Tuesday, October 25, 2016

Bente

3 days ago, nag-celebrate ng 19th anniversary ang Impossible Princess, 6th studio album ni Kylie Minogue. Nagdiwang ang #lovers (tawag ni Kylie sa fans niya) sa social media and posted their memorabilia of the album. Siyempre, bilang sawsawera ng bayan, hindi akez nagpahuli. I posted the two versions, cassette tape and CD.

I can't remember the exact year pero late 90's or early 00's nang mabili ko ang cassette tape sa halagang bente pesos. Sa SM pa 'yan kaya bongga! At nung nagka-extrang kayamanan, napabili ako online ng CD via Amazon UK.

This album is a little special to me dahil ito ang nag-introduce sa akin kay Kylie. I think I was only 13 or 14 during that time. Some Kind of Bliss was the first ever video na napanood ko featuring her. Then naloka ako sa pagkakagawa ng Did It Again video. Paanong nagsama-sama sa iisang video ang apat na Kylie at nagwarlahan pa?

The genre of Impossible Princess is unique and outstanding compare to all of her records. May pagka-rock/alternative ang tunog at very personal ang lyrics. Initially, I didn't like the sound of the non-singles pero mas na-appreciate ko siya nung medyo nagka-edad na. ARAY! So hard to accept that. CHOS!

Let's go down to memory lane and reminisce the music videos from Impossible Princess...

2 comments:

  1. mas bet ko ang indie kylie...

    ReplyDelete
  2. love love love Kylie M! yung song nya na Did It Again when I started to become a fan ;)

    ReplyDelete