Saturday, June 9, 2012

Eto ka

Some five years ago nang malulong ako wit sa droga kundi sa pagpaparty. Nagsimula 'to nang salubungin namin ni Ali sa Eastwood City ang bagong taon. Almost every Saturday yata ng first quarter of 2007 eh laman kami ng Decades. Oo, doon lang muna kami dahil walang entrance fee. Buy ka lang ng drinks and you can dance all night long. Eh hindi naman ako drinker so kahit mag-uumaga na eh puno pa rin ang bote ng San Mig Light. Sikat na sikat ang Embassy bar noon at pinangarap naming dalawa na makapag-party doon. Bago matapos ang taon na 'yan eh natupad naman ang aming pangarap salamat sa pa-GL (guest list) ng friends ni Ali. Bonus pa at nakatuntong din kami sa Club Jaipur.

Matagal bago naulit 'yan. Bukod sa mahal ang pamajack papuntang The Fort eh kailangan mong magpaysung ng entrance kung hindi ka GL. Unti-unti na rin akong nagpahinga sa pagpaparty dahil dalawang beses na magkasunod akong na-ospital. Kelangan ipahinga ang bodacious body.

Bb. Melanie, Ali and Daniella
One time eh nagkayayaan ulit doon. First time kong ma-meet ang dalawang mujeristang sina Daniella at Roa (no picture eh). Apat kaming super party pero outcast ang japorms ko (ang luma ng term). Tatlo kasi silang naka-dress samantalang naka t-shirt at jeans akiz. Dating hindi cross-dresser si Ali pero nung natutong mag-heels at dress, non-stop ang loka sa bonggang pagfa-fashown! Enter muna kami sa Hierarchy dahil doon kami unang na-GL. Puro bagets ang crowd at bentang benta ang diyosang si Roa. Nang ma-bore ang byuti namin, gora kami sa Embassy. Mahaba ang pila sa mujer at doon pumila ang tatlong kasama ko. Bilang hindi naman ako naka-bihis babae that time at mainipin akiz, sa boys line na lang ako pumila. Pero obvious naman na mekler ako, naka-checkline ang eyes at shoulder length na noon ang aking curly hair. Dahil maraming utaw, umakyat na ako sa hagdan papuntang second floor. Akala ko naman eh nakasunod lang sila. Nag-antay muna ako ng ilang minuto sa taas ang tinext kung nasaan sila. Wa reply si Ali. Alangan naman mag-solo flight akekels sa pag-dance kaya bumaba ako at tinanaw sila sa entrance. Wala. Umexit ako sa may gilid na pintuan at tiningnan kung nasa pila pa sila. Andun sila sa bandang harap at inaantay akiz. Wit daw silang pinapasok dahil cross-dresser sila. PFFT!

Fast forward tayo ngayon 2012. Napabalita kahapon na limang transgenders ang hindi pinapasok sa Icon bar located in Makati Citeehhh! Ayon sa article na nabasa ko dito, isa sa patakaran ng bar ang hindi pagpapapasok ng cross-dressers. Dati daw ay pwede pero "felt violated" daw ang mga authentic girls kapag ginagamit ng trans ang CR nila kaya pinagbawal. HUWAW! Balidong excuse ba 'yan?! Parang ambabaw yata. Bigla tuloy nag-flashback sa akin 'yung kinuwento ko sa taas. Nakaka-trauma kasi ang ganyang experience. Todong nakakababa ng morale. You went there to party and be happy yet hindi ka pinayagan dahil sa eto ka... isang tao na nagpapakatotoo.

Image courtesy of Interaksyon.com
Ang sa akin lang, umuusad na ang panahon at kasabay sana nito eh ang pagbabago o pag-extend ng ilang bagay sa mga taong belong sa LGBT group. Kung ang iPhone nga ilang beses nang na-update at na-improve, bakit hindi ang ilang policies and rules na hindi naman mahirap i-modify.

Nga pala, matapos ang hindi kagandang experience namin eh hindi na kami umulit doon. Sa kahabaan na lang ng Tomas Morato kami rumampa kung saan tanggap at 'di limitado ang aming kasarian.

7 comments:

  1. bad..di ko bet ang ganyan..
    dahil sa mga "insect" nagkaron ng bias..
    gusto mo pasabugin natin yung mga wrong na bars ate M? LOL
    joke lang..

    ReplyDelete
  2. tama. ms melanie,

    wag ng ipatronize ang mga establishments na ganyan tapos ung mga vip kuno nila eh mas bilat na bilat pa sa mga pagirls kaloka..

    ReplyDelete
  3. mama...sa padis timog, keber ang xdrssr dun..bsta wag nakachinelas o pekpek shorts...sandals na pagirl, keri lang....at maraming nagpapahawak ng nota doon pag lasing na ang mga otoko....tambayan kse ng mga pok2 doon, xympre marami ring boylets na naghahanap ng libreng pek2...kaya ang mga beki, wagi!!

    ReplyDelete
  4. Nacacaloca naman ung management ng bar. From a point of kumikitang-kabuhayan hello 5 na kustomers din un noh. Kung ung pang enter the dragon ay limang daang pieces edi 2.5k agad yung na waley (at waley pa ung pang drinks ha). anda na naging bato pa! tapos boycott daw ng mga becks ang bar, eh hello ang dami kayang bakla. At buti sana kung ung target na market ng mga bars e ung mga born-again na against sa mga becky baka pwede pa silang maka-survive sa ganoong istratehiya sa pamamalengke (marketing strategy) e kaso hindi, masyado kasing rightous ang mga born-again para mag bar.

    Sorry you're bar is closing in the a very immediate future.

    Oi Mother Melanie diba bakla ung may ari ng Embassy si Tim Yap (na pagkaliit-liit ng titi)? So bakit di pinapasok ung mga friendships mo? Kalerqui may discrimination pati sa loob ng LGBT community!

    ReplyDelete
  5. -Teh mack, hayaan na lang natin sila. Minsan kung sino pa ang ganyan, 'yan ang hindi nagtatagal sa business.

    -Teh Anonymous June 10, 2012 7:46 PM, kapag VIP or may kasamang foreigner ang ateng natin, pinapapasok sila kaya maghanap na tayo ng afam na jojowain. PAKAK!

    -Teh cancer23, TUMPAK KA DIYAN! After ma-reject ang byuti namin sa Embassy, sa Padi's Timog kami pinulot. Wala nga lang akong natouch na notey :D

    -Teh Anonymous June 11, 2012 12:22 AM, well 'yan din ang hindi malinaw sa akin kung bakit 'di sila pinapasok samatalang dati eh pwede. Oh ngayon nasan na ba ang Embassy?

    ReplyDelete
  6. i know DANIELLA, friends pala kayo, Ms. Melanie

    ReplyDelete
  7. tama ba na isipin ko na bobo lang talaga pagdating sa usaping related sa LGBT ang Pilipinas? or hypocrite?


    no wonder wala asenso sa pinas... yang mga bagay lang na yan dapat noon pa resolved yan..

    shameful sa ibang country huh?

    ReplyDelete