Sunday, March 3, 2013

Pagal

Dahil sa schedule adjustment sa opisina, naging isa lang ang rest day ko ngayong linggo. Kaya naman gusto kong i-maximize ang oras at gumawa ng makabuluhang bagay. Ang problema, hindi ko alam kung ano ang gagawin. Nakapag-internet na ako at nakagawa ng blog. Wala namang bago sa FB at Twitter. Nakakasawang ka-chat ang mga forenjers. Panay ang request na "show me your cock" sa webcam. HELLER!!! Hindi ba nila alam na wala ako nun. CHARUZZZ!!! Sinubukan kong manood ng DVD pero wala ako sa mood. Betchikels kong lumabas kaya naligo ako, nagbihis at umalis pasado alas-dose ng madaling araw.

Pagdating sa sakayan, hindi ko noseline kung saan gogora. May dumaang bus pero 'di muna ako sumakay. Swerte may jeep pa. Pinara ko at nag-joyride papuntang palengke. Pagbaba, naisip ko munang bumili ng sundae kaya lang sarado na si Jollibee. Okay, sakay na lang ako ng bus at pumuntang SM. Try ko sanang magpamasahe sa Himas, isang massage center malapit sa TriNoMa. Bumili muna ako ng sundae sa McDo. Konting lakad lang at narating ko na ang dapat kong puntahan ngunit bad news... sarado ang lugar. Ayan, nawalan na naman ako ng idea kung saan rarampage. Dalawa ang naisip ko, ang pumunta sa Cubao at magpamassage sa Gold Spa o subukan ang bet na bet na spa ni MGG... ang BayLeaf Spa sa Quezon Ave. Nanalo ang pangalawa.

Sakay ng ako jeep pa-Quiapo. Nagbayad ng sampu at sinabi kay mamang driver "Capitol po". Walang kinse minutos, andun na ako. Madali lang hanapin ang nasabing spa. Nasa mismong tapat ito ng MMDA overpass sa harap ng Capitol Medical Center. Oh ayan ha, may guide kung sakaling nais niyong pumunta.

Pagpasok ko, abot agad si receptionist ng flyer. 800, 1000, at 1500 ang presyo ng mga serbisyo. Nalerki ang baklang pusalik. Tanong ako "Yung regular massage lang. Meron ba?". Agad namang sumagot si kuya. 400 daw. Pwede na. Pinapili ako kung ohms o mujer ang bet kong lumamutak sa aking wankata. Siyempre alam niyo na kung ano ang choice ko. Abot ako ng bayad. Kakaiba ang spa na ito sa nakasanayan nating spa. May aquarium sa loob pero hindi masahista ang laman kundi literal na isda.

Pinaghubad ako ni ate ng sapatos at pinagsuot ng tsinelas. Pinapasok ako sa isang pintuan na may makipot na daan. Pinapa-deposito nila sa locker ang gamit ko. Secured ang locker dahil bukod sa may susi, may bonggang CCTV pa. SUSHAL! Just to make sure, dinala ko ang aking ketay at pitaka.

Infairness, malinis ang lugar at mabango. De-Aircon at wa-ing kakaibang amoy. Dinala ako ni ate sa pinakadulong bahagi. Sa ilalim ng hadgan ang pwesto ko. May mini-fan sa loob at nang binuksan niya, nangisay ako. Mas lalong lumamig. Inabutan ako ng roba at tuwalya. So ginawa ko na ang dapat gawin. Pumasok na si kuya masahista. T-Shirt at slacks ang suot. Wit ko na-sight ang fes. Dumapa na ako at sinimulan na niya ang serbisyo. Dito ko napatunayan kung bakit highly recommended ito ni inang MGG. Bukod sa magagalang ang masahista, panalo ang kanilang paghagod sa pagal mong katawan. Sulit na sulit ang binayad ko dahil mahigit isang oras ang session. At dahil doon, nag-tip ang baklang hampaslupa kay kuya. Nagpasalamat siya ang naramdaman ko ang sinseridad 'di tulad sa iba. May mini-chika kami habang ako'y nag-aayos. Bawal daw ang ES doon. Kahit naman gustuhin ko eh hindi pwede. Nakakahiya dahil kurtina lang ang pagitan niyo ng ibang parokyano. Obvious kung may gagawing milagro.

Bago jumuwelay, dumaan muna ako ng Tropical Hut at todong lumaps. Nagko-concert kasi ang bulate ko sa tiyan. Rinig at ramdam ko pag-aalburoto nila. Oh siya, hanggang sa susunod na rampa!

13 comments:

Anonymous said...

sensual ba ang massage?

Melanie said...

Wit 'teh! Rated G ang serbisyo.

Anonymous said...

Napaka conservative mo naman Madam! Waley ka pa ba experience ever in your life?

Anonymous said...

Pag 800 ang kinuha mo...sensual massage with paligo pa sau. Yun nga lang wala pa rin ES

Anonymous said...

Maganda pla dito sa bay leaf. Nadadaanan ko to lagi. Ask ko lang magkano yung usual na tip kapag no ES?

Melanie said...

-Teh Anonymous March 3, 2013 at 3:47 PM, TRUE! Virgin pa ako. Juice koh! Wag sanang kumidlat dahil sa sinabi ko :D

-Teh Anonymous March 3, 2013 at 5:16 PM, sige mga anim na buwan kong pag-iipunan 'yan. CHARUT!

-Teh Anonymous March 3, 2013 at 10:08 PM, kung ano lang ang keri mo. Basta sapat lang at 'wag sosobra.

Edgar Portalan said...

ha ha at talagang rampa galore ka teh ... natutuwa naman ako sayo : )

Anonymous said...

panalo ang tropical hut?meron pa pala nyan?sang branch yan teh?

-tagamasid pampurok-

Melanie said...

-Teh Edgar, alam mo naman tayo... magaling sa rampahan. CHOS!

-Teh -tagamasid pampurok-, Muñoz EDSA branch. Bukas pa rin 'yung nasa Cubao.

Lj said...

Hi gurl!!!! I think I saw its just that Im not sure kng ikw tlaga yun. u working ba n C3 or isa sa mga company in Bonifacio one Technology tower in Global city?

BUKLURAN STUDENTS' ALLIANCE said...
This comment has been removed by the author.
Anonymous said...

That is so not true, I visited that spa once, I had Denise, we had ES for the price of 1K, hand job plus she let me suck her tits as long as I want.

The massage was awful, her tits were ok but not great. I should have taken that girl Lyka instead, I would have enjoyed her services even more

Anonymous said...

ok nga dyan kaso now hoja delaurel spa na name nyan..

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...