Saturday, September 24, 2016

Zarzuela

Can I Just Say:

Umay na umay na akez kay Sen. Leila de Lima at sa pagrereyna-reynahan niya sa senado. JUICE KOH! Para siyang si Kris Aquino na ayaw mawala sa limelight. Kailangan laging laman ng balita o nasa harap ng camera. Wala pa namang 100 days sa pwesto si Pres. Digong pero kung makaasta naman siya, ang dami nang pinatay na inosente daw sa droga. KALOKA! I know naman na dapat dumaan pa rin naman sa proseso ang lahat pero let Digong do his way. Kung nagawa nga niya sa Davao, pwede din niya gawin sa buong bansa. Love ko na rin itong si Director General Ronald "Bato" dela Rosa. Humorous pero seryoso sa trabaho. Bet ko ang way niya nang pambabara sa mga nanggigisa sa kanya sa hearing. Dapat dedmahin na niya ang imbitasyon sa bawat pagdinig at nasasayang lang ang oras niya sa zarzuela de senado. Gamitin na lang niya sa pagsugpo ng krimen at talamak na paggamit at pagbenta ng droga.

Madami pang gagawin at malayo pa ang tatahakin nina Bato at Digong para maisaayos ang lagay ng bansa. Nababalam dahil sa mga lubak na tulad nina De Lima at Trillanes. Tulungan nating patagin ang daan para sa mas malinis, maayos at magandang kinabukasan.

6 comments:

Anonymous said...

im not a pro de lima at hindi ko sya binoto pero minsan naaawa na rin ako sa kanya. grabe ang panghuhusga at kung anu anong pambababoy sa kanya sa social media. below the belt na, meron pang inedit pic nya at malaswa ang inilagay. base naman sa mga nakikita ko sa kanya, mukhang matatag naman sya at hindi agad nagpapaapekto. meron kasi yung iba, naku, nagpapakamatay na o nababaliw na. ikaw ba naman may death threats at me against the whole nation ang peg.

Anonymous said...

Well, she is the only one trying to expose the illegal killings under Duterte when he was mayor of Davao as well as the current illegal killings in the country. She should be admired for being brave in exposing the truth.

Anonymous said...

For sure dami na nyang death threats pati na ang buong pamilya nya. She's one brave woman. Kinalaban ang presidente ng pinas, to think na kahit mayor pa dati eh may record na na pumapatay.

Anonymous said...

Akala ko ba binoto mo sya noong nakaraang election? So now na di maganda ang image nya dahil na rin sa mga ginagawang pambubully sa kanya ng pro-Duterte against ka na rin sa kanya? The Senate need people like her to balance the power of the government. Senate and Congress shares the power with the president and Supreme Court but by the looks of it takot ang majority sa President.

Bb. Melanie said...

-Teh Anonymous 1, hindi ko rin naman bet ang pambababoy sa kanya especially 'yung pag-link sa sex scandal. Super below the belt na talaga for someone like her.

-Teh Anonymous 2, she may be exposing the illegal killings but is it 100% true ba? Hindi kasi kapani-paniwala itong witness niya. Para pa siyang nagfi-feed ng sasabihin during the hearing.

-Teh Anonymous 3, agree ako diyan na super tapang ni ateng and she doesn't deserve the death threats.

-Teh Anonymous 4, binoto ko siya pero parang nagsisisi na akez. Sinita niya si Bato sa mga antics nito pero siya din naman minsan, pa-cute magsalita. AMP!

Anonymous said...

Binoto ko sya eh...kaya lng nakakaawa din sya...sana malinis nya pangalan nya pero i doubt kng mgagawa nya yan sa dami ng issue nya

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...