Here I am sa loob ng MRT, super late sa work dahil sa human traffic-ing.
It's been a month since pinatupad ng DOTC ang fare hike and it feels like walang agarang aksyon para mapagaan at mapaginhawa ang experience ng mga biyahero. Nag-worsen pa nga yata. Imagine, we need to allot at least 30 minutes to an hour or 2 para sa pila papasok ng station. Tapos mag-aantay pa sa pagdating ng tren. Todong makikipagsiksikan sa dami ng utaw. Ang pinaghirapang plantsahin, nagusot sa isang iglap! Tanggal-tanggal pa 'yung ilaw sa may pinto dahil pilit kinakapitan.
I am just one of the hundreds of thousands Pinoys na walang choice kundi ang magtiyaga sa serbisyong bulok. I don't want to sound mean but this is basically hell! 'Di rin nakatulong na Dahan-Dahan ni Maja Salvador ang pinakikinggan ko ngayon. Sakto sa andar ng tren. AMP!
Kwento ni super friend Chari, billions of pesos ang nawawala sa Pinas dahil sa traffic - ng sasakyan o ng tao sa daan. Oh my! Bilyon levels na 'yan. So sad kasi apektado pala ang GDP at economic growth ng ating bansa. Siyempre, anong negosyo ang natutuwa sa mga empleyadong late o hindi nakarating sa meeting? Less productivity hours is equals to bawas sahod or NTE.
Though naipayo ko dati na ang solusyon ay matulog at gumising ng maaga, paano kung ginabi ka nang uwi dahil sa traffic? Applicable pa ba ito? Siyempre hindi naman pwedeng derecho tulog ka kasi may pamilya at ibang bagay na nangangailangan din ng iyong atensyon.
Kaya siguro nagsisisulputan 'tong mga bonggang condo sa tabi ng business districts, para iwas biyahe at less hassle. Pero lahat ba tayo afford ang ganyang tirahan? Kung walo tayong magshe-share sa isang studio type unit, baka pa. Sarsa na lang ang kulang, sardinas na.
I am really wishing, hoping and praying that DOTC will come up with a perfect plan on how to manage the people and train intervals. They also need to check the maintenance and mechanism of the trains, lalo na't mahigit isang dekada na itong bumabaybay sa EDSA.
Since tinaas na nila ang pasahe, ano ba naman ang mag-double time sila to research and create a plan for the benefit of the riders. At habang wala pa 'yan, all we can do is be more patient. Imbes na pandesal, Pasencia na lang ang aalmusalin ko. CHAUSE!!!
I've been thinking kung ano nga ba ang pakiramdam nang pumila nang ubod tagal, makipaggitgitan sa tren, at ma-experience ang trapik sa Maynila. Di ko pa kase nae-experience yan pero base sa mga nababasa ko it must be very tiring at ultimate pampa-haggard ng byuti! Kung gagabihin rin lang ng uwi dahil sa trapik at kelangan pang gumising ng maaga siguro dun na lang ako matutulog sa skul or opisina. Chuzz!! Wish ko din na sana masolusyonan na ang problemang yan dahil ang trapik sa isang lugar ay malaki rin ang epekto sa buong Pilipinas.
ReplyDeleteTeh AnonymousBeki, hindi siya masarap sa pakiramdam. Nakakainit ng ulo at nakakatunaw ng byuti!
ReplyDeleteEternal na yata ang problem na yan ... huwag naman sana .... pasalamat pa rin ako at d q yan nararanasan dahil karaniwan ay provincial ang assignment ko he he
ReplyDeletegood point. very informed
ReplyDelete