Friday, June 18, 2010

Kulay Rosas ang Pintig ng Puso

Dahil laganap na ang mga librong tungkol sa ating lahi, mag-review tayo nang isa. Ang libro ay pinamagatang Kulay Rosas ang Pintig ng Puso at isinulat ni Gerardo Z. Torres.

Una ko itong nasight sa National Bookstore sa Recto pero that time eh andaless ang lola niyo. So noong nagka-kwarta o kahon, super go ako sa Cubao to buy this book. Witchy cola akong makitang copy. Kung meron man eh lasug-lasog na at walang extrang stock. Went ako sa TriNoMa at naka-grab din ako ng kopya. Pumunta pa ako ng Cubao eh kapitbahay ko lang naman 'tong si TriNoMa. Todo pagoda cold wave watashi. Manipis lang siya at murriah carey sa halagang 128 peysos. Pangbeki kasi siya kaya nagka-interes akong basahin.

Sa totoo lang mga shupatemba, hindi ako nagandahan sa mga maiikling kuwento ng awtor. Nakadagdag pang witchells ako maka-relate dahil makabagong bakla na kasi ang bida sa mga istorya. Hindi tulad ko na maka-70's masyado ang pagka-juding. Meaning to say, bailamos ang bida. Pamhinta. Keri lang naman yung bida kaya lang ineexpect ko kasi na bawat kwento, iba-ibang katangian ng karakter ang mababasa ko. Hindi kasi eh. Parang iisa lang lahat sila na panay gym fit ang bortabels, epek ang fes, richie rich, matalino atbp. Pa ul-ul (ulit-ulit) na binabanggit sa bawat istorya yang mga adjectives na yan. Naiba lang sa mga pangalan ng tauhan
. Mas nabigyan ng emphasis yung pisikal na atraksiyon kesa sa pagmamahalang pinagsaluhan. Pare-pareho din ang takbo ng istorya mula sa panandaliang init ng katawan, how to move on sa long term relationship na nasira hanggang sa kung paano maghanap ang isang bonggang ambisyosang beki nang isa pang ambisyosang beki. Pa ul-ul lang siya. Hindi naman halatang na disappoint ako noh.

Out of 5 stars (5 as the highest), Debbie Gibson ko siya ng dalawang bituin sa langit as my rating.

3 comments:

  1. Pwede po bang makahingi ng buod nito? Kailangan kase.

    ReplyDelete
  2. Pwede po ba makahingi ng kopya? Requirement po kasi namin sa SOSYOLIT subject. Maraming salamat po sa konsiderasyon. Ito po email ko osaciasofia@gmail.com

    ReplyDelete
  3. Nabasa niyo na ang Cubao 1980: Unag Sigaw ng Gay Liberation Movement sa Pilipinas ni Tony Perez? Itinuturing siyang isa sa pinakamagandang paglalahad tungkol sa iktalong kasarian.

    ReplyDelete