Monday, November 11, 2024

Kahinatnan

May nabasa ako sa Twitter, bakit daw hindi na restful ang weekends? Napag-isip ako at parang I agree. After the pandemic, it feels like nag-iba ang kalidad ng dayoff ko which fall on a weekend. Ang dami kong nagagawa dati like watching movies or reading books. Makapagsusulat pa ako ng blog at rumarampage kung saan-saan. Ngayon, all I want is to lay down on bed. I'm so unproductive that it would last until the sun sets. Ending, tapos na agad ang isang araw. Napakabilis ng oras! Kaya naman I would drag myself to go out the following day - either watch the sunset sa Manila Bay, walk sa UP oval o magkape sa Shell Station para lang may kahinatnan ang araw ko. Hindi pwedeng nakatihaya lang akiz tapos may pasok na ulit, de vaahhh?

Kayo mga ateng, how's the quality of your restdays?

Anyways, I'm writing this while listening to the Christmas album of Leona Lewis. Let's all enjoy her festive song One More Sleep...


♫ 'Cause I've got five more nights of sleeping on my own
Four more days until you're coming home
Three more dreams of you and mistletoe
Two more reasons why I love you so
I've got five more nights until you're next to me
Four more days of being lonely
Three more wishes, I can barely breathe
If I can make it to Christmas Eve then it's
One more sleep (one more sleep until it's Christmas)
One more sleep (Can't believe how much I missed us)
One more sleep (One more sleep until it's Christmas)
One more sleep 

Sunday, November 10, 2024

Sumaglit

Image from Adobe Stock

During our peak obsession kay gwapulis Richard Pangilinan, may isa tayong nakakiskisang siko dito, si Ate Froglita. Nagko-comment lang siya noong una kasi pare-pareho tayo ng pantasya hanggang sa magpalitan kami ng online messages at nagkita sa personal. 

It was in Trinoma and I was wearing this yellow shirt. Sa escalator kami unang nagkasalubong at dinala niya ako para lumaps sa Abe's. First time kong kumain sa ganoong lugar. Binigyan niya ako ng NBS gift check na pinambili ko ng Dear Migs. Alam niya na mahilig ako sa gay indie films and he influenced me to broaden my taste and watch world cinema such as The Naked Civil Servant and La Ley Del Deseo. He's the reason why I became a fan of Pedro Almodóvar. Pinahiram niya rin sa akin ang personal copy niya ng Naiibang Pag-ibig book ni Dra. Margie Holmes and gave me VCDs of Liberated and Bridal Shower

Siya ang nagbigay daan para first time kong maranasan ang panonood ng theater play sa CCP at ballet show sa Aliw Theater. We also ate somewhere in Malate sabay turo sa Café Adriatico na paboritong kainan ng mga beki. Pero sa lahat ng 'yan, isa siya sa kauna-unahang nagtiwala sa kakayahan kong magsulat. Ni-refer niya ako sa isang kolumnista na nakatira sa Makati. I went there after my shift. Met the guy and was actually a former ambassador but our writing styles didn't match. Pang-class A ang hinahanap eh pang-class DE ang ganda ko. CHAR! Still, it was a memorable experience.

After a few years of bonding, sadly eh natuldukan ang aming pagkakaibigan. This was before COVID pa. But it didn't end bitter at all. I think. Messages stopped and I was unfriended. I didn't ask for any reasons. 

Recently, naalala ko siya dahil madalas mabanggit sa isang popular page ang isa niyang photographer friend. I searched for his FB profile and found out he died. I was shocked and didn't know how to feel. Suddenly remembered his beautiful contribution in my life. I'm writing this to let him know that wherever he is, I value our friendship so much and I don't want to forget it. How I wish I reached out and rekindled our connection but I guess life has a different plan.

Salamat, Ate Froglita. You're one of the people who made an impact in my life. You believed in me when I doubted my skills. Masaya ako na sumaglit ka sa buhay ko. Aalalahanin kita habang binabasa itong magasin na ikaw ang editor-in-chief. Proud ako na nakilala ko ang isang tulad mo. You will always be included in my prayers.

Tuesday, April 23, 2024

Treinta Y Nueve

I was checking the top 10 most viewed post sa right side ng page nang mapansin ko ang Veintinueve sitting at top 9. Eksaktong sampung taon ko na sinulat 'yan to celebrate my last year in 20s. Hooongbilis ng panahon, mga ateng! Ngayon ay treinta y nueve años na akiz. NAKAKALOKA! Ang tagal na nating magkakasama!

Hindi naman ako magkukunwari dahil tuwing sumasapit ang birthday ko, I get so emotional by Whitney Houston. When La Mudra went to heaven, ang daming nagbago sa akin - from my outlook in life, my confidence, my body, my trust to people and friends, and realizing that I can only rely on myself. My mind is still young but I'm worrying about getting old. I also feel I'm running out of time. Bakit ang bilis ng mga araw? May marathon ba? May taxi sa labas? Nagmamadali?

Marami pa akong gustong gawin at marating but I feel trapped and restricted. It's me, I'm the issue, it's me. CHAR! I'm working on getting better and one way is by sharing my thoughts with all of you. Hindi man tayo kasing dami tulad ng dati but please know that much appreciated ang patuloy niyong pagbisita sa ating kaharian.

At tulad dati, let's have a virtual party. This time, wear your most revealing outfit. Dedma sa makulimlim na parte-parte diyan. Walang makakapansin dahil malamlam ang mga pulang ilaw habang umiikot ang disco ball. Lahat tayo nasa dancefloor, napapaligiran ng mga masasarap na ohms, at sumasayaw sa saliw ng awiting...

♫ I wanna get fresh with you, baby
I wanna do all the things that turn you on
I wanna get fresh, get a little closer
If it feels so right, how can it be wrong tonight? ♪

TO ETERNAL FRESHNESS!

Sunday, April 14, 2024

Nagbakasakali

Pagoda coldwave lotion (ginagamit niyo pa ba ito?) ang byuti ko kahapon dahil limang Segunda Mana branches ang nirampahan ko - Monumento, Sta. Lucia, Riverbanks (2), at Ali Mall. Nagbakasakali ako dahil panaka-naka ay may nagdo-donate sa kanila ng physical media. Sa mga hindi nakakaalam, ang Segunda Mana ay isang programa ng Caritas Manila upang makatulong sa mahihirap. Ang mga in-kind donation na natatanggap ay ibinebenta sa mga outlet at ang kinikita dito ay nagiging pondo ng iba't ibang proyekto. Morayta lang ang benta nila sa mga cassette tapes, CDs, VCDs, at DVDs. Dati ay sampung piso pero ngayon ay nasa bente pesos na. Wit na masama dahil mapupunta naman sa magandang hangarin ang ating ibabayad. 

Kahit parang makakalas na ang tuhod ko kalalakad, hindi naman ako nabigo dahil nakabuyla ako ng tatlong DVD at dalawang VCD. Isa diyan ang rare copy ng May Pag-ibig Pa Kaya? movie ni idol Juday. Kasama niya dito sina Gladys Reyes, Matet De Leon, at leading man si Luis Alandy.

Bukod sa nabanggit, may mga damit, appliances, bag, sapatos, maleta, lamesa, aparador, kuna, stuff toy, at planners din na binebenta. May pagkalaki-laking treadmill pa nga! 'Yung ibang items parang old stock na galing sa department store. May mga libro din tulad ng textbooks, children's book, at pocketbooks. 'Di ko lang napansin kung mayroon silang kopya nitong binabasa ni daddie Gary Estrada...

Wednesday, April 10, 2024

Kalagitnaan 1.0

Noong kalagitnaan ng pandemya at hindi tayo makalabas, nadiskubre ko ang Peccadillo Pictures. Nagbebenta sila ng DVD at Blu-ray copies ng LGBTQIA+-themed movies na gawa mula sa iba't ibang panig ng mundo. May yearly sale sila at nag-take advantage ang byuti ko last year para madagdagan ang aking koleksyon. Heto ang ilan ang kanila...

Sequin In A Blue Room (Australia)


Sequin ang ngalan ng bida dito na mahilig makipag-one night stand wearing his sequined outfit. Parang costume niya tuwing lalandi siya. Lakas maka-Superman char! After sex, dedma na siya sa mga otoks to avoid emotional connection. One time, naka-sex niya si B na mas may edad sa kanya. Pero just like the others, ghinost niya ito at dito na nagsimula ang obsession ni daddy. Medyo nakakakaba ang ilang eksena and I actulally liked the story. Kakaiba siya sa ibang queer films na napanood ko kaya I highly recommend this, mga ateng.

A Moment In The Reeds (Finland)


Migrante mula sa Syria ang arkitektong si Tareq. Pero dahil hindi siya marunong mag-Finnish, nahirapan siyang makahanap ng trabaho na swak sa pinag-aralan niya. Nauwi siya sa pagkakarpintero at inatasan siya ng ahensyang pinapasukan na ayusin ang rest house ng tatay ni Leevi malapit sa ilog. Dito nagkita ang dalawa at nabuo ang matamis na pagtitinginan. Of course, hindi ganyan kasimple 'yan dahil pinakita dito ang struggles ng mga migrants. Ang shakit sa puso sa true lang.

Just Friends (Netherlands)


This is one of my faves from my purchases! Kung pagod na kayo sa tragic storylines about queer life, mare-refresh kayo ng love story nina Joris at Yad. Just like Tareq, Yad is also from Syria at namamasukan sa lola ni Joris. Dito sila nagkakilala at nagka-sparks fly by Taylor Swift. They bonded through biking, surfing, and music. Todong mamahalin niyo ang lola ni Joris dahil 100% ang support niya sa dalawa while nakakatawang nakakainis ang nanay niya.

Itutuloy...

Friday, April 5, 2024

Restoration Project #16: Iligpit Ang Tanging Saksi (Unang Labas)

Napakadaming malls na dito sa Kamaynilaan, ano? Magkabilang dulo ng EDSA, may SM. Tapos pare-pareho lang na kainan at damitan. Hindi tulad dati na dadayuhin mo pa ang isang mall kasi doon lang may branch 'yung store. I mean it's a good thing na 'di mo na kailangan pang bumiyahe nang pagkalayo-layo kung meron naman sa malapit but where's the variety? Idk, pero hindi na appealing sa akin ang mall experience unlike before. Pumupunta na lang ako kapag may bibilhin at pagkatapos, batsi na. No more tambay or window shopping. 

Sa pagpapatuloy ng restoration project natin, this time ay ibabahagi ko sa inyo ang pagsisimula ng kwento ni Aleta sa mga pahina ng Tagalog Komiks. Nauna ko itong ma-restore bago ang Bwagamba. Hindi ako masyadong nahirapan dito dahil medyo maayos pa ang original copy, may konting stains lang due to age. Enjoy!

Iligpit Ang Tanging Saksi
Nobela ni Zoila
Guhit ni Fabie

Tagalog Klasiks
Oktube 13, 1997
Taon 48 Blg. 2326
Atlas Publishing Co., Inc.

Sunday, March 31, 2024

Restoration Project #15: Bwagamba (Unang Labas)

Eksatong dalawampu't pitong taon na ang nakalilipas nang unang mailathala sa mga pahina ng Tagalog Klasiks ang Bwagamba, ang nobelang isinulat at iginuhit ni Rico Rival. Kadalasan ay sa drama ko nakikita ang mga likha niya pero dito, more on action and adventure. Sayang at hindi ko ito nasubaybayan, isang komiks lang kasi ang kaya kong pag-ipunan at bilhin sa baon ko noon. 

Una ko itong ibinahagi noong 2012 thru Komiks, mga panahong 'di ko pa gamay ang restoration. Pero dalawang taon na pala simula nang matapos ko ang proyektong ito at hindi ko pa pala nai-share sa inyo. I hope you enjoy this masterpiece! 

Bwagamba
Katha't Guhit ni Rico Rival

Tagalog Klasiks
Marso 31, 1997
Taon 40 Blg. 2270
Atlas Publishing Co., Inc.