Friday, November 4, 2016

Magbaon

Mga ateng, kung meron kayong spare time na 10-15 minutes, I encourage you to participate in answering the PrEPPY Survey by LoveYourself and PrEP PILIPINAS. Very informative siya and at the same time, makakatulong kayo sa pangangalap nila ng impormasyon sa mga tulad natin. May papremyo pa! Hanggang Lunes, November 7 na lang itez kaya #TakeItTakeIt the opportunity.




Just a quick FYI: patuloy pa rin ang pagtaas ng mga bagong kaso ng HIV. Noong Hunyo lang, 841 ang new cases reported*. Mas mataas ng 9% from the same month last year at eto ang highest since 1984. That's like 28 cases a day. NAKAKALOKA!

Ayon din sa research, more than 50% of MSM (men having sex with men) are not using condoms*. So bareback ang peg. When I was browsing Twitter the other day, hindi na pala moderated ang social media site na 'yon. Members of the LGBT community are posting their wild sex encounters and videos with no censorship. May napanood nga akong threesome at foursome na halos wala talagang proteksyon at sige lang ang pagkembas sa tapur. Oh my! Ang taas ng risk para makagetlak ng HIV or any STDs. 

Again and again, hindi akez mapapagoda cold wave lotion na magpaalala sa inyo to always love and think about yourself first bago makipagchurvahan. Gumamit ng condom palagi. 'Wag masyadong adventurous sa sex at 'wag gawing peg ang bareback porniks. I know mahirap pigilan ang tawag ng laman at kung talagang makati kayo, magbaon ng proteksyon whether ikaw ang magbabaon o ikaw ang babaunan. Magtulungan tayo para labanan ito.

*Sources: Manila Times and UNAIDS

Thursday, November 3, 2016

Winners of Manhunt International 2016

Kumustasa ang long weekend niyo, mga ateng? Nagpunta ba kayo sa beach para magbakasyon o umattend ng Halloween party sa Valkyrie? Karamihan sa atin, pinili pa rin ang dalawin ang puntod ng ating mga minamahal. Napanood ko nga sa TV, may pet cemetery na rin pala located in Cavite. Iba kasi ang hatid na saya ng ating mga alaga kaya kapag nateggie agbayani sila, tila ba nawalan na rin tayo ng kapamilya.

Pagkatapos ng Undas, tuluy-tuloy na ang mga bonggang selebrasyon para sa nalalapit na Kapaskuhan. Excited na akong makakita ng mga parol sa daan. Sana mas marami ang magsabit sa kani-kanilang bintana at bakuran. Sunud-sunod na rin ang Christmas party ng mga kumpanya. Abangers tayez sa pa-raffle. Sino kaya ang todong makapag-uuwi ng blender, TV o 'di kaya washing machine? 

Don Mcgyver Cochico in his national costume for Manhunt 2016
Hindi lang mga bilatsi ang rumampa at lumaban para sa titulo last month, pati si #Gwapulis Don Mcgyver Cochico ay iwinagayway ang ating bandila para sa Manhunt International 2016. Apat na taon ang pagitan mula sa huling winnerva from the Philippines. At least, nag-resurrect ang isang kompetisyon na magpapainit sa ating mga nanlalamig na tilapia.

Manhunt 2016 winner: Patrik Sjöö from Sweden
1st runner-up: Hong Kong
2nd runner-up: England
3rd runner-up: Angola
4th runner-up: Brazil
Kahit wala sa winner's circle, pasok pa rin sa top 16 si Mamang Pulis. Not bad lalo na't sa China 'to ginanap. Piyesta din ang mga bakla sa dami ng masasarap tulad nina Mister Poland, Slovakia, Germany at Czech Republic. 'Di ko masyadong bet ang fes nung winner pero aarti ka pa ba kung ganito ka-hot ang wankata niya...

Ano kayang feeling kapag pinadaan natin ang dila sa abs niya? AAWWW! Para ang sherep nemen! Medyo angat talaga ang Manhunt kumpara sa ibang male pageants kasi walang havs kung magpictorial ang mga contestant in their sexiest swimwear or underwear. Willing na willing pa sila to have some fun in the sun, oh...

Boys, ako na magtatanggal ng tuwalya niyo
Ang kukulay ng mga bripang
Zoom in niyo kay Mr. Sweden at may malalasap kayo ahihihi!
Bukaka pa more
Boys, anong binabalak niyo?
AY! Ayan na sila. Gang bang na!
Bukod kay Mister Sweden at sa runner-ups, may isa pang pinagpala talaga sa kompetisyong ito. Wala nang mas suswerte pa kung araw-araw eh mapapaligiran ka ng mga nagsasarapang ohms lalo na kung ganito ka fierce ang awra mo...

PAK PAK PAK sa shiny foundation at lisptick si ateng! Oh de vaahhh, dedma siya sa sasabihin ng iba, basta kasali siya. 'Di rin naman siya umaktong pa-men na tinanggap naman ng Manhunt org so push talaga siya. Inggit much!!!

Monday, October 31, 2016

Salamat 6.0

Sunud-sunod ang pageant na sinalihan ng mga Pinay ngayon buwan. Bago matapos ang Oktubre, halikayo't reviewhin natin ang naging performance nila...

Miss Grand International 2016: Ariska Putri Pertiwi (Indonesia)
1st runner-up: Nicole Cordoves (Philippines)
2nd runner-up: Supaporn Malisorn (Thailand)
3rd runner-up: Madison Anderson (Puerto Rico)
4th runner-up: Michelle León (USA) 
Nicole Cordoves was declared as the first runner-up to Indonesia in Miss Grand International 2016 held in Las Vegas, Nevada. Our highest placement evah! This Thai-owned pageant is now on it's 4th year at bonggang na-invade na ang USA. Halos pareho ang format sa Miss Universe na meron ding pre-pageant kaya nagiging paborito na rin ng pageant fans. 

Kontrobersyal ang final Q&A ni Nicole dahil pinapili siya between Trump or Clinton. Nag-take siya ng risk at pinili si Trump. Here's what she said:
"Okay, you have to promise me that you would react after my first sentence.
"I would choose Donald Trump to stop the war and violence with me because if we choose him to switch to our side there won't be war and violence anymore.
"So, I will also make sure that he will read my speeches to stop the war and violence because imagine someone who would bring so much madness and so much emotion from these people. what if we use his voice to actually do good for the world? What if we use that to our advantage? That's why let's keep the peace and let Donald Trump switch to our side to stop the war and violence."
Medyo na-boo nga siya ng audience sa choice niya. Although brainy naman ang kuda niya, sa mga ganitong klaseng kompetisyon kasi, dapat isasagot mo 'yung magugustuhan ng mga utaw kesehodang hindi talaga iyon ang bet mo. Remember na laging malakas ang impluwensya ng audience sa desisyon ng mga hurado.

Miss Intercontinental 2016: Heilymar Rosario (Puerto Rico)
1st runner-up: Tracy Silva (Sri Lanka)
2nd runner-up: Silvia Commodore (Ghana)
3rd runner-up: Floriana Russo (Italy)
4th runner-up: Amal Karina Emer (Venezuela) 
Ipinasa ni Miss Russia kay Miss Puerto Rico ang korona ng Miss Intercontinental this year. Beauties from different region ang bumuo sa top 5. Nag-tie pa nga sina Miss Italy at Miss Ghana kaya kinailangan magbotohan ulit ng judges kung sino sa kanila ang magiging 3rd at 2nd runner-up. Alam niyo kung paano sila nag-decide? Pinatayo sila. Sa sampung hurado, anim ang tumayo sa African beauty kaya automatic na si Italy ang olats. Ang chaka ng ginawa nila! Pumasok naman sa top 15 si Philippines pero si Sri Lanka ang piniling Asia and Oceania candidate sa top 5.

Miss Earth 2016: Katherine Espin (Ecuador)
Miss Air 2016: Michelle Gomez (Colombia)
Miss Water 2016: Stephanie de Zorzi (Venezuela)
Miss Fire 2016: Bruna Zanardo (Brazil)
Latina domination ang nangyari sa Miss Earth 2016 from the main winner to her elemental court. Ang daming dirty chikas after the coronation night. Kesyo may nangyari daw sa winner at isang sponsor. Todo sa bitterness din si Miss Philippines. Peke daw ang boobs at ilong ng nanalo. Pati ang yellow Almodal gown na suot nito eh dapat daw sa kanya. KALOKA! 

Kapapasok lang na balita; nag-resign na siya bilang Miss Philippines Earth. Wit kineri ang kapaitan. Bigyan ng asukal, please.

Ano man ang nangyari, proud pa rin kami sa inyong tatlo. Salamat Jennifer, Nicole at Imelda for proudly wearing that elusive sash of our country.

GANDANG KAYUMANGGI, ANGAT AT WAGI! ♥

Miss International 2016 is PHILIPPINES!

Matapos lang ang tatlong taon ay muli na naman nating nakamit ang korona ng Miss International. AYLAVET! Si Kylie Verzosa ang napili ng mga judges last October 27 sa Japan. First runner-up si Miss Australia followed by Indonesia, Nicaragua and USA.

Kahit na pageant fanatic akez at talagang malakas na pambato si Kylie, hindi ako masyadong nag-expect na mananalo siya dahil nga kakagetching lang natin ng korona noong 2013. Pero dahil sa matinding preparasyon ng Binibining Pilipinas at ng Aces and Queens camp, nasorpresa ang karamihan sa naging resulta. We got our 6th MI crown!

I watched the telecast sa FB live at ang daming na-boring-an sa itinakbo ng palabas. Ganun talaga ang Miss International every year. Hindi sila nakikipag-compete sa production ng Miss Universe. 90's pa lang, ganyan na 'yan kaya sanay na ang tagasubaybay. Filipino designer Francis Libiran created her evening gown and national costume na inspired sa San Agustin Church. Bongga sa pagka-intricate ng details. PAK!

Kylie was very feminine, serene and fragile throught the pageant. Todo sa pagkahinhin! Dapat tularan ng malalanding tulad natin. CHOS! Ginawa niya rin ang signature pose niya na pagtalikod sa audience sabay lingon. Hindi nakakagulat na swak siya as one of the semifinalist. At nung speech portion na, she gave one of the strongest kuda ever in pageant history. 
     "Three things come to mind when I think of Miss International: culture, education, and international understanding. These 3 work together to make the brand of the Miss International beauty pageant relevant to the global community and to our time. 
     "If I become Miss International 2016, I will devote myself to cultural understanding and international understanding because I believe that it is by developing in each of us sensitivity to other cultures that we expand our horizons, tolerate difference, and appreciate diversity. All this enables us to achieve international understanding. And I believe that I am prepared to take on this responsibility."
KUNGRACHULEYSHONS, KYLIE!
MABUHAY ANG GANDANG PINAY!

Tuesday, October 25, 2016

Inidoro

Scroll-scroll ako ng status sa news feed nang makita ko ang post ng Maskara 1.2 #pasilipniadan. JUICE KOH! Ang tagal ko nang hindi nadidiligan pero nung inisa-isa ko ang mga larawan, todong umakyat lahat ng libido ko sa katawan at nabuhay si inner goddess 'ika nga ni Anastasia Steele sa librong Fifty Shades. At hindi pwedeng ako lang ang magpi-piyeste sa sandamukal na handa. Dapat lang na kasama kayo.

Kailangan niyo ng tubig, mga ateng dahil hindi niyo kakayanin ang hotness ng photoshoot na itez. Look...

Kinaya niyo ba si kuyang naka-upo sa inidoro? Eh si baby boy na tanging kamay lang ang takip sa putotoy? Ako, hindi ko kineri ang hashtag na #pasilipniadan. NAKAKALOKA! Ano kayang ipapasilip nila? Kaka-intriga huh!

Bente

3 days ago, nag-celebrate ng 19th anniversary ang Impossible Princess, 6th studio album ni Kylie Minogue. Nagdiwang ang #lovers (tawag ni Kylie sa fans niya) sa social media and posted their memorabilia of the album. Siyempre, bilang sawsawera ng bayan, hindi akez nagpahuli. I posted the two versions, cassette tape and CD.

I can't remember the exact year pero late 90's or early 00's nang mabili ko ang cassette tape sa halagang bente pesos. Sa SM pa 'yan kaya bongga! At nung nagka-extrang kayamanan, napabili ako online ng CD via Amazon UK.

This album is a little special to me dahil ito ang nag-introduce sa akin kay Kylie. I think I was only 13 or 14 during that time. Some Kind of Bliss was the first ever video na napanood ko featuring her. Then naloka ako sa pagkakagawa ng Did It Again video. Paanong nagsama-sama sa iisang video ang apat na Kylie at nagwarlahan pa?

The genre of Impossible Princess is unique and outstanding compare to all of her records. May pagka-rock/alternative ang tunog at very personal ang lyrics. Initially, I didn't like the sound of the non-singles pero mas na-appreciate ko siya nung medyo nagka-edad na. ARAY! So hard to accept that. CHOS!

Let's go down to memory lane and reminisce the music videos from Impossible Princess...

Wednesday, October 19, 2016

Nakatengga



I saw this on my news feed and immediately reposted it. Panahon na para ipasa ang Anti-Discrimination Bill na nakatengga sa kamara for 17 years already. NAKAKALOKA! Ganun na siya katagal and I'm glad that Congresswoman Geraldine Roman was elected. Pantay na karapatan ang nais namin. Wala kaming hangad na tapakan o yurakan ang nakagisnan natin tradisyon. 

Sure ako na may tatanggap at tataliwas na mga mambabatas dito. Siyempre, may ilan pa rin diyan na konserbatibo at makaluma ang paniniwala. Wala namang masama doon. Sana lang, mas maging bukas sila sa pangangailangan natin. Maging selfless at ibigay kung ano ang nararapat.

Aside from #ADB, may iba pang batas na kailangan ang LGBT community. Our Cosmo sisters are here to educate us sa mga batas na sana ay magkaroon tayo...

Hooongdami pala! This is a long battle and the Anti-Discrimination Bill is a good start kung maipapasa. Mga ateng, let's join Cong. Geraldine Roman on this fight. Bonggang i-Like ang post ang i-Share sa mga friends. It's time for us to have #EqualRights.

Tuesday, October 11, 2016

Putakti

Dahil pinuputakti ngayon si Agot Isidro, halikayo't kantahin natin ang isa sa pinakasikat niyang awitin. Op kors, I didikeyt this song to my poreber labs, Mike Concepcion...

♫ Alam kong meron ng iba
Sa kilos mo'y na dararama
Mukhang ako ay kinalimutan mo na
Wala ng masasabi di ba

Kapit mo kay lamig na
Pati halik mo'y wala ng gana
Maagaw ka man ng iba sa akin
Pag-ibig ko'y patuloy parin

Sa isip ko'y yakap ka pa
Sa isip ko'y walang iba
Mananatiling ikaw ang kapiling
Kahit sa isip ko lang lamang ♪





Sa Isip Ko is from The Best of Agot Isidro album released in 1996.

Shop Globally with Uskoop

Napadaan ako sa mall kahapon galing PhilHealth para sana bumayla ng CD. Matagal-tagal na rin kasi 'yung last purchase ko. Sad to say, paliit nang paliit ang espasyo ng mga record bars. Astroplus na lang ang matatag dahil wala na yatang Odyssey sa SM North. Nalungkot din ako sa range of choices dahil tila ba konti na lang ang gustong mag-produce sa CD sa bansa. I mean digital is good. It's part of the ever changing technology pero paano naman kaming mga kolektor? Well oh well, good news sa ating mga ateng at kuya dahil we can purchase online via Uskoop PH.

So what is Uskoop PH?
  • One-stop shopping-and-shipping service on one site
  • Prices are all-inclusive and Uskoop PH will take care of shipping, customs & taxes with insurance
  • Delivers to your doorstep anywhere in the PH via air 10-15 business days
  • No need to worry about credit card acceptance outside your home country
  • No need to pay US Sales Tax
  • No need to use a US shipping Address
  • Single checkout from different US online stores
  • Multiple Payment Options
  • Uskoop PH takes care of everything. You only have to tell what you want to buy and Uskoop PH will take care of everything from buying to shipping to your address to customer service and post-sale support
OMG! Salamuch at may ganito ng site to take care of our worries for ordering online. Hindi na tayo mai-stress sa nakakagulat na customs tax. At least, alam na agad natin ang presyong babayaran. Setting expectation kumbaga. Makakabuyla na akiz ng Nine Track Mind ni Charlie Puth, Blackout ni Britney Spears plus rare CDs of Victoria Beckham (self-titled album), Hits + of Kylie Minogue and The Remixes of Mariah Carey. Actually, hindi lang CDs at ang pwedeng mabili because you can purchase anything you want from their supported merchants like Amazon, Walmart, Macys, Zappos and more!

Siyempre, bilang wais na misis na wala pang mister, nag-compare ako ng prices sa ibang online shop...

Ang laki ng difference from 3 thawsan to 7 hams. BONGGA! I love Uskoop PH na! Kung interesado na kayong bumayla, just use the promo code USKOOPTEN% to get a discount worth 10% off on shipping and handling. Perfect for our Christmas shopping!

You can follow Uskoop PH on Instagram and on Facebook.

Matalas

Hindi na yata matitigil ang pagiging toxic ng Facebook dahil sa bangayan ng mga anti at pro Du30. Pati si Agot Isidro eh hindi na napigilang mag-post tungkol sa saloobin niya tungkol sa matalas na pananalita ng ating pangulo. At dahil feeling aping-api ang idolo nila, bwelta agad ang pro-Du30 at namersonal na. Eto ang todong below the belt na photo comment...

Wit naman lahat ng Du30 supporters ay natutuwa diyan. But really? Bakit ganyan na ka-unhealthy ang bangayan. Sabi kasi ng ilan, tinawag na psychopath ni Sugar (pet name ni Agot sa Oki Doki Dok) ang pangulo kaya dapat lang daw sa kanya 'yan. Talaga ba? Siyempre, nakarating agad kay Mocha Uson ang balita at agad-agad nag-interview ng ordinaryong Pilipino...

BONGGA! Kavogue na kavogue sina Mel Tiangco at Bernadette Sembrano sa interview skills niya. May dramatic background music pa. Parang Lingkod Kapamilya at Kapuso Foundation ang segment. PAK! Kaya pati si Maria Ressa eh threatened sa kanya. CHAROT! Ang dami din nagsasabi na halos lahat ng mainstream media eh bias daw sa pagrereport tungkol kay Du30. Sa trulili lang, natanong niyo na ba sa mga sarili niyo na sa tinagal-tagal nila sa industriya eh talaga bang bias silang maghatid ng balita? Na may kinikilingan sila at namimili lang ng ibabalita?

Anyways, I have my own opinion about our president...

Like it or hate it, I don't mind. Basta love love love pa rin tayo, mga ateng! ♥

Friday, September 30, 2016

The Best President We Never Had

"If you don't like me, I don't like you double"
Sen. Miriam Defensor-Santiago
1945-2016
Nakalulungkot na sa pagtatapos ng buwan na itey, namaalam na sa atin si Sen. Miriam Santiago. If I remember it right, mahigit apatnapung taon niyang pinaglingkuran ang sambayanang Pilipino. Nagsimula sa pagiging special assistant ng Secretary of Justice noong 1970 hanggang sa tumakbong pangulo ng bansa ngayong taon. Halos lahat, sinasabing siya ang the best president we never had. Kwento nga ni La Mudra, kung hindi daw nag-brownout noong 1992 habang binibilang ang mga boto, malamang, si Miriam ang nanalo.

She was my favorite senator along with Sen. Juan Flavier. Now, magkasama na sila sa langit. Madame senator, I just want to thank you for the service you've given to us. Thank you for the wonderful record and for inspiring the youth. Ikaw lang yata ang senador na minahal nang ganito kabongga ng mga kabataan. Your wit, intelligence and quotable quotes will stay with us for a long time. Isa ka sa mga dahilan kung bakit hanggang sa huli, may katalinuhan pa rin sa senado kahit na sinalakay ito ng mga action stars, comedian at boksingero. 

RIP, mi favorita senadora. 

Monday, September 26, 2016

Kapitan

Siguro ay napanood niyo na ang balitang 'yan sa Facebook. Samu't saring komento ang mababasa - may mga kumampi sa dalawang suspek at may nakisimpatya din kay kapitan. May mga chika na kaya daw nangyari iyon ay dahil sa pamba-blackmail ng biktima sa dalawa, hindi daw natanggap ang tamang bayad sa serbisyo, naakit sa 300K na pasweldo sana sa mga empleyado ng barangay at ipambibili daw ng iPhone7. Ano ba 'yun! The thing is, hindi natin malalaman ang tunay na nangyari kung walang aamin sa nangyari. Bilang nasa kapulisan na ang kaso, hayaan natin na sila na ang umasikaso nito. 

Kaya mga ateng, doble ingat sa mga sinasamahan natin. Looks can be truly deceiving. Dami pa namang masasarap na fuckboyz ngayon. Kahit ako, natetempt eh. Wa lang datung to pay them. CHAR! On a serious note, hindi natin alam ang takbo ng utak ng ibang tao kung hindi natin sila lubusang kilala. If we are going to hire someone for their service, dapat isaalang-alang ang kaligtasan natin. Kung dalawa sila at mag-isa ka lang, dapat mag-isip ka na. Itago din ang mga bagay sa kwarto o kotse na pwedeng magamit bilang armas. Kung meron man, dapat ikaw lang ang may access. Naka-lock sa compartment o cabinet. Well, iba yata sa kaso ni kapitan kasi mukhang kilala na niya 'yung dalawa. Hindi ka naman siguro papayag na bagong kakilala mo lang ang magmamaneho ng sasakyan. Siguro, mag-ingat na rin sa pagtitiwalaan. Alam niyo na, vulnerable tayo 'pag andiyan ang tukso. Dapat, mas strong ang presence of mind at 'di rin naman masama na minsan, may pagka-konting praning. It may save your life.

PS: LSS ako sa malutong at madahak na ubo ni Mike Enriquez. NAKAKALOKA!

Sunday, September 25, 2016

Waging-wagi

...ang Cosmopolitan Philippines for creating this video. Ang laking tulong para maliwanagan ang mga mamamayan sa tunay na isyu ng TransPinays. 'Yung mga nalalabuan kung iko-consider ba nilang beks o transgender sila, eto na ang kasagutan! Nosebleed akez habang pinanonood ang kuda nina Janlee Dungca, Em Millan, Lui Castaneda, Mikki Galang at Heart Dino. Ang husay niyo, mga ateng!

Saturday, September 24, 2016

Zarzuela

Can I Just Say:

Umay na umay na akez kay Sen. Leila de Lima at sa pagrereyna-reynahan niya sa senado. JUICE KOH! Para siyang si Kris Aquino na ayaw mawala sa limelight. Kailangan laging laman ng balita o nasa harap ng camera. Wala pa namang 100 days sa pwesto si Pres. Digong pero kung makaasta naman siya, ang dami nang pinatay na inosente daw sa droga. KALOKA! I know naman na dapat dumaan pa rin naman sa proseso ang lahat pero let Digong do his way. Kung nagawa nga niya sa Davao, pwede din niya gawin sa buong bansa. Love ko na rin itong si Director General Ronald "Bato" dela Rosa. Humorous pero seryoso sa trabaho. Bet ko ang way niya nang pambabara sa mga nanggigisa sa kanya sa hearing. Dapat dedmahin na niya ang imbitasyon sa bawat pagdinig at nasasayang lang ang oras niya sa zarzuela de senado. Gamitin na lang niya sa pagsugpo ng krimen at talamak na paggamit at pagbenta ng droga.

Madami pang gagawin at malayo pa ang tatahakin nina Bato at Digong para maisaayos ang lagay ng bansa. Nababalam dahil sa mga lubak na tulad nina De Lima at Trillanes. Tulungan nating patagin ang daan para sa mas malinis, maayos at magandang kinabukasan.

Best Features of OPPO F1s

Ako'y natutulog na parang si Snow White kahapon nang biglang bumuhos ang julanis morissette. Dahil barado ang alulod, nag-leak at bumaha sa patio. Nabasa din ang mga sinampay. Buti na lang at to the rescue ang landlord kaya naibsan din agad ang bahamas. Wala man lang pasabi itong si julanis na ganun ang audience impact niya. KALOKA!

For the past few weeks, I've been browsing the net looking for the perfect replacement of my almost-2-years-old phone. Medyo bumibigay na ang memory at hindi na kinakaya ang work email ko. I tried checking popular brands but they're a bit pricey. Alam niyo naman ang lolah niyo, budget diva kaya todo search akiz ng mid-range Android phone na hindi naman pahuhuli pagdating sa specs. Mukhang andito na yata ang sagot sa panalangin ko...

F1s ang latest offering ng OPPO. Infairness, ang dami ko nang nakakasabay sa jeep at tren na gumagamit ng brand na 'to. F1s is a selfie expert dahil sa 16-megapixel front camera na may panorama option, Beautify 4.0 at filters to choose pa. Perfect for #selfie talaga!

Winnerva din ang ibang specs...
  • ColorOS 3.0, based on Android 5.1
  • MT6750 Octa-core 64-bit
  • 2.5D Corning Gorilla Glass 4 screen
  • 3075 mAh battery
  • Two thread-thin metallic bands
  • 13-megapixel rear camera that can take wonderful night shots
  • 5.5" display screen with 1280x720 resolution and more!
Here are the other features na bonggang nakapagpa-impress sa akin:

My current phone has 16GB non-expandable internal memory at single sim lang ang keri. With F1s, I can store pictures, videos and files up to 128GB at pwede ko na rin magamit ang TM sim ko aside from my Smart number. 

More usage of memory and more apps installed means we need more RAM para less hang at kabagalan. 3GB RAM is just perfect! Mas mabilis pa sa MRT. CHOS!

This is actually my favorite. Madalas kasi masira o lumubog ang power button kaka-open ng device. Feel the ease in unlocking the phone with your thumbmark. Kahit mamagna, sure na safe at hindi agad-agad mabubuksan ng kung sino man.

Hindi lang sa lock button may powers ang fingerprint mo. With F1s, you can launch FB with your thumb or start up the camera with your index finger. Hanggang 5 customizable fingerprint commands ang kaya. PAK!

Mga ateng, OPPO F1s na kaya ang magandang replacement sa aking naghihingalong ketay? Let me know your thoughts.

Thursday, September 15, 2016

The Guy in the Rain

Image from School of Fine Hearts
Pauwi ako galing opisina. Pasado alas-dose ng hatinggabi. Sa harap ako ng jeep nakasakay papuntang Welcome. Walang tao. Ako pa lang. Dinig ang boses ng barker nanghahalina ng pasahero.

"Bayad po." 

Sinuklian ng siete ang bente pesos ko. Sinuot ko ang headset at nakinig kay Regine Velasquez. May tumabi sa akin. Umandar. May pumapara maya't maya. Medyo napuno. Nag-antay ng saglit sa EDSA. Tinahak ang kahabaan ng Kamuning. Bumaba ang katabi ko sa Timog. Muling umandar. May pumara. Tumabi sa akin. Cute. Moreno. White t-shirt ang suot. Naramdaman ko ang pakiskisan ng mga braso namin. Ang tigas ng masels.

Una siyang bumaba sa overpass malapit sa Fisher Mall. Ako, lumagpas ng konti. Nag-antay ng jeep. May dumating. Pinara ko. Nakita ko, sakay din siya sa harapan. Mag-isa. Pinili kong umupo sa likuran.

"Bayad po."

Natutulog siya. Pagod yata. Hindi ko mapigilan na tingnan ang kanyang likuran. Tiningnan ko ang side mirror. May itsura siya. Binagtas namin ang Roosevelt Avenue. Walang trapik. Umaambon. Basa ang daan. Nagsibabaan ang karamihan sa EDSA. Lumipat ako sa pinakadulo. Sana hindi na mag-antay pa ng pasahero ang driver. Hindi nga. Tuluy-tuloy ang byahe.

"Para po", sabay bukas ng payong.

Bumaba din siya. Naunang maglakad. Huminto sa harap ng isang gate. Hinilot ang noo. Tiningnan siya habang naglalakad. Binagalan ko. Pinakiramdaman. Nasa gilid ko na siya.

"Hello. May sakit ka ba?"

"Wala. Lasing lang."

"Halika dito, share tayo sa payong ko. Baka maambunan ka."

"Ang bait mo naman."

Patlang.

"Anong pangalan mo?"

"Lester."

"Ako pala si Mel."

"Ano trabaho mo?"

"Waiter."

"Ah, kaya ka pala lasing."

Napangiti siya.

"Saan ka nakatira?"

"Diyan sa sitio."

Malapit na.

"Gusto mo ihatid kita?"

"Huwag na."

Nakarating kami sa kanto kung saan siya kakanan.

"Sige, Lester. Nice meeting you."

"Salamat."

Tuloy lang ako sa paglalakad. Naisip ko, sana inaya ko siya. Mag-hotel. Uminom. Andun na ang pagkakataon. Pero hindi ako ganun. Ayaw ko mag-take advantage ng isang sitwasyon. Tsaka ang dami ko palang babayaran.

'Di bale, baka makita ko siya ulit na hindi na lasing.

Wakas.

Sunday, September 11, 2016

Bota

Limang beses sumali at limang beses din hindi napili. 'Yan ang nangyari sa pa-contest na sinalihan ko na ketay ang papremyo. Keri lang naman dahil ganyan talaga ang life. Minsan winerva, minsan luz valdes. Ang importante, sinubukan. Try lang nang try. 'Yun nga lang, wititit ako babayla ng Huawei devices dahil mahalya fuentes. Xiaomi o Asus phone na lang, mas murayta sa parehong specs. GANERN!

Mahigit isang taon ko nang gustong tapusin ang panonood ng Andrea, Paano ba maging isang Ina? starring idol Superstar Nora Aunor pero wit ko magawa. Sinave ko sa ketay ang movie so hopefully, makagawa ako ng review the soonest. Also, ang dami ko din pending babasahin na panay sa simula lang ang nabasa ko. Andiyan pa 'yung X-Men, Bewitching at Ang Lalaking Walang Pangalan. I need to finish them dahil ang sangkatutak pa ang nakatambak na libro lalo na 'yung mga nabili ko from UP Press last anniversary nila.

Nakapasok na sa PAR o Philippine Area of Responsibility si bagyong Ferdie so expect julanis morisette to sprinkle her powers again. Don't forget to bring payong and wear fabulous bota. Bago natin siya maramdaman sa ating mga bubungan, let's support these delicious fafahs as they compete for Sta. Lucia Mall's Mr. Sexy Body 2016...

Kinse silang kasali pero anim lang ang pumasok sa ating menu. Simple lang ang pagboto, click niyo lang ang pic nila sa taas then mapupunta kayo sa FB page ng mall. 'Pag ni-Like niyo ang pikachu, one pogi point agad kay baby at three points naman kapag na-Share. Go go go and support your fave! Voting is until the 15th of this month. Finals will be on September 17