That Thing Called Tadhana (2014)
Released by Star Cinema
Directed by Antoinette Jadaone
Starring JM de Guzman and Angelica Panganiban
Ano nga ba ang ginagawa ng mga taong broken hearted? Paano ba sila nagsisimulang mag-move on sa isang nawasak na relasyon? Dalawa lang 'yan sa mga tanong na nasagot ng pelikulang ito.
Pinuntahan ni Mace (Panganiban) sa Italy ang jowa niya not knowing na ipinagpalit na siya nito. Ang 8 years nila, nauwi sa wala. Kaya crayola ang lola sa airport pauwi ng Pinas. Dito niya nakilala si Anthony (de Guzman). Mukhang na-love at first sight si lalaki pero hindi muna dumiga at bitter na bitter pa si merlat. He was there for her as a companion, confidante, kainuman at karamay sa todong kabiguan. The good thing about him - he was a good listener. Hindi epal ang comments. Nagsasalita lang kapag kailangan. Magaling!
Ang mga "hugot" lines na binitawan ng karakter ni Angelica, tagos na tagos sa puso ng lahat ng makakarelate. Kakaiba din ang TTCT, hindi 'to kasing fancy ng ibang Pinoy films na may family back story, mayaman vs. mahirap, na ang daming taong involved at hard sell ang dating.
Nung lumabas nga 'yung closing credits, nagulat ako kasi tatlo lang pala ang cast of characters. Extra pa 'yung isa, which is Joem Bascon who played the ex-jowa.
TTCT had a limited run last year as part of Cinema One Originals film festival. Agad-agad pinag-usapan at umani ng positive reviews online. Nanalo pang best actress si Angelica at naka-tie si Ate Guy. Kaya siguro hindi nagdalawang isip ang Star Cinema na i-release commercially. And look, bonggang pinipilahan sa mga sinehan.
Rating: 4/5 stars.
3 lang ang cast of characters pero patok dahil maganda talaga ang storya at acting skills ng mga artista. Bet ko 'to. Paminsan kasi umay na din ako sa mga pa-tweetum na pelikula, yung tipong after mong panoorin parang wala kang napala. Itong TTCT hugot lines pa lang marami ka na agad matututunan.
ReplyDeleteThe script won in Palanca past year. Direk Antoinette also wrote the said script. Mace character also appeared in Relaks its just Paibig played by Alex de Rosi. And madami ang nag ambagan para makuha ang rights to use Where do Broken Hearts Go, theyve raisee 250k para dun, kasi 2m lang buget granted ng Cinema One. Nevertheless, a good movie!
ReplyDelete-Teh AnonymousBeki, PLANGAK!!!
ReplyDelete-Teh Anonymous 1, thank you sooo much sa dagdag impormasyon tungkol sa pelikula. Ganyan pala kamahal ang rights ng isang kanta noh?!
don't forget to mention na ang super yummy ni jm de guzman sa movie na itey... medyo nakulangan nga lang ako sa mga dialogue at moments nya kaya siguro mas lumitaw ang character ni mace... baka ganun lang talaga ang pagkakagawa sa character nya.. nevertheless, nag-enjoy ako masyado sa movie kahit mag-isa lang akong nanood.. mas naka-relate ako.. haha
ReplyDelete