Sunday, December 9, 2012

Matatag

Paikot-ikot ako sa National Bookstore noong isang araw upang maghagilap ng bagong babasahin. Napadaan ako sa magazine section at nasight ko 'to...

Infernezzz sa Liwayway Magazine, todong matatag pa rin sila kahit na ang kasabayan nitong komiks ay sumakabilang buhay na. 90 years ago pa pala nang magsimula ito bilang photo magazine na kalaunan ay nadagdagan ng mga bonggang artikulo tungkol sa pamumuhay, kultura at literaturang Pinoy.

Nabanggit ko dati na ang paborito kong tandem sa komiks ay sina Elena Patron at Rico Rival. Salamat sa Liwayway at patuloy na nai-imprenta ang kanilang mga obra.

Bukod sa komiks, may tuluyan at tapusang kwento dito. Siksik din ito sa balita mapa-current events man o showbiz. Nakakatuwa dahil meron din mga artikulong kapaki-pakinabang sa mga mag-aaral at magsasaka.

Nawa'y umabot pa ng ilang dekada sa sirkulasyon ang Liwayway Magazine. Kahit sa panahon na uso na ang tablet gadgets at nada-download na ang iba't ibang babasahin, sana'y manatili ito para sa mambabasa nito.

No comments:

Post a Comment