ng mga bodyguards eh sumugod sila eskwelahan. Bago tinutukan ng baril eh sinaktan muna si kamag-aral. JUICE KOH! Anong laban nung bagets sa kanya? May dala pa siyang julalay as if gera ang pupuntahan. Kawawa naman 'yung bata. Siguradong na-trauma sa nangyari.

Basahin ang kabuuan ng balita dito>>

1 comment: