Friday, February 13, 2015

Gera

Matapos ang ilang beses na postponement ay matutuloy na sa wakas ang 9th edition ng Mister International na gaganapin sa South Korea this February 14. Kung wala kayong nakulimbat na ka-Valentines date eh 'wag na malungkot dahil dalawampu't siyam na kalalakihan ang makakasama natin sa Araw ng mga Puso. Tiyak na sasakit ang ating mga puson na nagwagwapuhan at nagtitikasang mga ohms mula sa iba't ibang panig ng mundo.

Last minute ng competition ay umatras ang pambato ng Argentina due to personal reasons at posibilidad na gera between North and South Korea. Meaning, siya lang ang todong natakot at 'yung ibang contestant eh kebs sa bombahan. Ganern be 'yown?

As they say, "the show must go on" kaya with or without him, tuluy-tuloy ang ligaya! Kahapon ay ginanap ang kanilang preliminary competition where they strut in national costume, formal attire at ang ating paborito... swimwear!

Umpisahan na ang gera! Ready na kami sa pambobomba niyo boys...

Poland (gusto kong makiliti sa balbas niya)

Czech Republic (power shoulders)

Slovenia (Edward, ako nga pala si Bella)

Mexico (parang one size smaller ang trunks oh!)

Ukraine (weakness ko talaga ang mabalbon na katawan)

Walang ceasefire na magaganap mga ateng! Sugod lang nang sugod sa masarap na gera. YAAAHHH!!!

Thailand and Indonesia

Turkey and Puerto Rico

Colombia (latino hottie)

Russia and Australia

Ecuador and Greece

Guam (parang sarap himasin ng tiyan niya)

Azerbaijan and Sri Lanka

Japan and Lebanon

Brazil (basta galing sa bansang 'yan... certified masarap!)

Canada and China

Myanmar and Korea

Philippines (galingan mo sa "pagbaril" baby!)

India and Singapore

Malaysia and Bahamas

Ang KJ nga lang ng stars sa trunks nila at halos wala tayong maaninag. Mas okay na rin 'yan kesa sa board shorts na pinasuot noong 2013. At least pwede 'tong i-zoom-in at masa-sight na ang bukelya ahahaha!

Kung todong na-bash ang cake-inspired costume ni MJ Lastimosa sa Miss Universe, this time ay mukhang magiging baliktad ang opinyon nating mga Pilipino. Ang susuotin ni mamang pulis ay Filipino-made at Dinagyang-inspired national costume na malamang maging isa sa bests (if not the best) ng kumpetisyon. Just look at Edwin Uy's masterpiece...

Image courtesy of Missosology
Ganito Madame Stella, ganito dapat ka-bongga ang pinapasuot mo sa mga binibini natin. Abangan namin ang promise mo na mas magiging open ka na sa Filipino designers. Kapag napako 'yang sinabi mo, ikaw din, mababash ka na naman. CHAR!

Like the official Facebook fanpage of MisterInternational to get updates and view more picas.

4 comments:

  1. Nabombahan ng todo ang puson ko! Ituloy lang ang gyera!!!!

    ReplyDelete
  2. Maganda yung national costume huh. Very Filipino ang design. Isa si Philippines sa mga pinakagwapo kaya sure na kaya niya yan. Go go go mamang pulis!!

    This Valentine kahit walang jowa imagination lang naman ang kailangan para maging masaya. Ahihi.

    ReplyDelete
  3. MR. Philippines WINNER sa Mr. International 2014/15 na ginanap sa South Korea at take note 3rd best in National Costume siya....dahil Hinde si hayup na Alfredo Bazurra ang designer.... at Tagalog ang sagot niya sa Q&A proud to be PINOY....
    Yan ang PINOY... Saludo kami sa iyo Neil Perez.

    ReplyDelete
  4. Mukhang mga pinoy sina indonesia, japan, myanmar at canada.

    ReplyDelete