Friday, August 28, 2015

Ngiwi

Remember the video I shared about Afghan teens fighting to have a better life in the UK? Medyo naging kontrobersyal ang palitan ng komento natin doon. Now, I would like to share another issue of the world na nakababagabag din. Kung waley kayong ginagawa at naghahanap ng mapagkakaabalahan, I would advise you to watch the entire documentary...



This is really disturbing mga ateng! I can't imagine kung anong klaseng pambababoy ang pinagdaraanan ng mga batang Pakistani and we are talking about 7, 8, 12 or 13 year-old boys. Nakangiwi yata ako buong 47 minutes habang pinapanood itey. Kung 'yung ibang documentary, bini-blur at binabago ang boses ng mga involved, dito eh walang habas na inexpose. KALURQS!

Hindi ko maintindihan 'yung part na alam nung konduktor na against sa religion ang kanilang ginagawa but they're helpless against their desire. As I watched the video, napansin ko na parang wala halos merlat na naglalakad sa daan. Puro otoko! Bata man o matanda, panay lalaki ang nadaanan ng camera.

Mind you, hindi tinalakay dito ang paksang homosekswal. Mga straight guys itey na nagpaparaos sa pamamagitan ng mga yagit. Mas normal daw makakita ng lalaking may kasamang batang lalaki kesa sa dalaga dahil takaw pansin. Ganun?!?

I can't help but to pity and be heartbroken for Naeem, the main character of the documentary. Walang makain, walang pang-drugs, eh 'di magbenta ng laman. Todong nakakalungkot. Hindi keri ng powers ko ang pinagdaanan niya. At hindi lang siya ang gumagawa nun, marami sila.

Child prostitution and pedophilia is not an exclusive concern in Pakistan. 'Wag tayong magmalinis dahil meron din sa atin niyan. Mga batang pinagsho-show sa web cam o 'di kaya hinahalay ng kamag-anak o kapitbahay.

Let's just hope that one day, these will be all gone. 'Wag tayong mawalan ng pag-asa dahil 'ika nga nila, habang may buhay, may pag-asa.

Sunday, August 23, 2015

Kwela 20

Nosy Suzy #25
Espesyal Komiks
Oktubre 27, 1997
Taon 40 Blg. 2284
Atlas Publishing Co., Inc.

Espalto

Korina and Mar at Keri Beks
Si Mar Roxas na nga ang pinitas ni PNoy sa hardin ng MalacaƱang Palace para ipagpatuloy ang pag-espalto sa "tuwid na daan". Kaya pala aktibong aktibo si Ate Koring sa kanyang Instagram page. Nagkaroon nga ng Keri Beks sa Araneta Coliseum at nagsama-sama ang ilang sikat na beks like Vice Ganda and Maria Sofia Love to show some support. May mga natuwa at siyempre, may bumatikos. Oh well, you can't please everybody. Let's just see kung pangmatagalan ba ang bonggang suporta nina Mar at Koring sa lahi natin o hanggang Araneta lang.

Ilang linggo ko nang inuulit-ulit sa aking playlist ang kantang 'yan ni Tove Lo. Paano ba i-pronounce ang name niya? To-ve Low or Tov Low? Anyways, walang kiyems at todong derechahan ang lyrics nito...

♫ Now if we're talking body
You got a perfect one
So put it on me
Swear it won't take you long
If you love me right
We fuck for life
On and on and on ♪

Kaya hanap na tayo ng jowang perfect ang body para may fuck for life hanggang sa mamaga at mag ala-chicharong bulaklak. CHAROT! Well, isa lang naman ang perfect for me. Kahit siguro pagbali-baliktarin ang mundo, si Mike Concepcion pa rin ang iibigin ko...

♫ You got that James Dean daydream look in your eye... ♪
Beh, i-remake natin ang Lalaki sa Parola. Bet? Ahihihi!
Kahit magtago ka pa diyan, mahahanap ka pa rin ng puso ko ♥
Wait mo ko beh, bihis lang me.
*Photos from thisiskorinasanchezroxas and michaelconcepts Instagram accounts.

Tuesday, August 18, 2015

Tinangay

It is sad to know that another fantasy of our kingdom passed away. Binawian ng buhay si Marcelo "Ozu" Ong, isa sa miyembro ng boy group na Masculados Dos matapos barilin ng mga hindi pa nakikilalang suspek. Ayon sa balita, pauwi na ang biktima sa bahay nila sa Angono, Rizal nang sundan ng mga hinihinalang carjacker. Matapos ang krimen ay tinangay ng mga ito ang cellphone at bonggang sasakyan ni Ozu. Naitakbo pa siya sa ospital ngunit hindi na nasalba. This is really heartbreaking.

Kahit na binawian na ng buhay, pinakasalan pa rin siya ng long time live-in partner na si Vassyleen San Louis. Plano sana ng dalawa na magpakasal this coming December ngunit sa kasamaang palad ay hindi na matutuloy.

Facebook friend kami at infairness sa kanya, super bait. Hindi suplado sa fans. I remember he offered me package of gluta. So aside from his showbiz commitments, may sideline pa siya. Such a hardworking guy.

Hopefully, justice will prevail for Ozu. May his soul rest in peace.

Saturday, August 15, 2015

Lehitimo

July 30, Thursday, ay tinawag lahat ng mga nagsipag-apply sa Queen of Quezon City para sa screening. Luckily, rest day ni BFF Kriselda kaya naayusan niya ako't nasamahan para dito. Kinailangan magdala ng mini white dress, blue swimsuit at high heels. Siyempre, bilang Tipid Queen of the Century (binigyan ko talaga ng title ang sarili ko), naghagilap ako ng pinakamura at bonggang isusuot. Wala naman kasi akong handler na magbibihis sa akin. Sinuyod ko ang Isetann Cubao at Market! Market! Witchells naman akong nabigo at sa halagang 620 peysosesoses ay may outfit na akez.

Sa bahay na ako minake-up-an ni BFF para daw relax ako. Nasira pa ang hair plantsa niya while doing my hair. Buti na lang at likas akong kulot kaya nagawan niya ng paraan. Inikot by batch ang hair at inipit. Like this oh...

Beauty queen smile kahit oily na ang ilong
Bago mag-alas cuatro ay nasa venue na kami, sa likod ng QC Hall. Mabilis at mura ang biyahe, thanks to Uber. 'Wag kayong ano diyan LTFRB. TSEH! Going back, ipinasa ko ang missing requirement ko which is a copy of my voters ID. Dapat kasi lehitimo at botante ng QC ang sasali. Born and raised ako sa City of the Stars kaya no problemo sa identification.

Ganito pala ang feeling ng #GGSS
Pagpasok sa dressing room, JUICE KOH! Mga beterana, susuhan, pukihan, makikinis at kagandahan ang makakalaban ko. Sina Justine Ferrer ng Survivor Philippines at Aya Garcia ng Super Sireyna ang dalawa sa pinakasikat. Nahiya bigla ang pang-fifteen years old kong bra. Ang conservative pa ng white dress ko. May mga nakilala naman ako like Francis, Iya at Trisha.

Justine Ferrer and Aya Garcia
Pang-24 ako at 16 pa lang ang natatawag. 20-30 minutes per applicant kasi photoshoot and interview ang pagdaraanan. Mga bandang 6 PM na ako tinawag. Struggle ang photoshoot dahil wala naman akong karanasan ditey. Smile, wonder woman pose, pose to the left, hands on your waist mga ganun! Mga ilang minuto lang ang inantay ko bago ako natawag for interview. Video recorded at pinaikot muna ako para makita ang kurba ng katawan. Tatlo silang interviewers - dalawang otoks at isang merlat. Si Soxy Topacio lang ang kilala ko. Kinakabahan pero mas komportable ako dito. Konting background about myself - age, educational background, profession, hobbies etc. May mga tough questions like lahat daw ng kandidata sinabing masaya at tanggap sila ng pamilya. Ano daw bang difference ko sa kanila? Medyo nawindang ako so I just said na hindi ko maikukumpara ang sarili ko sa iba kasi hindi ko naman alam ang mga sinabi nila during the interview. Then he changed the question which I cannot remember anymore. Basta ang sinagot ko, hindi lang pageantry ang passion ko. Marami akong interest in life. Nako, tae-tae na sagot ko ahahaha!

BFF Kriselda and some dyosas of Queen of QC
May pasok pa ako sa work kaya bago lumarga at todong nagpa-picture muna ako sa ibang kandidata. Dito ko nakilala ang isa pa nating tagabasa, si Maria General. She's so sweet in person. Fave daw niya 'yung post ko sa mga lalaki sa tren. Infairness, marami nga sa inyo ang paborito 'yon.

August 3, Monday, via Facebook ay nalaman kong hindi akez nakapasok sa top 29. Na-sad ako mga ateng kasi sayang ang 300K na premyo. Chance ko nang makatikim ng mamahaling lalaki eh. CHOS! Mukhang pera ang bakla. Keri na akez ngayon. I am wishing best of luck to all the girls na nakasama especially to sissy Maria General. Support natin siya mga ateng!

Sissy Maria General

Thursday, August 13, 2015

Kwela 19

Nosy Suzy #19
Espesyal Komiks
Setyember 29, 1997
Taon 40 Blg. 2276
Atlas Publishing Co., Inc.

Wednesday, August 5, 2015

Sugapa

Ala-sais ng umaga, ako'y antok na antok, 'sing laki ng maleta ang eyebags at pababa ng MRT para jumuwelay mula sa trabaho nang ibigay sa akin 'to ng isang lalaki...

ABA! Sina lolo't lola, gustong kumbinsihin si titah Grace na tumakbo sa susunod na halalan. KALOKA! Keri lang kasi madami naman nagmamahal sa kanya pero 'wag naman sa ganitong paraan. Pwedeng gamitin 'to ng mga detractors niya at pagbintangan siyang maagang nangangampanya.

Hayaan muna natin siyang mag-isip nang mabuti. Mukha namang hindi siya sugapa sa posisyon at hindi basta-basta susunggab sa isang bagay na hindi siya handa. She's an intelligent woman and whatever decision she will come up with, I know it's for the good of the Filipino people especially of her believers. Parang Justin Bieber lang. Ganun!

Saturday, August 1, 2015

Papuri

Sa wakas ay ipapalabas na sa Pilipinas ang critically-acclaimed movie ni Brillante Ma. Mendoza starring our Superstar Nora Aunor. Ilang beses nang umani ng bonggang papuri outside the country and now is the perfect time to watch this masterpiece. Alamin kung bakit nga ba ito naimbitahan sa Cannes Film Festival at ngayon, sa Gijon International Film Festival in Spain. Iba talaga kapag si idol ang nagkaka-pelikula. International levels ang labanan! Tuloy lang ang laban Ate Guy!

Catch Taklub as the opening film of Cinemalaya 2015 this coming August 7 and 8 at Greenbelt 3 cinemas in Makati.