Sunday, November 23, 2014

Hilamos at Baby Powder

Namimiss niyo na ba ang mga bikini boys posts natin? Well, ako rin kaya nitong November 9 ay di ko pinalagpas ang pagkakataon na masilayan ng personal ang first ever ALC Prince 2014 na ginanap sa Race 7 bar in Binondo, Manila.

Nung una ay wala akong makasama kaya 'di na sana akez pupunta pero dahil naunsyami ang booking ng isa kong friend na dapat proteksyonan ang identity kaya itago natin sa pangalang James, ayun natuloy din. Eh past 10pm na siya nag-confirm. 9pm ang start, baka wala na kaming abutan. Agad-agad kong tinext ang superstar bikini boys handler na si Shobi Dionela. Di pa daw nagsisimula kaya makakahabol pa kami. Wala nang ligo-ligo. Hilamos at baby powder na lang. Nag taxi kami from Muñoz to the venue. Salamat sa teknolohiya at di kami naligaw. Pagdating namin, rumarampa na si contestant #3 in his rave wear.

Originally ay sampu sana ang maglalaban-laban kaya lang may nag-back out. Siyam na lang tapos may dalawang replacement. Wapakels basta ituloy ang show!!!

'Di ko na maalala kung ilan beses nag-change outfit ang mga boys dahil todong busy ako kakakuha ng picture para sa inyo. Ang alam ko lang, habang tumatagal ang show eh mas nagiging wild at daring ito. I'll let the pictures speak for themselves.

Sa lahat ng rumampa, si Arwin ang bumarena sa pihikan kong puso. Tsinito, matangkad, maputi, makinis... lahat ng hinahanap ko nasa kanya na. Haaayyy!!! Kukunin ko sana 'yung celphone number niya kaya lang #7 lang sinabi niya. So huhulaan ko yung iba? Ganern?

Paborito ng audience at maging ni James si #9 Antonio Smith. Grabe kung makangiti si kuya, parang nasa Close-Up commercial. Bet din ng bayan sina Dave Santos, Alex King at Xian Pascual. Palagi namang niloloko ng host na si Bem Bem Kho si #8 Angelito at ang mini-me nito.

Whie tabulating the scores, the audience had a chance to chit chat with some of the contestants on their tables. Hindi kami kasama diyan kaya inenjoy na lang namin ang bonggang intermission numbers ni Banana. Yes! 'Yan ang tawag sa kanya. Todo birit si atey from Titanium to Love On Top. Bumagsak pa nga 'yung speaker sa lakas ng impact.

Ang limang maswerteng nakapasok sa top 5 na sasagot sa final question ay sina Alex, Xian, Justin, Dave at Rhen. Aawts wala si Arwin. Keri lang yan, welcome naman siya sa puso ko hihihi!

Ang final question ay krimen daw bang maituturing ang pakikipagmabutihan sa isang third sex. Madali lang. May mga nautal at kinabahan na normal lang sa isang kompetisyon. But as they say, isa lang dapat ang manalo at ito ay walang iba kundi si... drum rolls please... Xian Pascual! 1st runner-up si Justin Cruz at nasa third place si Alex KingKUNGRACHULEYSHONS!!!

9 comments:

Anonymous said...

parang ang chaka ni Alexander King sa huling pic... hahaha

Anonymous said...

Kaloka nmn ateng haha. Di p q nkkwitness ng gnyan. Ano bng feeling pg nakapanood ng gnyan. Ska ano ang vibe ng crowd?

Anonymous said...

Te M! ung 3rd runner up na si Alex may issue yan kay inday garutay! kya ingat ingat tau dyn! Alexander King ang buong screen name nyn! -piyu ross

Anonymous said...

ateng, di mo yata naikwento yung sa guest model na naka takip lang ng nota ay parang kulambo....anong ginagawa mo nun...nawalan na sa hwisto??? hehehe

Anonymous said...

anong sagot ng winner ateng na nagpapanalo sa kanya?

Melanie said...

-Teh Anonymous 1, inaantok na yata :D

-Teh Anonymous 2, hhhmmm mas bet ko ang ganitong bikini contest kasi halos magkakakilala ang crowd then friendly pa. Aliw ang hosts, makikita mo nang malapitan ang mga contestants and you can have interaction with them.

-Teh piyu ross, pagka-comment mo nag-search agad ako online. Sad noh?! :(

-Teh Anonymous 3, nandun ka rin ba? Naartehan ako sa kanya! Gusto patayin ang lahat ng ilaw. Paano naman makikita ng audience ang performance niya? KALOKA!

-Teh Anonymous 4, 'di ko narinig kasi pinatay ang mic para daw 'di marinig ng ibang contestant na nasa dressing room during the Q&A portion. Nasa bandang dulo ako eh.

Anonymous said...

wala po ba kayung backstage shots?? sige na po please...

AnonymousBeki said...

Naloka ako sa nasaksihan ng aking inosenteng mga mata. (Inosente? Sure ka?) Nyoket ang taas ng contrast ng ikapitong pica? Di ko tuloy maaninag. hehe

Melanie said...

-Teh Anonymous 5, waley backstage pass ang audience. Exclusive lang 'yun sa handlers at producer.

-Teh AnonymousBeki, sumabay 'yung lights pagkakuha ko ng fecture eh kaya amputi ahahaha!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...