Wednesday, May 21, 2014

Essence

7:30 ng umaga eksaktong dalawampung taon na ang nakararaan nang gisingin ako ni mudra sa mahimbing na pagkakatulog. Ibinilin ko kasi sa kanya na gusto kong mapanood ang bonggang live telecast ng Miss Universe 1994 sa channel 2. Ako'y siyam na taong gulang at tutuntong pa lang sa ika-tatlong na baitang sa susunod na pasukan pero beauty pageant na ang hilig.

Nagpakilala ang mga contestants all over the world separated by their region and continent. Makikita sa left side ng screen ang score sa swimsuit, evening gown sa right at sa gitna ang interview during the preliminaries. Siyempre excited ako para kay Charlene Gonzales. Kahit na sinasabihan siyang mataba at monay face noon, she was still one of the best candidates at heavy favorites. Siyempre may homecourt advantage eh. Nanalo pa ng Best in National Costume. Dedma sa mga kumontra kasi maganda naman talaga 'yung pagkakagawa.

Naalala ko pa andaming binebentang picas ng Miss Universe sa labas ng Sto. NiƱo Parachial School sa Bago Bantay QC. Depende sa size ang presyo, dos 'yung maliit at limang piso 'yung malaki. Doon yata naubos ang baon ko. Buti na lang naka-school bus ako or else, lalakad ako pauwi sa amin. Bukod kay Charlene, paborito ko noon sina Miss Australia at Miss Uruguay na mukhang mathunders na. Pagkakatanda ko 27 years na siya nung sumali.

Going back sa pageant, pang-siyam na semifinalist si Miss Philippines. Ang lakas ng hiyawan ng mga Pinoy. We take pageant seriously komento ni ateng sa background. Taas ng score niya sa swimsuit. High tide o low tide? Todong naaliw ang judges pati na ang host na si Bob Goen sa kuda niya. Hindi man tight fitting ang gown niya, pasok pa rin siya sa top 6. Sumemplang kay Superwoman. Ligwak sa top 3. What is the essence of being a woman? Halos pareho ang sagot ni Sushmita Sen at Carolina Gomez. Kitang kita sa TV kung paano napasimagot si Minorka Mercado nang siya ang tinawag na 2nd runner-up. Genuine ang pagbati ng Colombiana nung si Indiana ang manalo.

Makaraan ng ilang araw, pumunta kami sa palengke ni mama para mamili ng gamit niya sa pananahi. Sa tapat ng binibilhan niya ay photo shop. Nakadisplay sa harap ng tindahan ang mga kuha sa coronation night. Lagi kong tinitingnan sa tuwing pumupunta kami. Ang tagal ding nakadisplay doon. Inabot ng ilang taon hanggang sa kumupas at mawala.

9 comments:

  1. popular candidates din nun si miss belgium kasu di sya pumasok sa top 10..bet ko din si miss aruba na hndi man naging miss u naging miss international naman ata ng taong din un..tapos c miss puerto rico na kamukha ni sheryl cruz...

    ReplyDelete
  2. Nakakamiss yung mga miss universe na gantan. Yun mga todong kinikilatis talaga ang mga contestant. Interview dito interview doon para malaman kung may laman ang utak. Kinikilatis mabuti ang national costume kung talagang national costume talaga hindi yung ang o-oa na over the top costumes. I also miss the venues of muss universe sa iba't ibang bansa,di tulad ngayon puro las vegas o puro sa amerika. Ngayon ang basehan ng pagiging finalist at miss universe eh basta maganda ka (keber kung retokada) at crowd favorite (hello ms. angola!) kahit wala namang sense ang kuda mo sa q&a o hindi mo talaga sinagot yung taning, automatically ms. Universe ka na. Kaloka! kaya di na ako masyadong eegzoited sa miss universe ngayon. OMG

    ReplyDelete
  3. Mabuhay, welcome to my country. I am Charlene Bonnin Gonzalez from the Philippines!

    - Ateh Char

    ReplyDelete
  4. -Teh Anonymous 1, 'yung mga matinee idol noon crush na crush si Miss Belgium.

    -Teh Anonymous 2, ang daming kudaan portion ng Miss U noon. Malalaman mo kung sino talaga ang may utak. Naka-depende sa final Q&A ang mananalo 'di tulad ngayon :(

    -Ateh Char, memoryado at ginagaya 'yan lahat ng beki noon. PAK!

    ReplyDelete
  5. Throwback! Ms Melanie, napanood mo na ang trailer ng La Bare? Maiba lang

    ReplyDelete
  6. Teh Simply Manila, napanood ko nga sa vlagey mo. Kakagutom! ;p

    ReplyDelete
  7. OT: Tignan mo si richard pangilinan teh sa lonliwen photography sa FB. alam kong mahal mo pa rin siya gawan mo ng write-up. boom charot!

    ReplyDelete
  8. Grabe, andami kong memories ng Miss Universe 1994.

    1. Day ng pagaent itself, dinala ako ng buong pamilya ko sa Fort Bonifacio para magpa-dentista! Eh taga-Cainta pa kami, kaya torture sa akin na hindi ko ito napanood ng live!

    2. Nakakaloka yung gown ni Miss Israel doon sa isa sa mga pre-pageant activities, yung Santacruzan! Yung parang birdcage yung palda nya!

    3. May special award na Miss Colgate Mintirinse. Sana eh meron pa ring Colgate Mintirinse hanggang ngayon!

    4. Si Miss Thailand Areeya Chumsai ang isa sa mga frontrunners noon. Kaso, lumabas ang totoong kulay nya nung inaway nya si Charlene Gonzales for winning Best in National Costume. Inokray dun nya ang Bukidnon-inspired national costume natin.

    5. Si Miss Congeniality Barbara Kajatipara (Namibia) ay isang napagandang black Barbie!

    6. Sayang si Michelle VE (Australia) and Christelle R (Belgium) at di nakapasok sa Top 10.

    7. Bitchesa daw ang isa sa mga judges na si Stephanie Beacham!

    8. During this time, sabi nila, sa Pilipinas daw idadaos ang Miss Universe 2014 (kasi nga, every 20 years daw dapat dito - 1974, 1994) sobrang nanghihinayang ako na hindi.

    -Ateh Ken

    ReplyDelete
  9. -Teh Anonymous 3, kapag nakasagap ako ng updates sa buhay niya, blog ko siya ulit :)

    -Ateh Ken, bonggang memories. Base sa Wikipedia, nasa eleventh spot si Miss Australia. Sayang kasi konti lang lamang nung pang-10th place sa kanya.

    ReplyDelete