Thursday, January 31, 2013

Preserve

Bukas ay buwan na ng mga puso. May ka-date na ba kayo? Ako, waley pa! Pero kung bibigyan ako ng chance ni Inang Dyosa, sa dinami-dami ng otokong pinagpapantasyahan ko, siya muna ang pipiliin ko...

Vince Ferraren for Bench Summer Break 2013
Ang wholesome kasi ng image niya kahit nakajubad. Bagay lang sa pagkakonserbatibo ko. Kumbaga, magka-candlelight dinner kami tapos ihahatid niya ako sa bahay bago mag-10 o'clock PM. Bawal hawakan ang kamay ko lalong lalo na ang halikan ako. I preserve myself to someone I will marry kaya magtiis muna siya.

Siyempre lahat ng sinabi ko eh hindi totoo. Makakaya ko ba naman 'yon eh ang sarap niya. Kili-kili pa lang, nanginginig na ako. What more kung naka-bripang na lang...

JUICE KO 'DAY! Nag-juice ang flower ko

Wednesday, January 30, 2013

Pintig

May kwento ako sa inyo mga 'teh. Kakauwi ko lang galing trabaho. Nakasabay ko 'yung crush kong Arabo na estudyante sa hindi ko pa alam na school. Basta pareho kaming sumasakay sa Ayala station pero nauuna siyang bumaba sa Cubao. Mga ala-siete ng umaga. Nakasakay ko na siya dati kaya ikalawang beses na 'to. Noong una, nakaupo siya habang nakatayo ako. May merlat siyang katabi na super takip ng ilong kasi umaalingasaw ang amoy niya. Hindi baktol pero parang putok. Nakayuko lang siya hawak ang kanyang bagelya. Nakasuot siya ng salaming pangbasa. Una kong napansin ang matangos niyang ilong. Sunod ang makinis niyang balat at ang patubong balbas sa kanyang mukha. At huli kong nakita ang kanyang mga mata... mga matang nagpabilis sa pintig ng aking puso. Tila nangungusap na siya'y aking ibigin. Sa tuwing siya'y kukurap, ang kanyang mga pilik-mata ay para bagang pumapaypay sa aking pepe. WET! Naputol ang pantasya ko nang siya'y bumaba na.

Photo courtesy of blog.neilrara.com
Naka-getover naman akez agad. Eto nga, kanina eh kasabay ko na ulit siya. May kasabay akong dalawang beki at napansin ko na nagsikuhan sila. Pagtingin ko sa aking likuran, siya pala ang tinutukoy nila. Kinilig atashi. Dumating ang tren. Punuan. Bumukas ang pinto. Lumabas ang ilang pasahero. Pumasok ako. Naghanap ng pwesto sa kaliwa. Sa kanan ang dalawang beks. Paglingon ko, sa kasunod ko siya. Eeeehhhh!!! Magkatabi kami. Humarap siya sa akin at humawak sa safety handle. Para akong sinampal sa amoy pero okay lang. Pogi naman siya. Ginawa kong air freshener ang aroma. Nakatagilid ako sa kanya kasi nahihiya me. Virgin kaya ako. CHOS! Tapos umayos na kami ng pwesto. Kahit hindi masyadong siksikan, nararamdaman ko ang pagbabanggaan ng aming mga braso. Minsan sinasadya ko kasi malandi ako tapos tinitingnan ko siya sa fes. "Kapag lumingon ka, akin ka" pahiram muna ng linya Aga Muhlach. Malakas ang loob kong tingnan siya kasi panay borlogs ang mga ohms sa tren. Hindi nakakahiya. Nakangiti pa ako para warm ang dating. Buendia. Guadalupe. Boni. Shaw. Ortigas. Santolan. Waley. Ayaw niya tumingin. Baka nahihiya. Crush siguro ako. Then Cubao. Fail.

Ang haba noh pero walang kwenta. Kapag pinayagan ng pagkakataon, pipicturan ko siya. Hindi lang pwede kanina kasi baka makita ako nung nasa likuran ko. Pero kapag nakasabay ko siya ulit, susubukan ko tapos magpapakasal na kami. AHAHAHAHA!!!

Monday, January 28, 2013

Usbong

Tila isang makahiya sa ating hardin itong si Pancho Magno. Umuusbong na pala nang hindi mo napapansin. Kapag napukaw ang iyong atensyon, iyong lalapitan at hahaplusin. Lalaking-lalaki ang kanyang dating. Ang inosente ng mga mata at kanasa-nasa ang tindig ng wankata.

Dapat pa siyang magkaroon ng maraming projects sa GMA 7 para naman ang mga Kapuso nating shupatemba ay patuloy na ganahan sa kanilang pang araw-araw na buhay. Bet na bet ko ang kanyang mga braso at tiyan. Pero mas bet ko ang kili-kili niya...

Parang ambango-bango de vaaahhh?! Kahit magdamag pa akong matulog diyan, 'di ko pagsasawaan. Magiging adik ako kakasinghot sa sarap! PAKAK!

Migz at Koko

Disclaimer: The views and opinions expressed on the comment section do not necessarily state or reflect those of the blog writer and the blog site. I thank you.

Tanong Lang: The Halalan 2013 Edition

Ilang borlogs na lang at todong botohan na naman. Bilang paghahanda, sisimulan kong ang Tanong Lang: The Halalan 2013 Edition. Magtatanong ako sa inyo bawat linggo kung bet niyo bang iboto ang kandidatong aking babanggitin. Isang linggo bago ang halalan, maglalabas ako ng unofficial tally ng pulso ng 'sangkabaklaan para sa halalan. YES! Direct competitor ako ng SWS at Pulse Asia. Ganun ang levelling! CHAROT!

Simple lang ang ita-type niyo. OO o HINDE. Ilagay sa comment box ang sey niyo. Wit required magpakilala at maglagay ng bonggang eksfleneyshon pero kung like mo, GO LANG! Basta hindi malalagay sa alanganin ang byuti kez. Kung hindi ko man i-approve ang comment niyo sa kadahilanang baka ma-Anti Cybercrime Law akekels, don't worry dahil counted pa rin ang boto niyo.

***

Migz Zubiri and Koko Pimentel
Muli silang magtutunggali ngayong eleksyon.

Isa lang kaya sa kanila ang mananalo?

Baka naman parehong uupo?

Maulit kaya ang pag-aagawan sa ika-labingdalawang pwesto?

Aray ko kapag parehong talo.

Sunday, January 27, 2013

Kontinente

Kahit nasa kabilang kontinente, todong updated pa rin ako sa paborito kong boyband ever... ang 911. Aktibo sa Twitter ang lead singer na si Lee Brennan. Hilig niya ngayon ang photography. Proud daddy si Spike Dawbarn samantalang madalang naman mag-tweet si Jimmy Constable. Keri lang 'yun dahil ngayong taon, mabubuo silang muli via UK's TV show The Big Reunion.

911
Makakasama din nila dito ang lima sa pinakamalaking pop bands noong 90's to early 2000's...

Friday, January 25, 2013

Fertilizer

Ang aga maghanda ng Bench para sa bonggang summer collection nila ngayong taon. Magrereklamo sana akiz sapagkat ninanamnam ko pa ang hamog sa umaga subalit napaatras ang dila ko nang makita ko ang masasarap na putahe tangan lamang ay kapirasong saplot...

Walang isang saglit eh todong namulaklak ang hardin ko. Tila diniligan at binudburan ng fertilizer. As usual, hindi nagmaramot si Jake Cuenca sa kanyang kasarapan kaya mahal siya ng 'sangkabaklaan. Bagong kinahuhumalingan ng ating lahi si Pancho Magno. Anlakas ng sex appeal niya lalo na kapag ngumingiti. At ang higit na ikinatuwa at ikinabasa ko, ang pagkuha ni Ateng Benchie kay Vince Ferraren. HOMAYGASH! Baka araw-arawin kong magbabad sa Bench stores at tumunganga lang sa posters niya.

Panoorin niyo ang behind-the-scenes at malerki sa iba pang eksena. 'Wag kukurap para hindi mapalagpas ang pagbukaka ni Pancho in his skimpy undies at pagpapa-kyut ni fafah Vince...

Thursday, January 24, 2013

Loren

Disclaimer: The views and opinions expressed on the comment section do not necessarily state or reflect those of the blog writer and the blog site. I thank you.

Tanong Lang: The Halalan 2013 Edition

Ilang borlogs na lang at todong botohan na naman. Bilang paghahanda, sisimulan kong ang Tanong Lang: The Halalan 2013 Edition. Magtatanong ako sa inyo bawat linggo kung bet niyo bang iboto ang kandidatong aking babanggitin. Isang linggo bago ang halalan, maglalabas ako ng unofficial tally ng pulso ng 'sangkabaklaan para sa halalan. YES! Direct competitor ako ng SWS at Pulse Asia. Ganun ang levelling! CHAROT!

Simple lang ang ita-type niyo. OO o HINDE. Ilagay sa comment box ang sey niyo. Wit required magpakilala at maglagay ng bonggang eksfleneyshon pero kung like mo, GO LANG! Basta hindi malalagay sa alanganin ang byuti kez. Kung hindi ko man i-approve ang comment niyo sa kadahilanang baka ma-Anti Cybercrime Law akekels, don't worry dahil counted pa rin ang boto niyo.

***

Loren Legarda
Olats sa pagkabise pero unbeatable sa senado. Mahalal kaya siyang muli?

Wednesday, January 23, 2013

Bakbakan

Nakakalungkot ang balitang pagkakashunggal ni Maricel Soriano sa comeback-serye sana niya sa ABS-CBN. Nagkaroon daw nang 'di pagkakaunawaan sa pagitan nila ni Gerald Anderson na isa rin sa mga bida. Sayang at kaabang-abang pa naman ang todong bakbakan nila ni Dina Bonnevie sa aktingan.

Medyo nagkandaleche-leche ang buhay niya nitong nakaraan lalo na nang pumutok ang isyu ng pambubugbog niya sa dalawang kasambahay at diumano'y paggamit niya ng ipinagbabawal na gamot. Nawalan din siya ng isang pinakamamahal sa buhay. Sinubukan niyang lumipat sa TV 5 at lumabas sa Kapuso pero hindi kuminang ang kaniyang bituin. Ngayong nagbabalik Kapamilya siya, eto pa ang nangyari. But I know makakabalik pa siya. 'Di man ngayon pero the right time will come. Isa siya sa pinakamahusay na aktres ng ating pinilakang tabing. Iilan lang ang pwedeng mag-switch to comedy from drama and vice-versa. Para saan pa't tinawag siyang Diamond Star. 'Ika nga sa Ingles... diamonds are forever.

Monday, January 21, 2013

Karsunsilyo

Good Monday morning mga 'teh! Still, malamig pa rin at naway magpatuloy ang ganitong panahon hanggat maari. Box-office nga daw sa Tagaytay at Baguio sa dami ng utaw. Kainggit sila! Bueno, rarampa din akez diyan pag nakaluwag ng oras.

Para mas lalo tayong ganahan ngayon umaga, bukod sa mainit na pandesal at white coffee, dagdagan natin ang ating aalmusalin. Starting with...

Nate Burkey
Member siya ng Philippine Azkals at na-feature last year sa Cosmo Men. Rumampa din siya sa Cosmo Bachelor Bash at sabay-sabay nalerki ang 'sangkabaklaan at 'sangkababaihan nang lapirutin niya si junjun onstage. Kitang kita sa litrato ang ibidinsya de vaaahhh?! Ewan ko kung pinapatigas ba niya o sumabit lang sa karsunsilyo niya. Kayo na ang bahalang mag-isip. Basta ako, inosente ako sa ganyang bagay. CHAREEENG!!!

Clint Bondad
Sunod naman nating tikman ang look-a-like ni fafah Gerald Anderson. You know naman I'm into guys with carpeted fes and chest kaya nginig keps akey nang makita ko ang pica na yan. In demand ang lolo niyo ngayon at sinakop niya ang print at commercial modelling. Siya 'yung sa Smart TVC na nakipagkita sa syota niya sa rooftop ng building.

Sam Ajdani
Siya naman ang dessert natin. According to resources (wit ko nga lang knows kung reliable) eh half-Persian siya at currently studying sa University of the East. Saang UE kaya? Sa Recto  o sa Caloocan? Swerti naman ng mga beki doon. Baka madaming mag-magna cum laude sa sobrang pagka-inspired.

Saturday, January 19, 2013

Defrost

Ang haba ng borlogs ko ngayon mga 'teh. Todong nashogod yata ang katawang lupa at utak ko sa dami ng mga bagong termino na pinag-aralan ko sa loob ng limang araw. May mahigit sampung araw pa akong mag-aaral. Wit sana akong matuyuan ng neurons. CHOS! Ang lamig din ng panahon. Na-late yata kasi dapat ganito ang weather kapag magpapasko de vaaahhh?! May nagpapainit ba sa inyo? Pwes ako wala kaya 'wag kayong mang-inggit. Magkukumot na lang akez. ANG PAIT!

Delayed din dumating ang Christmas gifts ko for myself na inorder ko online. Nalerki yata ang QC Post Office sa dagsa ng padala mula sa iba't ibang panig ng mundo kaya 'di magkamayaw ang mga kartero sa dami ng padadalhan ng notice.

Simula umpisa, sinubaybayan ko ang Twilight series. Balak kong kumpletuhin ang DVD copies ng limang pelikula. Todong nadismaya ako sa DVD version na ini-release ng Viva Video para sa unang installment. Hindi kasi widescreen kaya umangkat pa ako sa Amazon. Sulit naman dahil bonggang three-disc deluxe edition ang nakuha ko sa moraytang halaga. Sa eBay ko naman inorder ang DVD ng A Frozen Flower ni fafah Jo In Sung. Kung pinapantasya niyo ang Korean actor na 'to, 'wag niyong palampasin ang pelikulang itech. Made-defrost ang frozen flower niyo sa dami ng kangkingan ditey. SARAP!

Binigyan din ako ni Ateh Paul ng gift. Tekaluk...

Punong-puno 'yan ng piktyurakas at impormasyon tungkol kay fafah Robert Pattinson. Ang gwapo talaga niya. Kung ako din si Kristen, gagawin ko ang lahat 'wag lang siyang mawala sa aking piling... matapos kong tumikim ng ibang putahe.

Thursday, January 17, 2013

JV

Disclaimer: The views and opinions expressed on the comment section do not necessarily state or reflect those of the blog writer and the blog site. I thank you.

Tanong Lang: The Halalan 2013 Edition

Ilang borlogs na lang at todong botohan na naman. Bilang paghahanda, sisimulan kong ang Tanong Lang: The Halalan 2013 Edition. Magtatanong ako sa inyo bawat linggo kung bet niyo bang iboto ang kandidatong aking babanggitin. Isang linggo bago ang halalan, maglalabas ako ng unofficial tally ng pulso ng 'sangkabaklaan para sa halalan. YES! Direct competitor ako ng SWS at Pulse Asia. Ganun ang levelling! CHAROT!

Simple lang ang ita-type niyo. OO o HINDE. Ilagay sa comment box ang sey niyo. Wit required magpakilala at maglagay ng bonggang eksfleneyshon pero kung like mo, GO LANG! Basta hindi malalagay sa alanganin ang byuti kez. Kung hindi ko man i-approve ang comment niyo sa kadahilanang baka ma-Anti Cybercrime Law akekels, don't worry dahil counted pa rin ang boto niyo.

***

Joseph Victor "JV" Ejercito Estrada
♫ Iba na ang kabataan
May silbi't pag-asa
May pusong nakalaan
Tungo sa ginhawa ng lipunan... ♪

Makuha kaya niya ang boses ng Youth of the Nation?

Sunday, January 13, 2013

Nabighani

Solo flight kong pinanood kanina ang One More Try sa SM North. Matagal ko nang plano 'to at sa wakas eh natuloy. Madami kasing alingasngas ang pelikula. May bongga at chaka kaya bet ko makita para malaman kung ano ang magiging opinyon ko.

One More Try (2012)
Star Cinema
Directed by Ruel S. Bayani
Starring Angelica Panganiban, Dingdong Dantes, Zanjoe Marudo and Angel Locsin

Six years ago eh umakyat sa Baguio si Edward (Dantes). Nabighani siya sa byuti ni Grace (Locsin) at may nangyari sa kanila. 'Di alam ni babae na may syota si lalake. Imbes na magalit, nanahimik na lang siya kahit najontis siya. Fast forward sa kasalukuyan. 'Di mabigyan ni Jacq (Panganiban) ng anak si Edward. Muntik na silang magkaroon kaya lang nalaglag dahil busy sa pagpapayaman ang loka. Si Grace naman, happy na sa jowang si Tristan (Marudo). So what's the complication? May sakit ang bunga nina Grace at Edward at nangangailangan silang gumawa ulit ng panibagong beybi para magamit ang bone marrow nito.

Friday, January 11, 2013

Menu

Back being busy ang byuti ko mga ateng! Naninibago sa iskedyul at bonggang lokasyon ng bagong trabaho pero keri lang para tuloy ang daloy ng andalusha. May nag-suggest sa inyo na i-feature ko sina Joachim Milner at Holdem Del Torro. Nakalimutan ko nga lang i-search sila agad-agad! Waley akong makita kay Holdem tapos nung si Joachim na... JUICE KOH! Hindi ko napaghandaan! Akala ko nung una eh pa-wholesome. Ang amo kasi ng fes at inosente ng eyes...


Wednesday, January 9, 2013

Impatso

Magsisimula na ako sa bago kong trabaho mamaya. Kahit medyo may kalayuan sa aking tinitirhan, wit na akez umarti at baka gutom ang abutin ko. Speaking of gutom, alamin kung saan lang ako kakain this 2013...


Almusal, tanghalian, meryenda, hapunan, midnight snack o basta makaramdan lang ng gutom, kesehodang maimpatso akekels, order lang sa McDo. Ganyan ko kamahal si Vince Ferraren. Hooray na hooray ang puuu(ke)so ko sa kanya. EEEEHHHHH!!!

Monday, January 7, 2013

Cynthia

Disclaimer: The views and opinions expressed on the comment section do not necessarily state or reflect those of the blog writer and the blog site. I thank you.

Tanong Lang: The Halalan 2013 Edition

Ilang borlogs na lang at todong botohan na naman. Bilang paghahanda, sisimulan kong ang Tanong Lang: The Halalan 2013 Edition. Magtatanong ako sa inyo bawat linggo kung bet niyo bang iboto ang kandidatong aking babanggitin. Isang linggo bago ang halalan, maglalabas ako ng unofficial tally ng pulso ng 'sangkabaklaan para sa halalan. YES! Direct competitor ako ng SWS at Pulse Asia. Ganun ang levelling! CHAROT!

Simple lang ang ita-type niyo. OO o HINDE. Ilagay sa comment box ang sey niyo. Wit required magpakilala at maglagay ng bonggang eksfleneyshon pero kung like mo, GO LANG! Basta hindi malalagay sa alanganin ang byuti kez. Kung hindi ko man i-approve ang comment niyo sa kadahilanang baka ma-Anti Cybercrime Law akekels, don't worry dahil counted pa rin ang boto niyo.

***

Cynthia Villar
♫ Ganito man akooohhh
Simpleng taooohhh
May hanep buhay ako
Mula sa'yo...♪

Magiging hanep nga ba ang buhay kay Mrs. Villar?

Sunday, January 6, 2013

Retokada

May bonggang pa-audition sa 'sangkabaklaan para sa isang gay indie film at tayez ang bida ditey. Mga beaukonera between the ages of 18-45 years young. Pwede daw ang natural na ganda pero mas like nila 'yung todo retokada na. Parang ito...

♫♪ Alin, alin, alin ang naiba? Isipin kung alin ang naiba? ♪♫ Walang habas ko talagang inihanay sa kanila ang byuti ko. FEELINGERA! Ang dami nilang hinahanap kaya kung pasok sa banga ang byuti niyo, send na ng application via email na nasa itaas. Malay niyo eto na ang BIG break niyo.

Saturday, January 5, 2013

Mensahe

May pabati pala sina congressman at councilor sa atin...


Ay! Kasama pala si misis. Tanong lang:
  • Bakit mas malaki ang pangalan at fecture ni misis kay mister?
  • Bukod sa pabati, anong mensahe pa ang nais nilang iparating?

Balbas

Kaabang-abang sa primetime TV ngayong 2013 ang Kahit Konting Pagtingin starring Angeline Quinto, Paulo Avelino at Sam Milby. 'Di tumigil ang paglalaway ko kay fafah Sam na nagsimula pa sa unang season ng Pinoy Big Brother. Tapos anseksi pa ng patubo niyang balbas. Parang ang tulis at sarap magpatusok! Keri rin naman si Paulo. Arte pa ba me? Bet ko naman ang pagkanaturalesa ni Angeline. Wit ko feel ang pagiging showbiz ispeyshali sa mga inteviews niya.

Sa teaser pa lang, mukhang kakaiba ang offer ngayon ng Kapamilya Network. Not the usual nawawalang anak at hinahanap ng magulang. Fresh dahil may comedy at mala-Cinderella ang dating. Eto rin ang hudyat nang bonggang comeback ni John Lapus sa ABS-CBN kaya sure ball ang tawanan sa seryeng itech.

Nakakaaliw ang videoke version ng theme song na kinunan sa Quezon City Memorial Circle. Watch niyo...

Wednesday, January 2, 2013

Pinalad

Sumabay sa pagpasok ng 2013 ang panibagong karangalan para sa lahing kayumanggi. Nanalo bilang Miss Tourism International 2012/13 ang Cebuanang si Rizzi Alexis Gomez. Talbog ang mga dilag all over the world sa taglay niyang talino't byuti. Bongga ang pagandahang itech dahil may kanya-kanyang titulo at korona ang runners-up...
  • Miss Tourism Metropolitan International 2012 - Australia  
  • Miss Tourism Global International 2012 - Venezuela  
  • Miss Tourism Cosmopolitan International 2012 - Paraguay  
  • Dreamgirl of The Year International 2012 - Malaysia 
  • Miss South East Asia 2012 - Thailand

Tweynitu years old ang lolah niyo at isang registered nurse. Sinubukan niyang mag- Binibining Pilipinas at Miss World Philippines ngunit sa Mutya ng Pilipinas siya todong pinalad. Bagay na bagay sa kanyang ang mottong "try and try until you succeed".

Tuesday, January 1, 2013

Inspirado

Tatlong taon na tayong naglalandian mga 'teh! Salamat sa pagtya-tiyaga niyo sa kung ano man ang ihanda ko, mapa-pulitika man, balita, lalake, kontes, pelikula at kung ano pa man. Salamat din sa mga nagpapadala ng sulat upang magbahagi ng kanilang karanasan o humingi ng opinyon.

Napatunayan kong hindi biro ang magsulat. Maraming dapat isaalang-alang ngunit patuloy akong nagiging inspirado dahil sa suporta niyo. Nawa'y mas marami pa tayong pagsaluhang masasarap na putahe na bubusog sa ating diwa't kaisipan ngayong 2013.

Cheers to more years of kabaklaan and happiness!