'Yan ang bagong title ng
X-Men movie. I lost count kung pang-ilan na itey but I love it kasi pinagsama 'yung mga characters from the first edition to the new one. Kung batang 90's kayo eh I'm sure napanood niyo sa
ABS-CBN ang animated series nito. Todong nakaka-LSS ng opening theme kahit walang lyrics.
Favorite character ko si
Storm at ang kidlat na hikaw niya. Inaabangan ko palagi 'yung transformation scene niya tsaka kapag lumilipad siya nawawala 'yung iris sa mata. The most memorable episode for me was
The Dark Phoenix Saga. 'Dun kasi na-introduce si
White Queen. Bet na bet ko ang costume niya, naka-swimsuit with sintas sa harap. May fur sa kapa at hanggang hita ang boots. Baklang-bakla!
The movie is based from the storyline of
Uncanny X-Men #141 that was published in 1981. Luckily ay naka-acquire ako ng
Marvel Essential X-Men vol. 2 nung nag-sale sa SM Megamall last May 2 at andun ang issue na 'yan. The big question of the movie is what would you correct from your past to save the future? Kung sa totoong buhay 'yan at may super powers din akez, isa lang ang isasagot ko: Erase corruption for a better Philippines.
PAK!
Sa
May 21 na 'yan bonggang ipapalabas sa mga suki nating sinehan brought to us by
20th Century Fox Philippines.
Si storm ata ang favorite ng sangkabaklaan nung 90s hahaha i remember inis na inis ako kay jean grey/dark phoenix kasi ang lakas lakas nya.
ReplyDeleteappear tayo dito Ateng ,inaabangan ko rin ito sa sinehan ... watched it from the first installment up to this latest one : )
ReplyDeleteFavorite ko din si Storm! Tama si Anonymous, lahat ata ng kabaklaan si Storm ang bet hehe, may wind effect kasi, perfect no? :)
ReplyDeleteSana bongga ang movie, excited na ako manuod :)
-Teh Anonymous 1, nako ang arte-arte niyang si Jean Grey. Konting telekinesis lang manghihina na tapos matutumba sa bisig ni Cyclops o Wolverine. Para-paraan para makalandi sa dalawa ahahaha!
ReplyDelete-Teh Edgar, WOW! Mahigit isang dekada na tayong faney nito *appear*
-Teh ZaiZai, dahil diyan eh ide-deklara ko ng gay icon si Ororo Munroe :D
Sad lang kase pinutol lahat ng eksena ni rogue ... Bet na bet ko pa naman si ate tska yung powerss nya. But I have to agree si storm talaga ang pinakabet ng sangkabaklaan
ReplyDeletekakatuwa ang koment ni ate melanie and na " Konting telekinesis lang manghihina na tapos matutumba sa bisig ni Cyclops o Wolverine. Para-paraan para makalandi sa dalawa ahahaha!"
ReplyDeleteI agree...hahaha BOOM PANES!!
Manunuod ako nito for sure na talaga. Haha! Idol ko talaga tong movie na to. Excited :D
ReplyDeleteKaibril's Sweet Life - Delicious desserts