Saturday, August 15, 2015

Lehitimo

July 30, Thursday, ay tinawag lahat ng mga nagsipag-apply sa Queen of Quezon City para sa screening. Luckily, rest day ni BFF Kriselda kaya naayusan niya ako't nasamahan para dito. Kinailangan magdala ng mini white dress, blue swimsuit at high heels. Siyempre, bilang Tipid Queen of the Century (binigyan ko talaga ng title ang sarili ko), naghagilap ako ng pinakamura at bonggang isusuot. Wala naman kasi akong handler na magbibihis sa akin. Sinuyod ko ang Isetann Cubao at Market! Market! Witchells naman akong nabigo at sa halagang 620 peysosesoses ay may outfit na akez.

Sa bahay na ako minake-up-an ni BFF para daw relax ako. Nasira pa ang hair plantsa niya while doing my hair. Buti na lang at likas akong kulot kaya nagawan niya ng paraan. Inikot by batch ang hair at inipit. Like this oh...

Beauty queen smile kahit oily na ang ilong
Bago mag-alas cuatro ay nasa venue na kami, sa likod ng QC Hall. Mabilis at mura ang biyahe, thanks to Uber. 'Wag kayong ano diyan LTFRB. TSEH! Going back, ipinasa ko ang missing requirement ko which is a copy of my voters ID. Dapat kasi lehitimo at botante ng QC ang sasali. Born and raised ako sa City of the Stars kaya no problemo sa identification.

Ganito pala ang feeling ng #GGSS
Pagpasok sa dressing room, JUICE KOH! Mga beterana, susuhan, pukihan, makikinis at kagandahan ang makakalaban ko. Sina Justine Ferrer ng Survivor Philippines at Aya Garcia ng Super Sireyna ang dalawa sa pinakasikat. Nahiya bigla ang pang-fifteen years old kong bra. Ang conservative pa ng white dress ko. May mga nakilala naman ako like Francis, Iya at Trisha.

Justine Ferrer and Aya Garcia
Pang-24 ako at 16 pa lang ang natatawag. 20-30 minutes per applicant kasi photoshoot and interview ang pagdaraanan. Mga bandang 6 PM na ako tinawag. Struggle ang photoshoot dahil wala naman akong karanasan ditey. Smile, wonder woman pose, pose to the left, hands on your waist mga ganun! Mga ilang minuto lang ang inantay ko bago ako natawag for interview. Video recorded at pinaikot muna ako para makita ang kurba ng katawan. Tatlo silang interviewers - dalawang otoks at isang merlat. Si Soxy Topacio lang ang kilala ko. Kinakabahan pero mas komportable ako dito. Konting background about myself - age, educational background, profession, hobbies etc. May mga tough questions like lahat daw ng kandidata sinabing masaya at tanggap sila ng pamilya. Ano daw bang difference ko sa kanila? Medyo nawindang ako so I just said na hindi ko maikukumpara ang sarili ko sa iba kasi hindi ko naman alam ang mga sinabi nila during the interview. Then he changed the question which I cannot remember anymore. Basta ang sinagot ko, hindi lang pageantry ang passion ko. Marami akong interest in life. Nako, tae-tae na sagot ko ahahaha!

BFF Kriselda and some dyosas of Queen of QC
May pasok pa ako sa work kaya bago lumarga at todong nagpa-picture muna ako sa ibang kandidata. Dito ko nakilala ang isa pa nating tagabasa, si Maria General. She's so sweet in person. Fave daw niya 'yung post ko sa mga lalaki sa tren. Infairness, marami nga sa inyo ang paborito 'yon.

August 3, Monday, via Facebook ay nalaman kong hindi akez nakapasok sa top 29. Na-sad ako mga ateng kasi sayang ang 300K na premyo. Chance ko nang makatikim ng mamahaling lalaki eh. CHOS! Mukhang pera ang bakla. Keri na akez ngayon. I am wishing best of luck to all the girls na nakasama especially to sissy Maria General. Support natin siya mga ateng!

Sissy Maria General

4 comments:

  1. ay sayang naman , ikaw pa naman sana ang bet kong manalo diyan he he ... better luck next time Ateng : )

    ReplyDelete
  2. -Teh Edgar, thanks ateng! Don't lose hope, never give up ang peg! ;)

    ReplyDelete
  3. sayang naman. mas maganda ka naman kesa sa ibang napili.

    ReplyDelete