Sunud-sunod ang pageant na sinalihan ng mga Pinay ngayon buwan. Bago matapos ang Oktubre, halikayo't reviewhin natin ang naging performance nila...
Nicole Cordoves was declared as the first runner-up to Indonesia in Miss Grand International 2016 held in Las Vegas, Nevada. Our highest placement evah! This Thai-owned pageant is now on it's 4th year at bonggang na-invade na ang USA. Halos pareho ang format sa Miss Universe na meron ding pre-pageant kaya nagiging paborito na rin ng pageant fans.
Kontrobersyal ang final Q&A ni Nicole dahil pinapili siya between Trump or Clinton. Nag-take siya ng risk at pinili si Trump. Here's what she said:
"Okay, you have to promise me that you would react after my first sentence.
"I would choose Donald Trump to stop the war and violence with me because if we choose him to switch to our side there won't be war and violence anymore.
"So, I will also make sure that he will read my speeches to stop the war and violence because imagine someone who would bring so much madness and so much emotion from these people. what if we use his voice to actually do good for the world? What if we use that to our advantage? That's why let's keep the peace and let Donald Trump switch to our side to stop the war and violence."Medyo na-boo nga siya ng audience sa choice niya. Although brainy naman ang kuda niya, sa mga ganitong klaseng kompetisyon kasi, dapat isasagot mo 'yung magugustuhan ng mga utaw kesehodang hindi talaga iyon ang bet mo. Remember na laging malakas ang impluwensya ng audience sa desisyon ng mga hurado.
Ipinasa ni Miss Russia kay Miss Puerto Rico ang korona ng Miss Intercontinental this year. Beauties from different region ang bumuo sa top 5. Nag-tie pa nga sina Miss Italy at Miss Ghana kaya kinailangan magbotohan ulit ng judges kung sino sa kanila ang magiging 3rd at 2nd runner-up. Alam niyo kung paano sila nag-decide? Pinatayo sila. Sa sampung hurado, anim ang tumayo sa African beauty kaya automatic na si Italy ang olats. Ang chaka ng ginawa nila! Pumasok naman sa top 15 si Philippines pero si Sri Lanka ang piniling Asia and Oceania candidate sa top 5.
Miss Earth 2016: Katherine Espin (Ecuador) Miss Air 2016: Michelle Gomez (Colombia) Miss Water 2016: Stephanie de Zorzi (Venezuela) Miss Fire 2016: Bruna Zanardo (Brazil) |
Latina domination ang nangyari sa Miss Earth 2016 from the main winner to her elemental court. Ang daming dirty chikas after the coronation night. Kesyo may nangyari daw sa winner at isang sponsor. Todo sa bitterness din si Miss Philippines. Peke daw ang boobs at ilong ng nanalo. Pati ang yellow Almodal gown na suot nito eh dapat daw sa kanya. KALOKA!
Kapapasok lang na balita; nag-resign na siya bilang Miss Philippines Earth. Wit kineri ang kapaitan. Bigyan ng asukal, please.
Ano man ang nangyari, proud pa rin kami sa inyong tatlo. Salamat Jennifer, Nicole at Imelda for proudly wearing that elusive sash of our country.
GANDANG KAYUMANGGI, ANGAT AT WAGI! ♥