![]() |
| Taken from The Evening News June 1970 |
Sa paghahalungkat ko ng serials sa National Library ay nadaanan ko ito sa mga pahina ng The Evening News broadsheet. Winerva si ateng Susean N. Hernandez as Miss Philippine Independence 1970 habang Mister Philippine Independence 1970 naman si Allan J. Payne. Bongga ang crowning dahil ang nag-iisang Superstar Nora Aunor lang naman ang panauhing pandangal. Hindi siya nagpakabog with her mala-ensaymadang hairstyle at sa titulo bilang Queen of Philippine Movies. PAKAK!
Nakaukit na talaga sa ating kultura ang beauty pageants and titles na 'yan. Mapa-otoko man o mujer, laban na laban sa rampahan. Haaay, napakasarap balikan ang magagandang alaala ng lumipas.

No comments:
Post a Comment