Wednesday, September 30, 2015

Kantatera

May bago akong paboritong kantatera! Si Jesse Glynne, isang English singer na todong sumikat nang ma-feature sa kantang Rather Be ng Clean Bandit. Since then, nagtuluy-tuloy na ang pag-akyat niya sa UK charts with the hit songs My Love and Real Love. Puro love ha!

Jesse Glynne
Nang ma-release ang debut album niyang I Cry When I Laugh, agad itong nag-number 1 sa UK at 25 naman sa Billboard 200. Karamihan ng mga kanta niya ay siya mismo ang sumulat. Infairness to her, inspiring at wholesome ang lyrics. Hindi nga ako masyadong sanay kasi alam niyo naman ang madalas kong pakinggan, kung hindi My Neck, My Back eh Anaconda. CHAR!

Currently, LSS ako sa single niyang Hold My Hand. Parang ang sarap kantahin sa isang lalaki habang kayakap siya sa MRT. Oo, diyan talaga ang bonggang setting kasi simula October 3 ay Beep card na ang gagamitin. No more magnetic cards. Naisingit ko pa talaga ang public service sa kalandian ko ahahaha!

Teka! Sino bang yayakapin natin sa tren? Sige, siya na lang. Cosmo bachelor, traveler, mowdel and host LA Aguinaldo...

ANG SHARAP! ♥

Thursday, September 24, 2015

Altarejos Cinema Experience

Unfriend poster
Kajujuwelay ko lang mula sa Altarejos Cinema Experience na ginanap sa UP Videotheque. Naabutan kong nagdi-discuss si direk Joselito Altarejos habang pinapalabas ang pelikulang Unfriend. Hango ito doon sa teenager na binaril ang jowa niya sa isang mall bago nagpakamatay. What a tragic movie mga ateng! Hindi kinaya ng puso ko. 

Director Jay Altarejos
May mga estudyante at manonood na kinausap at nakipagpalitan ng opinyon kay direk. Very intimate, entertaining but most of all, educational. Direk Jay is very articulate when it comes to delivering his side. Nga-nga akez! Very deep but understandable.

Ang Lihim ni Antonio poster
International Best Actor awarding
After Unfriend, pinalabas naman ang pinakapaborito kong gawa niya, Ang Lihim ni Antonio. I think kahit tumanders akez, wit ako magsasawa na panoorin itey. Malinis ang pagkakagawa, relatable ang istorya, magagaling ang mga nagsipagganap at ang sasarap ng kangkingan scenes. Dumating pa ang lead actor na si Kenjie Garcia na todong wafu at bango sa personal. Wit na aketch nahiya at nagpa-selfie na. I look familiar daw. AY! Baka napanaginipan niya na ako. CHAR! It was about the LoveYourself photoshoot na pareho naming dinaluhan a few years ago. Iniabot sa kanya ang best actor award na napanalunan sa isang international film festival. 

Nasobrahan sa filter ahahaha!
If you wanna look back to quality gay indie na gawang Pinoy, I highly suggest you attend this bonggang experience. Madami kayong matututunan. Here's the schedule:

September 24, Thursday - Sociopolitics in Pink Cinema
2:30 PM | Ang Lalake sa Parola
5 PM | Ang Laro sa Buhay ni Juan
7 PM | Kasal

September 25, Friday - New Experiments. New Wave. Revaluation
2:30 PM | Kasal
5 PM | Laruang Lalake
7 PM | Preview of New Feature (Siklo)

Ticket price is 100php per movie.

Monday, September 21, 2015

Batak

AY! Grabe naman ang caricature na itez! Ang hilig pa naman natin sa hunky boys with 8 layers of abs and 2 spreads of biceps. Tapos, kung sino ang may chanda romero, 'yun pa ang straight as a ruler. Baka masyadong lang judgmental ang nag-drawing nito. Sabagay, wit ko sila masisisi kasi marami na talagang beks ngayon na borta at panay ang batak sa gym. Buff na buff in printed sando or muscle shirt na halos kita na ang tagiliran ng katawan.

Actually, maraming chubby na cute sa paningin. Ang bibilog ng pisngi! Ang sarap yakapin at pirat-piratin ang fez. 'Yung ka-opisina ko nga, pinanggigigilan pa ang bilbil ni jowa. Tinanong ko nga kung bet ba niya ng machong BF. Ayaw daw niya ng mamaskels at para daw ang tigas 'pag niyakap. Eh gusto nga natin ng matigas, de vaahhh?! AY! Ibang tigas pala 'yun ahihihihi!

Kayo mga ateng, sa pula o sa puti? Sa 6 packs ba o sa dad bod? PILI NA!

Saturday, September 19, 2015

Kwela 22

Nosy Suzy #28
Espesyal Komiks
Nobyembre 6, 1997
Taon 40 Blg. 2287
Atlas Publishing Co., Inc.

Thursday, September 17, 2015

Queens and Misters

Gumora akiz sa PAG-IBIG kanina upang magbayad ng jutang. Ito lang ang tanging pag-ibig na meron ako. SYET! Okay pala na dumating ka ng 20 minutes before 5 PM kasi mas mabilis ang proseso dahil wala na masyadong tao. Mas nagmamadali ang mga empleyado na tapusin ang trabaho para maka-juwelay na sila. Tip 'yan para makatipid kayo ng oras sa mga government agencies. 'Lam niyo naman, ambabagal nila. CHAR!

Queen of Quezon City 2015 winners
All photos courtesy of OPMB Worldwide
Last September 12 ay kinoronahan na ang kauna-unahang Queen of Quezon City. 'Yan ay walang iba kundi si sissy Nikki Normanson. Bongga din ang mga runners-up dahil may title din sila - Lady Pride si Britney Madali, Lady Equality si Aya Garcia, at Lady Respect si Nadie Marie Fernandez. I loooove the titles! PAK! Pasok naman sa top 12 ang shupatemba nating si Maria General. Kavogue na kavogue siya sa rampahan. Look...


***

Mister International PH 2015: Reniel Villareal
Mister Global PH 2016: Rick Kristoffer Palencia
Mister Model International PH 2015: Arcel Yambing
Mister Tourism International PH 2016: Willan Pagayon
1st Runner-up: Don Mcgyver Cochico
2nd Runner-up: Kevin Fichera
Kinabukasan ay masasarap na otoko naman ang naglaban-laban para sa Misters 2015. Nanalo ang betsina nating si Reniel Villareal. Moreno, matangkas, matikas at gwapo, nasa kanya na ang lahat kaya siya ang todong makikipagtagisan ng sarap sa Mister International 2015 na gaganapin sa Nobyembre here in our precious country.

Akala ko ay magkaka-title ang pinadala mula Australia na si Rob Mcnamara. JUICE KOH! Tumagas talaga ang pozo negro ko sa kagwapuhan niya. Bet ko na ngang ngasabin ang hita niya na parang Chicken Joy. Wit ko knows kung bakit na-luz valdes siya. Hooongsarap kaya niya! Same din kay mamang pulis Don Mcgyver Cochico na first runner-up lang. Buti na lang at kahit papaano ay nasatisfy ang gutom ko kina Rick Palencia na nanalong Mister Global PH at Arcel Yambin na Mister Model International PH

KUNGRACHULEYSHONS!!!

Thursday, September 10, 2015

Lukaret

I'm done reading Beking Gangster. Salamat sa napakabagal na usad ng trapiko sa Kamaynilaan at kahit papaano, nagkaroon ako ng time makapagbasa ng libro. See! May mabuti pa ring naidudulot ang pahirap na 'yan.

Simple lang ang kwento ni Marian, ang bida sa kwento. College student na inlababo sa kababatang si Louie na na-bully naman ng grupo nina Oscar. To the rescue ang bakla with BFF's Toni and Karylle. Nakita ni tibamba Jet ang pangyayari at niligawan ang bida. Diring-diri ako sa G2G scenes pero buti na lang at mas maraming sweet moments sina Marian at Louie. Meron pang afam from France na mas pinalasa ang istorya.

Kung gusto niyong ngumiti at ma-good vibes, eto ang bonggang book para sa inyo. Nakakaaliw basahin at madaling intindihin. Matututo pa kayo ng updated Gay Lingo with glossary sa likod (wala naman yatang ganyan sa first page). Andaming eksenang nakakatawa. Baka nga napagkamalan akong lukaret kakangiti mag-isa in public eh. CHAR! Marian is a relatable character - matalino, matapang at 'di nawawalan ng pag-asa. Parang tayo lang kaya #hopiapamore! Isa lang naman yata ang wala nang hope eh, ang todong trapik sa kalsada. Hello Chairman Tolentino, are you there? 

Beking Gangster is available in all Precious Pages bookstore for only 79php. You can also read it online via Wattpad.

Tuesday, September 8, 2015

Ipataw

Matutulog na sana akey pero 'di pwedeng 'di ko ibahagi ang balitang itech, mga ateng! Isa nating shupatemba ang todong nahuli kasama ang isang Czech national na may ginagawang milagro sa parking lot ng Mango Square - sikat na gimikan sa Cebu.

Havey na havey ang naharvat ni sister. Look at her facial expression, parang proud na proud at bet pang rumound 2. CHAROT! Long lasting ang red lipstick niya huh! Ano kayang brand? Eto seryoso, bakit naman kasi hindi umeksena sa mas pribadong lugar? Ayan tuloy at nadakip sila.

Masyadong maikli ang caption para malaman natin ang buong pangyayari at i-judge ang dalawang nasangkot. Hayaan na lang natin ang kinauukulan kung ano ang dapat ipataw sa kanila. Samantala, heto ang mas malinaw na kuha ni koya...

Courtesy of King Anthony Perez
***
UPDATE: Narito ang malamang balita mula sa Sun Star Cebu...

(click the photo to read the full report)

Monday, September 7, 2015

Cosmo Bachelor Bash 2015

Medyo napaaga yata ang Cosmo Bachelor Bash 2015. Though September pa rin naman pero usually, sa kalagitnaan ng buwan ginaganap itey. Well, mas naging bongga ang event na carnival ang theme dahil sa Mall of Asia Concert Grounds ang venue. Open space at mas malawak! Parang tunay na concert na rin with "live" mike. CHAROT! At kung dati ay exclusive sa mga subscribers at promotions ang ticket, naging available ito for 300php kaya mas marami ang sumugod at nakapanood.

Masasarap ang Centerfolds 2015 which featured Daniel Matsunaga on the cover. Pasadong pasado sa panlasa ang Brazilian model na si Amadeo Leandro, half-German Clint Bondad, SM Youth model LA Aguinaldo at purong Pinoy JC De Vera. Keri na rin si Kirst Viray (parang napilitan pa 'ko). Pang-Candy Cutie naman itong sina Derrick Monasterio at Elmo Magalona. May abs na kasi kaya Bachelor na.

Dahil absent ako this year (just like last year), halikayo't samahan akez na namnamin ang sarap ng mga nagsipag-rampa sa karnabal... 

You will be my forever labs, Vince Ferraren
Photos courtesy of Cosmo.ph
Bachelor Bash is not complete with the man of the hour
Super gwapo Clint Bondad
Payakap ako Amadeo!
Pakili-kili ni LA Aguinaldo. Ambango siguro ahihihi!
Igiling mo pa Zeus!
Super gwapo si JC sa personal
Oo na, ikaw na ang pinagpala Erich. TSEH!

May video pa...


Agad din kumalat sa social media ang diumano'y pandadakma ng isang audience sa notey ni Alex Castro at panghihimas kay Alex Medina. Click niyo names nila para ma-direct kayo sa video. NAKAKALOKA! Pareho pa man ding Alex. I therefore conclude na lapitin ng manyak ang pangalan na 'yan. ECHOS! 

At sa mga ateh kong wit nakapagpigil, ilagay naman natin sa tamang lugar ang tawag ng laman. Ilang beses na rin akong naka-atteng ng Bachelor Bash at talagang nakaka-tempt hipuin ang pintuan ng langit. Kailangan lang talaga ng todong kontrol at distansya. 

'Til next year mga ateng!

Sunday, September 6, 2015

Kwela 21

Nosy Suzy #26
Espesyal Komiks
Oktubre 30, 1997
Taon 40 Blg. 2285
Atlas Publishing Co., Inc.

Friday, September 4, 2015

Misters 2015

Ang daming ganap nitong mga nakaraang araw - rally ng INC sa EDSA, ang patuloy na pagbango ng pangalan ni Duterte sa social media, ang kabi-kabilang aksidente sa daan at ang bonggang pagpaparamdam ng mga nagnanais tumakbo sa nalalapit na eleksyon. AY! Parang ambibigat niyan ah! Good news naman para maiba. BER months na at isa lang ang ibig sabihin niyan - PASKO NA! Oh yes! Feel ko nang kumanta ng All I Want For Christmas is You at Christmas In Our Hearts. I can't wait na maisabit ang parol sa may pintuan!

Speaking of the yuletide season, aagahan ko na ang Noche Buena. Wala munang quezo de bola at hamon. Ibang klaseng putahe ang todong pagsasaluhan natin mga ateng! Of course, mas masarap sa fudang. Walang iba kundi mga otoko.

Opisyal nang nagsimula ang tagisan ng kakisigan, kamachuhan at kafogian ng mga kasali sa Misters 2015. Bale ito 'yung 2nd edition ng Misters of the Philippines na pinaikli lang ang title. Tatlumpung ohms ang kasali at ang daming BET NA BET NA BET NA BET! May Mamang Pulis 2.0, may half-foreigners at siyempre, hindi mawawala ang lasa ng purong barako 'noh?!? 

Nagkaroon ng press preview ang mga misters last August 30 at sampu agad ang pumasa sa ating menu. Salamat kay Jory Rivera of OPMB Worldwide for the photos. Heto sila...

Ang Pinoy-Aussie na si Robert Mcnamara. Legs pa lang, ulam na!

Kung moreno ang weakness mo, pili ka lang kina Karan Singdole at Marcel Stulir. Infairness, parehong mabalahibo ang legs ahihihi!

Walang tapon! Lahat kain kay Rick Kristoffer Palencia.

Sa tsinito o sa Pinoy? Sino kina Jazzie Magne Vasquez at Reniel Villareal ang pipiliin mong iligtas kung lulubog na ang bangka? 

Cutie pie Willan Pagayon knows how to do the mowdelling for the economy. CHAROT!

John Edgar Adajar looks so manly at parang 'di sanay sa spotlight. I love his not so bato-bato body! College crushie naman ang dating ni Earlmond Ross Lee.

At eto na! Ang lalaking nagpatibok muli ng puso kong nahimlay nang matagal. Ang pulis na kung ako'y dadakipin, walang kiyeme kong tatanggapin. The newest king of our kingdom, Mamang Pulis Don Mcgyver Cochico...

OMG! He's so gwapo! My kind of guy ♥

Beh, mahalin mo lang ako, agad-agad ipagsha-shopping kita sa BNY, Hammerhead at Mr. Lee.  Sige na, please...