Wednesday, August 13, 2014

So Happy!!!

Year 2005 nang magsimula akong magsulat. I was 4th year college and preparing for the real world of employment. During that time, sobrang dami ng ginagawa - class thesis, PR writings, shooting, budgeting and planning for almost everything. Subsob sa pag-aaral kung gustong maka-graduate. How I miss those moments! My favorite subject back then was Multimedia Arts. Kokonti pa lang ang bihasa noon sa Adobe Photoshop kaya excited kami ng partner kong si Delma sa tuwing may klase kami with Sir Mataya, our super gorgeous professor.

It was also the same year that I created my first blog site in Friendster (sumalangit nawa) at pinamagatan kong HollerCassie. Bago niyo itanong kung sino si Cassie eh sasagutin ko na. 'Yan ang pseudonym ko dati. Too much shala pakinggan at 'di bagay sa masa sex appeal ko kaya pinalitan ko, thus Binibining Melanie was born. Tulad ng Todo sa Bongga, kung anu-ano ang sinulat ko diyan. Buti at bago na-convert to a gaming site ang Friendster ay nai-save ko lahat ng blog entries. Uso naman ang revival, mapakanta man o teleserye so why not create my own de vaahhh?!

Here's my blog entry originally posted on August 19, 2005...

***

Tagal kong 'di nag-post. Super busy kasi sa school. Bukod sa mid-terms ngayon eh sunud-sunod ang project ng department at section namin. Una 'yung acquaintance party that we organized then naging Public Relations Officer ako ng isang organization. Medyo ngarag at naghahabol kasi ang daming gagawin but still, we have time for fun. Hehehe! Kahit tumambay lang ng tatlong oras sa labas ng chapel ok lang. Parang 'yun na lang kasi ang pahinga namin. Anyways, I’m so happy today kasi nag-test kami kanina sa Multimedia Arts. Bukod kasi sa magaling ang professor namin eh super cute pa kaya naman kaming magkaka-klase eh hindi mapigilang lumandi 'pag nandiyan siya malapit sa amin. Inspired pa kami. Anyways, pinagawa niya kami ng print ad gamit ang Adobe Photoshop. Marunong akong gumamit ng basics pero kapag yung part na mag e-edit kami ng photos eh hirap na hirap kami. Pumili muna kami ng fastfood house na gagawan ng print ad. Sa amin na galing 'yung product basta isang fastfood house lang. Ang napili namin eh Burger King at ang product ko eh Ice Cream. We only have 3 hours to do that project kaya medyo time pressure sa mga tulad kong 'di magaling when it comes to digital arts. Anyways, nakatatlong ulit yata ako o marami pa kasi 'di ko magawa ng maayos ang pag fill ng colors sa background ng ice cream. Then nung matapos ko na, medyo ok na rin kahit nag-mukhang bandila ng isang country. I don’t know, pero nung pina-check ko na sa cute kong prof, nagustuhan niya at mataas ang nakuha kong grade. Napansin nga lang niya na singular ang nagamit ko sa body copy ng print ad ko imbes na plural but that’s ok. The main concern of multimedia arts ay yung lay-out at hindi ang grammar. Ibang subject ang bahala doon. Hehehe! Medyo magyayabang ako kasi 1.25 ang nakuha kong grade. Not bad for a beginner like me. Ayan ang reason kaya ako ay very happy. Hay, sige na, ako'y matutulog na kasi maaga pa ang klase bukas sa Media. Until next post. Mwah! Mwah!


***

At kung na-curious kayo kung sino si sir, eto siya...

7 comments:

  1. more about your prof Ateng Melanie

    ReplyDelete
  2. Sarap naman ng Burger King ice cream ... wehhh di nga siya si Professor ? ... buti ka pa nai-save mo FS profiles mo , ako lahat nawala kasabay ng paglaho ng FS wahhhhh ...

    ReplyDelete
  3. Punyatera ateng! more dun sa sur/professor mo! nakakabitin ka!

    ReplyDelete
  4. Bb Melanie,

    Advance happy blogsary! ;) Teka, ano na pala nangyari sa Prof mo? Nagkita pa ba kayo ulit? Kuwento ka pa. ;)

    Olga Luxuria 🌺

    ReplyDelete
  5. -Teh Anonymous 1, he's mabait, approachable, 'di nagagalit kahit makulit ang mga estudyante at... masharap hihihi!

    -Teh Edgar, yup! Prof ko talaga siya :)

    -Teh Anonymous 2, private citizen siya eh. Ninenok ko lang 'yan sa FB niya.

    -Teh Olga, sa Enero pa ang anibersaryo :D After graduation eh huminto yata siya sa pagtuturo. I think he's now a digital artist and photographer.

    ReplyDelete
  6. ansarap lang ni prof.
    more pic bb.melanie.. pls.

    ReplyDelete
  7. Omg gusto ko syang maging prpf sa subject ng pagibig. Hahhaa

    ReplyDelete