Valentine's Day. Para sa isang tulad ko na walang jowa at hindi pa nakakaranas niyan, it's just like an ordinary day. Mas madami nga lang nagbebenta ng flowers at stuff toy sa daan. I used to post bitter status or tweets about it, but as I mature, bakit ko pipiliing maging mapait sa gitna ng katamisan? Single people can still celebrate this day, with or without jowa.
***
Speaking of Valentine's Day, nasa Mercury Drug ako kanina nang magkaroon ng komosyon sa labas. Tinangay ng dalawang pulis ang mga tindang bulaklak sa bangketa ng isang tindera.
Cashier 1: "Bakit hindi na lang nila pagsabihan? Bakit kailangan kunin ang paninda?"
Guard: "Wala na 'yung puhunan nila."
Cashier 2: "Kawawa naman. Baka ibibigay na lang ng mga pulis sa jowa nila. Kapag hinuhuli nila at hindi tinutubos, sa kanila na 'yan eh. Kapag pagkain, kinakain nila."
Cashier 1: "Tayo nga nahoholdap, hindi nila mahuli-huli 'yung mga holdaper."
Ako: "Wala eh, malakas ang kapit nila. Protektado sila. Lahat nang gusto nilang gawin, magagawa nila."
***
Sa paglalakad ko araw-araw, iba't ibang mukha ng Pilipino na apektado ng pandemya ang nakakasalubong ko - si mamang sorbetero karay ang kanyang mabigat na kariton, si mamang magtataho pasan ang kanyang tinda, si kuyang magbabalot na halos mamaos kakasigaw, si kuyang construction worker na nag-aantay ng masasakyan, ang bagger sa supermarket na nagmemeryenda sa gilid ng daan, si nanay na galing palengke bitbit ang pinamili, ang tindera na frustrated rin sa mahal ng bilihin, mga jeepney driver na putol ang byahe dahil sinara ang u-turn slots sa EDSA, sina inay at itay na hingal-kabayo kakaakyat sa matatarik na overpass, at marami pang iba.
Mga karaniwang tao na tila ba pagod na sa nangyayari sa bansa.
Kailan ba tayo uunahin ng mga namamahala?
No comments:
Post a Comment