Sunday, May 18, 2014

Kweba

Sa mahigit apat na taon kong pagsusulat, ilan sa inyo ay nakapag-request na magbahagi ako ng aking kwentong lovelife. 'Yan na yata ang pinakamahirap na gusto niyo na wit ko magagawa sa kadahilanang waley pa akong nagiging jowa. Yes mga ateng! Sa kasamaang palad ay NBSB ang lolah niyo. Siyempre nagtataka rin ako noh. Kaya ang ginawa ko eh bonggang nagtanong sa kinauukulan. Sabi ng officemate at superfriend ko na hindi magkakilala, ang lakas daw ng personality ko. Bawasan ko daw ng konti. Kuda naman nung isa eh masungit daw akong tingnan. Smile more often ang payo niya. Kaya ko 'yung pangalawa pero paano ko ba gagawin 'yung una?


At bilang nakalutang pa sa ere ang kasagutan diyan, inaliw ko muna ang sarili ko sa ibang social media site na beki ang bida... Tagged, My Ladyboy Date at Lady Boy Kisses. Karamihan ay mga afam na naghahanap ng kalinga ng isang Pinay ang makikilala diyan. So far eh wala pa akong matinong nakaka-chat. Palaging gusto eh maghubad ako sa webcam at makita ang aking kweba. NAKAKALOKA! Wit pa ako handa sa ganyan. Minsan may nagtatanong kung top daw ba akez? Haayyy... ganun yata kaliberal sa ibang bansa. Swerti ng ilan nating ateh na nabingwit na ng mga afam. Kay fofogi pa nila. Sana ako na ang next na makakain ng bulate sa dulo ng fishing rod. CHAR!

Ngunit hindi lahat ay todong sinuswerte sa ganyan. Tulad nitong si Laurent, isang Pranses na dumayo pa sa bansa natin...


5 comments:

Anonymous said...

well meron naman pala syang sakit sa pag iisip kaso di sinabi kung ano basta nothing serious daw? ano yun? kasalanan naman pala ng pranses na yan kung bakit sya nagkanda letche leche. thank goodness ok na sya. anech ang konek sa paghahanap mo ng lablayp dyan sa kwento ng pranses tita melanie? anyway tita, kahit di pa kita nakikita personally at puro pics mo lang, true the fire, malakas nga ang personalidad mo, nakakaintimidate. yung feeling na mahihiya akong lapitan ka kasi baka taasan mo lang ako ng kilay. need mo na sigurong ipabago ang style ng kilay mo, chos! or ipabago mo din yang hairstyle mo tita kasi nakakadagdag ng maldita aura mo AT pat yang mata mo tira! gamit ka ng eye make up o liner na nakakapagpabawas ng katarayan o tinging nakakappunut hahahaha. malay mo sa lahat na yan magkajowa ka na tita m. hihihihihi

Anonymous said...

NBSB ka pala ateng. pareho pala tayo. Sana magka lovelife ka na. -AnonymousBeki

FiftyShadesOfQueer said...

Magkakalovelife rin po kayo bb melanie. Kapit lang po.

Melanie said...

-Teh Anonymous 1, sana sinabi mo na lang na magparetoke ako ng fez. Ahahaha!

-Teh AnonymousBeki, magkakaroon din tayo sa tamang panahon :)

-Teh FiftyShadesOfQueer, jeep lang ang peg! Kakapit muna 'pag punuan pero kapag may bumaba na, it's time to sit down and have a love life (ano daw?)

Anonymous said...

Maganda yan teh proactive ka. Kasu baka meant to be tayong alone but not lonely eh?

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...