Monday, December 10, 2012

Janine FTW!

Pagkahaba-haba man ng inantay natin, sa wakas ay malalaman na kung sino ang hahalili kay Leila Lopes bilang Miss Universe. Live via satellite na mapapanood 'yan sa Kapamilya Network on December 20. Ang Pinay byuti ni Janine Tugonon ang magwawagayway ng ating bandila sa Las Vegas.

Bonggang bongga ang posing sa glamshot at swimsuit de vaaahhh?! Wa na ako react sa evening gown tutal for pictorial purposes lang 'yan. Mukhang seryoso sa laban si ateng! So far ay isa siya sa mga paborito at madalas imbitahan sa special events ng kontes. Isa rin sa pinakamalakas ang web interview niya ayon sa GlobalBeauties.com


Para masigurado nating pasok siya sa banga, todong iboto natin siya online. Dito, legal ang maging flying voter dahil 10 times a day per email add ka pwedeng bumoto hanggang Dec. 18. So kung meron kang multiple email addresseseses, VOTE NA DITO!

Hindi lang si Janine ang magbibigay karangalan sa atin sa Miss Universe 2012 dahil pati ang 3rd runner-up last year na si Shamcey Supsup ay may special participation. Siya ang napili bilang correspondent sa behind-the-scenes ng exclusive events tulad ng presentation of National Costume sa December 14. Mapapanood 'yan mismo sa Miss Universe YouTube channel.

7 comments:

Anonymous said...

Marami na naman ang mag advance work leave O ABSENT sa trabaho na sangkabaklaan sa Dec. 20.

Mapapanood din ito sa STARWORLD pag may cable. Ahead ng 30 mins ang Starworld compared sa telecast ng ABS. Iyan kasi ang nangyari last year announcement na ng winner na sa STARWORLD habang question and answer palang sa ABS.

Anonymous said...

Walang siyang dating, teh. Luz Valdez na tayo. Try next year na lang uli.

Anonymous said...

Go, go, Janine!!!

Anonymous said...

Napakaganda nyang talaga! Very Filipina ang beauty..






Gelo

Anonymous said...

Andun na sa taas si Shamcey, biglang bagsak naman kay Janine. Haaaaayyy...

Anonymous said...

maganda katawan kaya lan ang nguso.. anu ba yan.. hindi ba matatago yan..wa..

Anonymous said...

parang malabo ako dito kay janine, nung kay shamcey 50/50 ako. ngayon dito kay janine, 10/90 haha. nakakawalang gana rin na parang super mega senior na sya sa mga national beauty pageants tapos ngayon lang sya napansin. ipagpanovena na lang nating manalo sya. hahaha

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...