Habang tumatagal ay painit nang painit ang Kamaynilaan. Ang daming utaw sa kalsada. Trapik sa EDSA. Kabi-kabila ang road repair. Ang itim-itim kapag nangulangot ka. Sobrang kapal kasi ng usok sa kapaligiran. Mga batang hamog nagkalat. Kawawa naman walang makain. Sa rugby nabubusog. 'Yung matandang namamalimos sa MRT na puti ang buhok at nakasalamin, may karatulang suot para daw sa mata niya eh limang taon na yata doon. Magkano na kaya naipon niya? Tsaka si kuyang may goiter ba o malaking bukol sa leeg. Pamilyar ba kayo sa kanya? Ako nga yata namumukhaan na niya kaya kapag nasasalubong ko eh umiiwas na ng tingin. Huli kong kita nasa LRT siya.
Mga bonggang condominiums nagsisulputan. Sa tabi ay mga squatters natatabingan. Makikita mo side by side ang agwat ng mahirap sa may kaya. Unfair noh? 'Yung dating may halaman at puno ngayon ay sementado na. Nilalagyan ng gate ang kalsada. Ginagawang private road. Next year pa daw darating mga bagong tren sa MRT. Ilang buwan pa akong magtitiis sa hininga ni kuya. Sa mainit na aircon. Sa putok at utot na nangangalingasaw.
Mga sundalo nagbubuwis ng buhay maipagtanggol lang ang bansang sinilangan. Silang mga pulitiko, nabubuhay sa buwis ng bayan. Proyektong naisip para sa nasasakupan, milyones ang halaga. Ayun, kung titingnan tila ba barya lang ang ginasta. Ang budget saan napunta? Mukhang derecho sa bulsa.
Mahigit dalawang taon na lang sa pwesto si PNoy. Infairness madami siyang nagawa. Ang lugmok na moral noon, ngayon ay unti-unting bumabangon. Never siyang nag-negative sa mata ng Pinoy kung pagbabatayan ang mga survey. Bumababa ang marka pero pasado pa rin. Todong aktibo rin ang kanyang mga bata. Sina MMDA Chairman Francis Tolentino, DOJ Secretary Leila de Lima at si tax woman Kim Henares palaging nasa balita. Pero bakit ganun parang kulang pa?
Andiyan pa rin ang korapsyon. Hindi pwedeng itanggi. Sana lang mapaganda at malinisan pa ang bansang puno ng pangarap para sa kanyang mamamayan. 'Di bale may 2 years pa. 2 years pa. 2 years pa (repeat 'til fade)...
political...ang taray.
ReplyDeleteMay mga tao kc na puro reklamo sa gobyerno, ang gusto yta eh ibbigay nlang s knila ang lahat, mga tamad!!
ReplyDeleteparang ang tagal ng two years pa hayzzz...
ReplyDeleteIn all fairness okay naman si PNoy. Problema lang ay mga local officials at mga iba niyang kaalyado na corrupt talaga. Sana sa 2016 ay tuwid na daan na at mangyari na ang inaasam na...
ReplyDeleteKung walang corrupt, walang mahirap.
I agree with Anonymous 2 (9:25 pm). True and lasting progress can only take place if BOTH the government and the citizens it governs work together. Regardless of whether it's Noynoy or Binay (God forbid) or someone else who's assuming the Presidency, nothing good will happen if people spend more time complaining than actually helping in resolving the many ills of the nation. :)
ReplyDeleteang kinakatakot ko, it's either BINAY or ROXAS sa 2016. ayoko both. parang iba!!! :(((((
ReplyDeletei agree, sana naman wag si binay o roxas...please! pero type kosi gibo..palagay mo ateng?
ReplyDeleteTeh Anonymous 5, to answer your question eh dati bet na bet ko si Roxas. Like ko pa rin naman siya pero 'di na ganun ka-intense.
ReplyDeleteEver since 'di ko nagustuhan si Binay. Wala ako masyadong alam kay Gibo pwera na lang nung tumakbo siya bilang pambato ni Ate Glo.
Malayo pa ang 2016 para magdesisyon kung sino ang ating pambato. Avangan na lang natin. AAWWW!!!