Saturday, February 14, 2015

Mister International 2014/15 winners

Photos courtesy of Missosology
OH YES! Nanalo si Neil Perez AKA Mamang Pulis sa Mister International 2014/15 na kanina lang ginanap. Mangiyak-ngiyak ang lolo niyo sa sobrang saya. Sige lang Neil, ilabas mo 'yan. 'Wag mong pigilan dahil okay lang na isambulat mo ang kaligayahang nadarama mo. Sasaluhin namin 'yan. Todong masaya kami para sa'yo. Pa-kiss naman oh!

'Di naman umuwing luhaan ang European lovers ko dahil tatlo sa kanila ang pasok sa top 5. 2nd runner-up si Tomáš Dumbrovský ng Czech Republic, 3rd runner-up si Rafał Maślak ng Poland at 4th runner-up naman ang pinaka-pogi sa lahat, si Mitja Nadižar ng Slovenia. Sunud-sunod pa sila.

Completing the top 10 are Thailand, Japan, Korea, Brazil and Mexico. Ang higpit ng labanan! Lahat may fes at katawan. Lahat pwedeng manalo.

First time din (sa pagkakaalam ko) na gumamit tayo ng interpreter sa Q&A portion ng isang pageant. Ang bongga de vaahhh?! 'Wag pilitin umingles kung mas komportable sa wikang atin. Ang mahalaga, may sense ang sinasabi. Epektib kay mamang pulis and we got the title.

KUNGRACHULEYSHONS MAMANG PULIS!!!
♥♥♥ WE LOVE YOU ♥♥♥

7 comments:

AnonymousBeki said...

Aaahhh!! Kungrachuleyshons! We're so proud of you! Di mo kami binigo.
Ang saya saya ko huh. Nabuhay muli ang aking mga dugo mula sa pagkakahimlay nung isang buwan. Tenkyu. Mwah!

Anonymous said...

Take note of this Madam Stella Araneta!

Anonymous said...

congrats mamang pulis! at kng totoo man ang cnbi ng isang commentor na wikang filipino ang iyong ginamit sa pagsagot sa Q&A ikaw ay mas dapat hangaan dahil hindi ka natakot gamitin ang wikang kinagisnan! muli congrats - piyu ross

PS sa mga lalake at babaeng kandidata na magrerepresent sa bansang pilipinas sa patimpalak ng kagandahan hindi kabawasan sa puntos na matatamo ang paggamit ng wikang filipino sa pagsagot sa Q&A!

Edgar Portalan said...

Im ptoud of him . Isang tribute para sa ating SAF Heroes 44 . Maganda ring pang eye opener sa ating Miss U counterpart head Stella Araneta tungkol sa tamang pagko costume. I will make A blog entry too about this : )

Anonymous said...

Pakisampal sa mukha ni Punyeta Stella Marquez Araneta at Alfredo Bazurra ang national Costume ni Neil na Proud to be Pinoy kasi gawa ng Filipino Designer....at walang Colombian Sabotage....take note third best in National Costume...

Anonymous said...

Saan po puwede mapanood ung pageant? Please paki direct naman po. Salamat! Mabuhay Neil!

Melanie said...

Teh Anonymous 4, may videos available sa link na 'to: http://missosology.info/forum/viewtopic.php?f=7&t=592440

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...