- Sa mga senador at influencers na kumakampi sa Tsina kahit binobomba na ang ating mga mangingisda, hindi niyo deserve ang Pilipinas. Hindi lang kayo nakakahiya, para kayong mga tuta na humihimod sa pwet ng mga Instik. KADIRI!
- Ang dali husgahan at magalit ng netizens kina Michelle Dee, Rhian Ramos at Samantha Panlilio laban sa manyakis na driver na nagnakaw ng hindi niya pagmamay-ari. Okay lang ba kayo?
- Itong mga Pilipino na kampi sa ICE at kay Trump, hinding-hindi kayo magiging kapantay ng mga puti. Purihin, palakpakan, itangi niyo man sila, hindi nila kayo ituturing na kauri. Mananatili kayong third-class citizen sa paningin nila dahil pango at kayumanggi kayo. Darating ang panahon na kayo naman ang pagtutuunan nila ng pansin.
- Sumakit ang ulo ko sa mga transwomen na nagsasabing transwomen are not women. Eh ano kayo? Bakit transwomen ang tawag niyo sa mga sarili niyo? Ang daming SOGIE 101 resources online para ma-educate kayo pero pinili niyong maging timawa. JUSKO! Doon kayo sa faraway, please lang. Kung bukas naman ang isipan niyo para matuto, panoorin niyo ito:
- To be fair sa Enero, hindi masyadong mahaba sa feels unlike the previous years. Enjoyable pa ang malamig na simoy ng hangin. Sarap maglakad tuwing umaga, hindi masakit sa balat ang araw at fresh sa pakiramdam!
- Sa palagiang paglabas ni Leandro Leviste sa balita pati na mga presscon niya, patawarin niyo ako mga ateng, naging crush ko siya. NAKAKALOKA! Silang dalawa ni Kiko Barzaga ang fantasy ko ngayon. Pinag-aagawan daw nila ako. Pero bakit kailangan mag-agawan kung pwede naman akong i-dp. MIYAW!
![]() |
| Images from Facebook and Daily Tribune |

No comments:
Post a Comment