Thursday, December 13, 2012

Biyahe

"Kung positive ako, kailangan kong mag-take ng gamot buwan-buwan.
Otherwise, baka hindi na ako abutin ng 30. Madali akong mamamatay."
Kambyo (2008)
Digital Viva & BEYONDtheBOX Production
Directed by Joselito Altarejos
Screenplay by Lex Bonife
Starring Ray An Dulay, Johnron Tañada, Harold Macasero, Gabz del Rosario and Kenjie Garcia

Nais hanapin ni Macky (Dulay) ang long lost friend niya na si Philip (Tañada) kaya naman inaya niya ang pinsang si Manuel (Garcia) na samahan siya. Binitbit din nila si Xavier (Macasero), ang makiri nilang friend. Hindi yata 'to mabubuhay ng walang ohms kaya karay nito ang kakakilala pa lang na si Aldo (del Rosario).

Habang naglalakbay, todong maglandian ang dalawa na nagpaselos nang husto kay Manuel. May secret admiration kasi siya kay Xavier. Hindi rin naiwasang magkaroon ng aberya sa daan dahil sa haba ng biyahe. Nariyang flat-an sila ng gulong at muntikang magkabugbugan sa mga tomador sa bar.

"Lahat ng isyu gusto mo nakikigulo ka.
Bakit hindi mo isipin ang mga pansarili mong problema?"
Nakita nila sa isang pagawaang ng kornik si Philip. Nabiyak ang puso ni Macky nang malaman niyang may asawa na 'to. Hindi lang pala si Manuel ang may 'secret' eh! Napagpasyahan ng mga road trippers na mag-overnight muna sa lugar bago lumuwas pauwi. Dito na nabunyag ang bonggang secret ng magpinsan.

Na-enjoy ko ang mabilis na pacing ng pelikula. Hindi nakakainip at nakakahilong panoorin. Parang mainstream ang quality. Natural din ang pagkakagawa ng mga linya. Dagdagan pa na lahat ng artista ay kumbinsing umarti. At ang sex scene... PANALO!

Rating: 4/5 stars

No comments:

Post a Comment