Sunday, December 30, 2012

Halata

Bonding kami ng kaibigan kong si Aly kahapon at napagkasunduang manood ng sine. Bet ko sana Thy Womb pero todo tanggi ang bakla. Ayaw daw niya ma-bore at gusto niya tumawa. Sinubukan ko siyang kumbinsihin kaya lang nakiayon pati Trinoma Cinema dahil walang Thy Womb na palabas. How sad :'( kaya ending, Sisterakas. Sponsor naman niya so wit na ako tumanggi sa grasya.

Sisterakas (2012)
Star Cinema & Viva Films
Directed By Wenn V. Deramas
Starring Vice Ganda, Kris Aquino and Ai Ai Delas Alas

Kung napanood niyo na ang trailer, malamang alam niyo na ang plot ng pelikula. Anak sa labas si Totoy (Vice Ganda) at kapatid niya si Bernadette (Delas Alas). Mahigpit na katunggali niya sa negosyo si Roselle (Aquino) at dito umikot ang istorya. Simple. Walang pala-palabok.

Hhhmmm... natawa ako sa pelikula, hindi nga lang marami. Ang daming korni at pinilit na eksena. Walang makakapantay kay Ai Ai pagdating sa comedy. Siya pa rin talaga ang reyna dito. Shining moment ni Kris ang pagsayaw ng Rub Ba Da Bango. Hagalpakan sa loob ng sinehan. 'Di ko kinaya kasi nakakatawa talaga! Buti napapayag siya na gawin 'yun. At si Vice, well... walang bago. Kung ano siya sa Petrang Kabayo at Praybeyt Benjamin, ganun din siya dito kaya 'di na nakakatawa.

May napansin din akong inconsistency. Sa film making, they call it continuity at mahalagang aspeto ito. Isa dito ang unang eksena ni Vice wearing white gown. Bababa siya ng sasakyan showing his legs na walang suot na net stockings. Papasok siya ng opisina at sasakay ng elevator. Dito mapapansing may net stockings na siya. Aakyat siya sa rooftop dahil balak magpakamatay ng empleyado niya played by Melai Cantiveros. Waley net stocking ditey.

Napuna ko rin ang props and designs ng pelikula. Unang ipapakita sa pelikula ang pabrika ng Cara Cruz. Suot ng mga empleyado ang blue na damit na may logo ng kumpanya. Dito mapapansin na sticker lang ang ginamit instead of silk screen na madalas gamitin sa totoong buhay. Pati prosthetics na baba nung batang Ai Ai, halatang halata. To sum it all, parang minadali. That's sad because moviegoers expect to see great production dahil mainstream movie ito. Meaning may budget para gawing bongga at malinis ang kabuuan ng pelikula.

Nanalo itong 3rd Best Picture sa Metro Manila Film Festival at Best Supporting Actress para kay Wilma Doesnt. Is it worthy? Wit ko alam bilang ito pa lang ang napapanood kong MMFF entry.

Rating: 2/5 stars

7 comments:

  1. Super agree nothing new. Tama ka din dun sa character ni Vice. Halos pareho lang sa Petrang Kabayo baklang mataray na may ari ng kumpanya.
    Palabas pa yata ang ang THY WOMB sa SM North

    ReplyDelete
  2. same experience teh. konti lng tawa ko. buti na lang inuna ko ang thy womb. bongga ka guy!

    ReplyDelete
  3. Teh, disappointed ako sa 'yo. Dapat kung Noranian ka, maghahanap ka ng theater kung saan palabas ito.

    Go na!

    ReplyDelete
  4. i think this movie is just a mainstream so dont expect to much, i respect your opinion. but kung magjujudge ka tatalunin mo ang mga nasa Venice Film, Cannes at Oscars hahahaha.., i agree there are some scenes na korni pero. tinanong mo ba ano ba tlga ang purpose ng pelikula??? MAGPATAWA lang naman at kung ndi ka natawa problema mo na yon.. though im sad sa muvi ni nora, mataas ang caliber nun. ndi sya pang main stream lang, yun tlga ang quality movie but sorry to all the casts of THY WOMB, this is a business.. im not a super fan of vice kc naiinis din ako sa kanya minsan.. napanuod ko din to. pinagpipilian ko sya at EL PRESIDENTE na tumatalakay sa HISTORY natin, sa next pay out manunuod ako ng muvi ni ER. may isa pa sinusugest yung frend ko ng manunuod kmi sabi nya ONE MORE TRY, parang bet ko din ang sabi ko gusto ko lang naman tumawa at light lang yung story. so pinili namin to.. it's a matter of choice.. dapat pinanuod mo lahat ng pelikula para nareview mo lahat bago nilabas mga reviews. HAPPY NEW YEAR to ALL and to you MELANIE...

    ReplyDelete
  5. i agree.. The purp0se of this m0vie is mgpatawa so d0nt expect to0 much..

    ReplyDelete
  6. ang cheap ay cheap, ang walang kwenta ay walang kwenta, ang reject ay reject, ang walang quality ay walang quality...

    ReplyDelete
  7. kaboogels ang last comment! kanya kanyang taste yan pero kung naaliw ka sa movie e di good for you! pero honestly nothing new at nagmaganda lang na naman ang mga hayok sa "fame" na si vice at tetay.

    ReplyDelete